Kabanata 7: Regalo
Maaga kaming umalis kaya maaga din kaming nakarating sa mall. Dahil maaga kami, akala ko wala pang pila pero ang haba na!
"Kung mag arcade kaya muna tayo?" si Ate.
"Hmm... Oo. Si Mommy naman yung bibili ng ticket, e," sagot ko.
Sumang ayon din sila Kiko sa plano namin. Sinabi namin kay Mommy na mag-a-arcade lang muna kami at babalik din. Kami na din ang bibili ng pagkain.
"Ano, bibili ba muna ng pagkain o arcade?"
Napabaling ako kay Ian.
"Siguro arcade muna bago pagkain," ani Kiko.
"Bumili nalang muna ng pagkain para mamaya pagkatapos mag laro diretso na sa sine."
"Bawal pagkain sa arcade ah?"
"Bobo, hindi naman natin kakainin don."
Hinayaan ko nalang na magtalo ang magkapatid. Away bata na naman.
So, ayun nga, napagdesisyunan na naming bumili nalang muna ng pagkain bago mag arcade. Hindi naman daw kasi kakainin yung pagkain sa loob ng arcade.
"Piatos at C2 sa'kin," si Kiko.
Kumuha na si Ate ng mga pagkain at inilagay na sa cart. Napatingin ako kay Kiko na pinagmamasdan ang nga pagkain. Nagulat ako nang lingunin niya ako.
"Ikaw, Mika. Anong gusto mo?"
Gusto ko, ikaw.
"Piatos at C2 nalang din yung sa'kin."
Pagkatapos non ay nagbayad na kami. Akmang bibit-bitin ko ang plastic nang biglang may umagaw nito sa'kin.
Wow.
Mabilis na naglakad si Kiko palayo sa'kin habang bitbit ang plastic na may lamang mga pagkain. Napabaling ako kay Ian, malawak ang ngiti niya sa labi.
"Ba't ka nakangiti?" nanliliit ang mata kong tanong sa kanya.
"Ha?"
"Hatdog."
Pagkatapos non, umakyat na kami sa taas at tumungo sa arcade. Kita ko ang kumikislap na mga mata ni Kiko habang nakatingin sa arcade. Kating-kati na ata siyang mag basketball.
Agad na pinapalit ni Kiko ang pera sa token at nag laro na ng basketball. Sinamahan naman siya ni Ian habang pinagmamasdan lang namin sila ni ate. Pano na yung plano ko na mas lalong mapalapit kay Kiko?
"Token?" pinagmasdan ko ang kapatid kong ngumingiti-ngiti nalang sa aking tabi.
"Karaoke nalang, ate?"
Tumango-tango siya bilang sagot.
Binigyan niya ako ng pera at ako na daw ang mag papapalit. Wala naman akong magagawa kaya sinunod ko nalang ang utos niya.
Naglakad na ako papunta sa cashier. Magsasalita na sana ako sa kahera nang may biglang umakbay sa akin.
"Penge naman niyan, Ms," I look at him, frowning.
He even winked at me, ghad.
"Excuse me, Sir. Pero hindi kita kilala."
"Oh? 'Wag kang mag alala. Best friend ko crush mo."
Best friend?
"Ced."
Napabaling ako sa tumawag. Kunot-noo siyang nakatingin sa naka akbay sa'kin.
"Oh, Kiks! Nandito ka pala!"
Inalis ko ang pagka akbay sa akin ng lalaki at saka nag papalit na ng token. Mag best friends sila?!