Kabanata 16: Wreck
Present
"Andito na tayo!"
Napamulat ako sa sigaw nila. Tumigil ang sasakyan sa entrance ng mall at agad kaming bumaba. Medyo nahilo pa ako sa pag mamadali.
Buong byahe ako nakatulog? Napakusot nalang ako sa mata ko at sinubukang tanggalin ang muta. I glanced at their happy faces. This is gonna be fun.
"Sa'n tayo pupunta?" si Ashley habang pinapacheck ang bag sa guard.
"Kain ba muna? Sa food court nalang," si Jc.
"Sige! Tas punta din tayo do'n sa parang rooftop, ewan kung ano tawag do'n."
I was being out of place for the past minutes. Sabi nga nila na medyo awkward na daw akong kasama. I guess it's because I transfered to another school and we don't usually hang out. Ngayon lang ang pagkakataon kaya hindi ko dapat sayangin 'to.
Nag-ikot ikot muna kami at nagpunta sa iba't ibang stores. We even laugh at everything we saw. Nag-away pa sila kung sa food court ba kakain dahil sabi ni Nicole mas gusto niya daw sa McDo.
"Ayaw niyo sa food court? Aaway pa kayo mag Bonchon nalang kasi!"
"Nyenye, mas masarap McDo!" si Nicole.
I chuckled.
"Wag na tayo kumain, mag milktea nalang tayo, huhu," Kim pouted.
Patuloy pa rin sila sa pagdedesisyon kung saan kakain. Sa palagay ko'y isa ito sa mahirap pagdesisyonan dahil ang hirap mamili kasi lahat masarap! Cherise keep rolling her eyes. Napatigil sila nang sumingit na si Cherise.
"Alam niyo, puta, 'wag nalang tayo kumain," she said and then walked out.
Jc chuckled. "Lagot, ginalit niyo si ma'am."
They continued chitchating while following Cherise. I was silent the whole time because I don't want to mess it up. Napatigil kami nang tumigil si Cherise sa tapat ng McDo.
"That's my girl," Nicole whispered.
Halos mabingi ako nang mag protesta na naman ang iba. In the end, we decided to split up. Lima kaming naiwan sa McDo at sa Macao Imperial naman dumiretso ang iba.
"Ala king nalang sa'kin," pagkasabi ko'y umupo na sa bakanteng pwesto.
Si Ashley at ang boyfriend niya ang nag-order. Sumunod naman si Nicole at Jc na umupo sa tabi ko. Napatingin ako sa mag-jowa'ng nagkikilitian pa habang naka pila. Amputa, nakakainggit!
Bumalik na ang mag-jowa, dala-dala ang inorder namin kaya kumain na din kami. Ang awkward pa kasi walang umiimik sa'min. Until Jc broke the silence.
"Ang panget ni Kate."
"Amputa, bakit hinahabol ka pa din ba?" ngumunguyang sabi ni Nicole.
"Don't talk when you're full."
Muntik ko nang mabuga ang iniinom ko at natatawang napatingin kay Jc!
"Bobo amputa," Nicole said and sipped on her drink. "Don't talk when you're mouth is full 'yon!"
Tumawa ang mag-jowa ka napasimangot ako. Tumingin nalang ako kay Jc na nakabusangot na din.
"Alam ko! Sinadya ko 'yun, okay?" Jc rolled his eyes.
"Okay," si Nicole.
Nagpatuloy lang sila sa pag-uusap habang ako'y tahimik na nakikinig sa kanila. Hindi ako maka-relate sa pinag-uusapan nila kaya tumahimik nalang ako. Hindi pa rin naman nila ako tinatanong.
![](https://img.wattpad.com/cover/172255932-288-k283820.jpg)