Kabanata 14

4 1 0
                                    

Kabanata 14: New Life?



Napahawak ako sa aking dibdib. I let out a heavy sigh as I got off the tricycle. First day ko ngayon sa bago kong school at sinabihan ako ni Lauren na antayin ko daw siya sa lobby since dito siya nag-aaral.

Kaklase ko si Lauren since grade three sa previous school ko. She just transfered here last school year at second year na niya ngayon. She will be my tourist for now.

Ako:

Hey, Laurie! Dito na 'ko. San ka na?

Umupo ako sa nakitang bakanteng upuan. I'm wearing a plain white shirt and black jeans since I just transfered here. Napatingin ako sa paligid at nakitang pinagtitinginan ako ng ibang tao. Nagtataka ata bakit may panget na lumipat sa school nila? Hahaha!

Lauren:

Malapit na akooooo.

Will I get along with this people? What if they don't consider me as a friend? Negative thoughts keep coming through my mind. Hindi ko mapigilang isipin kung gusto ba nila akong kaklase o kung may makikipag kaibigan ba sa'kin. Kung ayaw, 'di ko naman ipipilit sarili ko eh.

"Mika."

Napatayo na ako nang tawagin na ako ni Laurie. Naglakad na kami papuntang quadrangle at sabi'y sasamahan daw niya akong hanapin ang section ko. Nakipagsiksikan kami sa mga estudyante hanggang sa makarating sa tapat ng bulletin board kung sa'n nakalista ang pangalan namin at kung saang section kami kabilang.

"Laurie, wala yung name ko," napabusangot ako.

"Irereklamo natin 'yan. Don't worry," saad niya sabay hila sa'kin paalis.

This is my first fucking day but I felt bad. Iniintindi ko nalang kung bakit wala pa akong section. Late na din naman kasi ako nag enroll kaya siguro nalimutan nilang ilagay ang pangalan ko?

"Ma'am walang section yung kaibigan ko! Ma'am transferee!" Lauren ranted in front of the teacher.

"Chill ka lang Laurie!" she chuckled. "Dito na muna siya sa'kin pipila," she looked at me and smiled.

Pinapila nga ako sa section nila. Pero si Laurie sa ibang section daw kaya kinabahan ako dahil natatakot akong mag-isa.

"You sure? Okay lang sa'yo dyan?" Laurie asked.

I smiled. "Oks lang Laurie. Kakayanin naman."

"Sige, goodluck!" she wave her hand and left.

Napalunok ako nang makaramdam ng tawag ng kalikasan. Nakalimutan ko palang tanungin kay Laurie kung nasaan ang CR! Napalingon ako sa likod ko, she's wearing shirt and jeans like mine. She's probablly a transferee like me. Maybe I should ask her.

Nilunok ko muna ang hiya ko bago siya kalbitin.

"A-Ate alam niyo po kung sa'n yung CR?" I smiled nervously.

"Ah... Dito po sa building na 'to," itinuro niya ang building. "Tapos akyat ka sa second flo- teka nga samahan na kita! Hehe."

Napangiti siya sa'kin at sinuklian ko din ito. Naglakad na kami papunta sa building na itinuro niya kanina. Paakyat na kami nang magpakilala siya.

"By the way, I'm Jeante. But you can call me Tei," inilahad niya sa'kin ang kamay niya.

"Mika," I said before shaking her hand.

Nang sa wakas ay natapos na ako, bumaba na kami. Saktong papasok na sila sa gym, bumalik na kami sa pila.

As expected, the principal welcomed us with her smile. Nakaupo lang kami lahat, siksikan, habang nagsasalita siya sa unahan. Sinabi niya ang mga rules ng school, mission vision, and such. Nakaupo sa likod ko si Tei. I badly want to talk to her 'cause it's so boring but I don't want to interrupt her 'cause she's playing on her phone. Nginitian ko siya nang mapatingin siya sa'kin. Sinuklian niya naman ako.

Remembering YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon