Kabanata 8

6 1 0
                                        

Kabanata 8: Merry Christmas



Tahimik akong nakaupo, pinagmamasdan ang bago kong relo.

Yep, that's right. Yung relo ko na hello kitty tas kulay violet na bigay ng nag iisang crush ko. Si Kiko.

Pinigilan ko ang sarili kong mapangiti. Sa totoo lang, hindi ko mawari na hanggang ngayon, iniisip ko pa din yung 'Crush, regalo ko ha'. Okay, kathang isip ko lang 'yon...

Sana, totoo nalang.

Pagkatapos niya kasing iabot sa 'kin ang relo, nagpaalam na siya at umalis. Mabuti naman at umalis na siya. Dahil hindi niya gugustuhin kung biglaan ko nalang siya sunggaban!

Okay, tama na ang landi ko na.

Maaga akong nagising ngayon. Gulat na gulat pa nga ang nanay ko tila isa daw yung 'himala'. Ganon ba talaga pag laging alas-dose ang gising?

Si Kiko kasi! Ilang araw na niya akong pinupuyat. Hehe.

Tumayo na ako at lumabas na ng kwarto. Bumungad sa'kin ang magulo, maingay na tawanan, at ang nanay kong ngumiti pa sa 'kin bago ako nilagpasan. Sila'y naghahanda na para sa magaganap na kasiyahan mamayang gabi. Kaso, masaya nga ba?

"Mika! Tulungan mo 'ko dito. Mag balat ka nga ng patatas!" okay, si Ate pinagbabalat ako ng patatas!

"Hindi ako si Sarah! Ikaw nalang mag balat! Hehe..." nakangisi akong lumapit kay Ate.

"Gaga, may sinabi ba akong ikaw si Sarah?" binigay niya sa 'kin ang mahiwagang peeler.

"Oh siya..." tinapik tapik niya ang balikat ko. "Balatan mo ng maayos yung patatas ha? 'Wag tatanga-tanga, okay?"

Bahagya akong natulala sa sinabi niya.

"Oh? Hindi ka pa nga nagsisimula, mukha ka nang tanga."

Pilit niya akong pinaupo sa lamesa kung saan nakahanda na ang sandamakmak na patatas na babalatan ko. Napanganga nalang ako sa dami. Kaya ko ba 'to ng isang araw?

"Huwag kang mag alala, Mika. Mga... kalahati lang naman babalatan mo dyan. Good luck!" tinapik niya ako sa kaliwang pisngi at saka umalis na.

Hindi man lang niya tutulungan ang kapatid niya? Hindi ba siya naaawa sa 'kin? Bakit kaya niya akong tiisin? Wala siyang kwentang Ate!

Char, love you Ate!

Kumuha na akong ng patatas at isa-isa na itong binalatan. Kailangan ko agad na matapos 'to. Shit, hindi pa ako nakakabili ng regalo kay Kiko!

Ano kaya pwedeng iregalo sa kanya? Chocolate? Hindi sa valentines nalang 'yon. T-shirt kaya? Kaso one-hundred pesos lang budget ko, hehe. Ah, alam ko na... Brief!

Joke, 'di ko alam size niya baka mamali pa ako ng bili.

Na-iimagine ko tuloy, pano kaya pag nakita ako ng nanay ko na nabili ng brief? Baka mapalayas ako sa bahay ng wala sa oras? Pwede ko ding sabihin na regalo ko sa pinsan ko kasi nakita ko butas-butas na yung brief niya? Hmmm...

Pinagmasdan ko uli ang mga patatas. Malaki ang tyansa na matagal ko pa itong matatapos lahat idagdag pa na ako lang mag isa, at yung ate ko lumandi pa ata.

---

"159... 160... 161!" Bahagya akong napatayo at nilagay na ang peeler sa lamesa. Grabe, mahigit isang daan pala nabalatan kong patatas?

Agad akong nagtungo sa may sala. Nagsidatingan na ang aming mga kamag-anak na nanggaling pa sa iba't-ibang lugar. Hindi ko sila kilala pero kamag-anak ko sila.

Remembering YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon