Kabanata 5

22 3 0
                                    

Kabanata 5: Escape

Pinalo ko ang binti ko nang makitang may dumapong lamok dito. Kinamot-kamot ko pa ito nang mag simula itong kumati. Ba't ba ang daming lamok dito sa bahay nila Gaile?

Nag patuloy lang ako sa pag kamot ng binti ko. Hanggang sa hindi ko na matiis, pinadyak-padyak ko na ang aking paa. Nairita naman si Gaile sa ginawa ko.

"Ano ba 'yan, ang gulo mo. Pag talaga nagising si Ate Miles, malilintikan tayo." pabulong na sabi niya sakin habang patuloy na nag hahalungkat sa aparador.

Kinamot ko ang ulo ko, "Eh kung umuwi nalang kaya ako?"

"No, pag napicturan mo na ako, tsaka ka uuwi."

Napailing nalang ako sa sinabi niya. Ang gusto kasi niya, picturan ko daw siya para may ma-i-post siya sa Facebook. Kailangan ko daw gandahan yung pag picture ko sa kaniya para daw madaming likes. Kahit tinatamad ako, gagawin ko nalang para sumaya siya.

"Nakita ko na!" pag kasabi niya'y agad niya akong hinila palabas. Napatili pa siya habang sini-set ang camera.

Ngayon ko lang uli nakita ang malawak na ngiti sa kaniyang labi. I remember when we first met. Ibang-iba na ang ugali niya ngayon.

"Hindi ba tayo mapapagalitan?" inirapan niya ako.

"Ano ka ba, syempre hindi no! Kung gusto mo..." umiwas siya ng tingin, "Picturan din kita tas i-post mo sa Fb?"

Seryoso ba siya?

"Ah, hindi na."

Napatingin siya sa'kin, "Okay, sabi mo eh" aniya't tumalikod sa akin at sinubukang picturan ang sarili gamit ang camera.

Bakit ba niya kailangang gawin 'to? Ganon ba talaga 'to ka-importante sa kaniya?

"Hoy! Ano na? Picturan mo na ako. Dali!"

Lumapit na ako sa kaniya at sinunod ko ang inutos niya. Okay lang 'yan, picture lang naman.

"Isa pa. Siguraduhin mong maayos ako sa lahat ng picture ha!" pabiro niyang sabi sabay irap.

"Yes, Ma'am!" pag kasabi ko'y sumaludo pa ako at nag tawanan kami.

Kahit na may ugali siya, hinding-hindi ko talaga siya matitiis. Pero sana, wag naman si Kiko. 'Wag niya sanang agawin sa'kin si Kiko.

Pag katapos ko siyang picturan, pumasok na kami sa loob at dumiretso sa computer nila para ma-upload na daw niya sa Fb. Ganon ba ka-importante sa kaniya ang Fb na 'yan? Kung ganon, may Fb kaya si Kiko?

"Oh, yes! Na-upload ko na din sa wakas!" aniya't nag tatatalon pa. Inakbayan niya din ako.

"Salamat sa pag picture ha. Alam mo, dapat ikaw din e. Bakit ba kasi ayaw mong picturan kita ha?"

Napaisip ako sa tanong niya. Bakit nga ba kasi ayaw kong pinipicturan? Naalala kong nag tampo sila Papa sa'kin dahil ayaw kong mag pa-picture sa kanila nung field demo namin. Maski ako ay hindi alam ang sagot.

"Ah, 'di ko trip"

Isang malakas na katok ang narinig namin mula sa gate. Bahagya naman kaming nagulat sa narinig.

"Gaile!" sigaw nung nasa labas. Ba't parang pamilyar?

"Oo na! Teka lang. Jusme! On the way na 'ko!" ani Gaile at patakbong lumabas.

Kilala ko talaga yung boses na 'yon e. Teka san ko nga ba narinig 'yon? Sa bahay ata? Oo! Sa bahay nga!

Dali-dali akong lumabas para salubungin siya. Napatigil ako nang makita kung sino ang katabi niya. Bakit kasama ni Ate si Kiko?

Remembering YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon