Kabanata 11: Changes
Grade 4
Panibagong taon na naman. Panibagong section at panibagong kaklase. Panibagong crush? Nako, si Kiko pa din.
Naninibago ako sa sarili ko. Oo, grade four na ako at ten years old na ako. Pero, nakakapanibago na hindi man lang naglaho ang nararamdaman ko para sa kanya.
Tuluyan na nga kaming hindi pinansin ni Kiko. Si Ian lang talaga ang kumakausap sa'kin at kay Ate dahil parehas silang grade seven. Tinanong ko din si Ian kung galit nga ba sa'min si Kiko? 'Yun nga lang, hindi niya din masagot ang tanong ko.
Inutusan ko si Ate na gumawa ng apology letter para kay Kiko. Naisip niya ring patugtugin ang sorry na by parokya ni edgar, nagbabakasakaling magkaayos kami. Ngunit wala, hindi natuloy ang mga plano namin.
Tahimik akong nakaupo sa classroom, habang pinagmamasdan ang mga kaklase ko. Hindi ko sila kilala. Halos lahat ng mga ka-close ko last school year, nasa first section na. Habang ako, napunta dito.
"Psst, sali ka?" Tinuro ako nung lalaki.
"A-Ako?" Tinuro ko ang sarili ko at tumango naman siya.
Nahihiya ako naglakad papunta sa grupo nilang bumubuo ng bilog at nakaupo sa sahig. Binigyan nila ako ng espasyo para makaupo at sinalubong nila ako ng ngiti.
"Magpapakilala tayo isa't isa ha? Mauna na 'ko," ngumiti siya ng malawak. "Ako nga pala si Ken."
"Hi, I'm Alyssa."
Kaklase ko pala karibal ko kay Kiko?
"Seanna, nine."
"Claire, transferee. Hehe"
"Aleiya."
"Jv nga pala."
"Ikaw?" Sabi sa'kin ni Ken. Nanigas ako nang mapagtanto na lahat sila'y nakatingin sa'kin.
"M-Mika," nauutal na sabi ko.
Sa buong buhay ko, ngayon ko lang naranasan ito. Tahimik ako lagi sa klase at wala akong balak na mag salita. Hindi ako active na tao at mas gugustuhin ko nalang maupo sa sulok at magsilbing multo sa kanila. Pero nagbago ang lahat ng 'yon dahil kay Ken.
Nagkataon na seatmate ko siya at lagi niya akong dinadaldal. Unang beses ko din maranasan na pagalitan dahil sa kaingayan. Sobrang daldal niya. As in! Pero kahit ganon siya, nangunguna naman siya sa klase.
Minsan na lang kami magkasalubong ni Kiko. Grade six na siya kaya nasa third floor na ang classroom nila. Two, three, four at five lang kasi dito sa second floor. Six to fourth year high school naman ang sa third floor. Minsan pa nga, hindi ako magawa tapunan ng tingin ni Kiko. At walang nangyari ngayong taon.
Grade 5
Kaklase ko pa din si Ken. Meron din akong bagong kaibigan na nakilala, si Ella. Wala pa ding nagbago dahil seatmate ko pa din si Ken. Nakwento din sa'kin ni Ella na may crush siya sa bestfriend ni Ken, si Wayne. Kaya tuwing lunch, pumupunta si Ella sa lamesa namin ni Ken at gano'n din si Wayne. Nagmistulang asong ulol si Ella tuwing lunch dahil katabi niya si Wayne.
"Mika, nakasalubong ko yung grade seven!" Patakbong lumapit sa'kin si Ella.
"Sinong grade seven 'yan? Bagong crush mo?"
"Hindi 'no, si Wayne lang crush ko! Yung nakasalubong ko yung crush mo! May kasamang babae, ay!"
Napangiwi ako sa sinabi niya. Sus, tagal tagal na nun. Mabuti siguro kung kalimutan ko na si Kiko at maghanap ako ng iba.