Kabanata 13: Regrets
Minahal kita, binigay ko na ang lahat.
Pag-ibig kong alay sa'yo kailan ma'y 'di magbabago. -SugarcaneLuminga-linga ako sa paligid habang naglalakad papasok ng gate ng school. Marami akong bagay na pinagsisihan. At isa na do'n ang pag amin ng nararamdaman ko.
Tahimik akong umupo sa gilid ng makapasok na ako ng classroom. Ang daming mga kulugong naghihiyawan.
"Si Mika crush si Aries!"
"Aries, sagutin mo na si Mika!"
"Si Mika pinagpalit si Kiko!"
"Awit, Mika. Aries ka pala ha."
"Give me an A! Give me an R! Give me an I! Give me an E! Give me an S! Go! Go! Mika!"
Hindi ba dapat Aries 'yon? Hays, mga kulugo.
Hindi parin naging payapa ang umaga hanggang sa magsimula na ang klase. Patuloy pa din sila sa pang aasar. Ang nakakainis lang, pati sa discussion nasisingit pa nila ang pang aasar sa'kin. Tsaka lang sila titigil pag sinita sila.
"Okay ka lang, Miks?" umupo si Kim sa harap ko at pinagmasdan ako.
"Grabe sila mang asar. Tas napapansin ko din, naiinis na si Aries. Kawawa nadadamay pa siya dahil sa'kin."
"Mika, okay lang 'yon. Sinabi mo lang naman kung anong nararamdaman mo. Sila lang talaga ang problema."
Sa mga nagdaang oras na pang aasar nila, labis na naiinis na si Aries. Pasimple kong tinitingnan si Aries at halata sa mukha niyang nabubugnot na siya kakaasar sa kanya.
Napabuntong hininga ako. "Math na next period. Katabi ko pa naman siya, Kim. Anong gagawin ko? Baka... baka iwasan niya 'ko."
Malungkot siyang ngumiti.
Bakit gano'n yung kay Kiko, parang wala lang naman. Ayos pa nga sa'kin at sa kanya na asar asarin? Minsan nga pinapatulan pa niya, e. Pero yung kay Aries...
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang aming guro. Inayos na namin ang upuan para sa seating arrangement sa subject na 'yon. Bahala na. Katabi ko pa naman si Aries. Kainis!
"Ayieeeeee! Shet magkatabi nga pala sila!"
Deputa. Dahan-dahan akong umupo habang nakayuko. Tumingin nalang ako sa labas ng bintana tutal katabi ko naman ang bintana. Mabuti nalang at binuksan nila ito para makasingaw singaw daw ang classroom namin kasi ang baho daw gawa ng aircon. Pero di talaga kasi sila nag d-deodorant.
"Aries, I love you daw sabi ni Mika! Yieeeee!" sabi ng kulugo.
Hinayaan ko nalang sila na asarin ako. Tutal mahirap silang suwayin at kapag pinansin ko sila mas lalo nila akong aasarin. Hindi rin 'yan magtatagal, mapapagod lang din naman sila.
Kinuha ko ang notebook ko sa bag ko dahil ayoko namang tumunganga lang. Nang maramdaman kong umupi na siya sa tabi ko, nagsimula akong magsulat ng kung ano-ano sa likod ng notebook ko. Para hindi awkward. Para kunwari, may ginagawa ako.
"Taena yieeeee! Magkatabi na sila oh shit!"
Halos mapunit na ang papel sa sobrang diin ko magsulat. Hmp! Nakakagigil na ang mga kulugo! Kung kayo kaya sa posisyon ko? Pag talaga nalaman ko mga crush niyo yari kayo sa'kin!
Itinigil ko nalang ang ginagawa ko at itinuon ang atensyon sa guro naming nag e-explain sa unahan. Kawawa yung papel wala namang atraso sa'kin.
"Get a one whole sheet of paper. Copy and answer what will I write on the board," saad ni Ms. Raicel.