Kabanata 9: Stolen
Bumaba na ako at sumunod na sa kanila. Bakit nandito si Gaile? Akala ko ba sa Batangas siya mag papasko?
Masaya ako na makakasama ko siya ngayon mag pasko. Pero ayokong lokohin ang sarili ko. Oo, nag seselos ako.
Umupo na ako sa pwesto ko. Wala pa rin si Kiko, maging si Gaile. Bale ako, bakanteng upuan (kung saan dapat nakaupo si Kiko), at si Ian na masayang kumakain ng fried chicken.
Where did they go? Ano naman kaya ang binabalak nilang dalawa? May namamagitan ba sa kanila?
Maybe I should find someone else? Panibagong crush. Panibagong mamahalin. Ganoon naman kasi talaga dati, pang isang linggo ko lang sila nagiging crush. Anong nangyari ngayon?
"Nasan na daw sila? Diba pinahanap ko sa'yo si Kiko?"
"Nakita ko na. 'Di ko na alam kung sa'n nag punta. Hayaan niyo na 'yon, ang laki laki na niya. Kaya na niya sarili niya."
My moms brows furrowed. Hindi ko na siya pinansin at tinuloy ko nalang ang pag kain ko.
Pagkatapos kumain ay tahimik lang akong nakaupo habang sila'y nagliligpit. Mag pi-picture daw kaming lahat mamaya kaya 'wag daw muna kaming umalis. Hanggabg ngayon, wala pa din si Kiko at Gaile.
Ano na kaya nangyari sa kanila?
Sa sobrang bored ko, kinuha ko ang tablet ko. Maghahanap nalang ako ng gwapo!
To my surprise, I saw a very handsome holywood celebrity, wearing a gray shirt partner with a leather jacket and a loose pants.
"Ano 'yan?!"
Sa gulat ko'y muntikan ko nang maihagis ang tablet! Darn, bakit kailangan niya pa akong hampasin sa balikat?
"Ano ba, Ian?!"
"Bakit ka pa nag hahanap? Nandiyan naman yung kapatid ko?" naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Excuse me? Kapatid mo? Hello! May iba siyang gusto!"
"Pano mo nasabi?"
"Duh, nag propose kaya ako sa kanya! Ang sabi niya bata pa ako!" he cursed.
"Gaga ka? Bakit ka nag propose?!"
Hindi ko na siya sinagot. Bahala siya sa buhay niya! Hindi ba siya nag iisip? Malamang gusto ko yung kapatid niya! Pero, baka akala niya nang t-trip lang ako? Pwe, bahala na!
"Oh, picture na!"
Nagtipon-tipon na kami para sa picture. Christmas 2012? Nah! Medyo worst 'to ha!
Nandito nga crush ko, sa iba naman sumama!
"May kulang pa ba?" tanong ng kapitbahay na mag pi-picture. "Kung may kulang paki-- Oh! Nandyan na pala!"
Sa wakas, lumabas na din silang dalawa. Akala ko lalabas sila nang magkaholding hands, e. Buti naman hindi.
Nakita kong patungo si Kiko sa pwesto ko. Akma na akong aalis nang biglang sumigaw yung kapitbahay na mag pi-picture sa'min.
"Teh, ghorl. Sa'n ka pa pupunta? Ginugulo mo lang, e. Ikaw kaya mag ayos."
Ghorl, excuse me? Taga picture ka lang!
Gusto ko sanang sabihin na, "Pasalamat ka, pinakain ka namin" kaso baka sabihin niya na attitude ako? Oo, attitude ako sis!
Hindi ko na nagawang lumipat pa ng pwesto. Damn, katabi ko 'tong bebelove ko na iba naman ang gusto! Kiko, mamatay ka na sana! Joke, iloveyou forevs, xd.