Kabanata 6: Ngiti
Gusto ko nang makalimot. Kinakabahan akong sagutin ang tanong nila tungkol sa nangyari kahapon. Nasa gitna ako ngayon, pinapalibutan nila.
"Bakit ka nga kasi tumakbo kagabi?!"
They keep firing me questions about last night. Ayoko namang sabihin na, 'Tumakbo ako kasi nag selos ako!' baka mabigla sila.
"Natatae ako e," mahina kong sabi.
"Ano?! Hina ng boses mo! Lakasan mo kasi!"
"Natatae nga ako sabi!"
Humagalpak sila sa tawa. Napatingin ako kay Gaile, siya lang ang natatanging hindi tumawa. Sigurado akong alam niya ang dahilan.
Pagkatapos no'n, lumabas ako ng bahay para sana mag muni-muni. Kaso, nakasunod pala sa akin si Gaile.
"Ano ba kasi ang dahilan?" tanong niya.
Napaiwas ako ng tingin. I will never tell her the truth. Ayaw ko siyang masaktan sa mga dahilan ko. Ayaw kong iwasan niya ako. Ayaw kong mapalayo sa kaniya. So I decided to never ever tell her the truth.
"W-Wala, natatae lang talaga ako," I said, jittery.
"Hindi ako naniniwala," seryoso niyang sabi.
Pagkatapos ng araw na 'yon, mas lalong napalapit si Gaile kay Kiko, habang ako, lumalayo. Nag simula na rin nila akong asarin. Anak daw kuno ako ni Mr. Lonely, dahil sa mga nag daang araw, palagi nalang ako mag-isa.
Pano, sa kaniya ka kasi nasama.
Gusto ko sanang mas mapalapit pa kay Kiko, kaso palagi silang magkadikit ni Gaile. Kaya hindi ako makadiskarte, e.
Tulala habang nakaupo sa tricycle, naramdaman kong may tumabi sa'kin. Si Gaile.
"Antayin natin si Kiko. Tatanungin ko na siya kung sino ba crush niya. 'Di ba 'yon ang gusto mong malaman?"
Kailangan ko pa bang malaman 'yon? Usap-usapan sa kasi sa school namin na si Mareya 'daw' yung crush niya. Transferee din at kaklase ni Kiko.
"Ikaw na ang bahala."
Lumipas ang ilang minuto ng pag hihintay, walang dumating na Kiko at Ian. Siguro nga, wala na silang pake sa'min? Sa'kin? Baka sa akin lang. Halata naman kasing may gusto siya kay Gaile.
"Pasok na 'ko, Gaile."
Hinarangan niya ako.
"Eh! Dito ka lang muna!"
"Madilim na, oh. Kaya papasok na ako."
"Sama nalang ako sa'yo," sabi niya't bumaba na sa tricycle para makapasok na kami sa bahay.
Pagkapasok, dumiretso ako sa kwarto, nakasunod naman sa akin si Gaile.
"Mika, galit ka ba sa'kin?"
Bahagya akong nagulat sa tanong niya. Hindi ko siya sinagot.
"Sorry na, uy! Nabasa ko kasi 'yung diary mo. Galit ka nga sa'kin!"
Gulat na gulat akong napatingin sa kaniya. Pano niya nakuha yung diary ko?!
"Nasaan na yung diary ko?! Ba't mo binasa?! Hindi mo ba alam ang salitang privacy ha!"
"Pero galit ka sa'kin dahil kay Kiko!" she screamed.
Ibinato niya sa'kin ang diary at padabog na umalis.
Hindi ko siya maintindihan. Akala ko'y hindi sadya ang pag punta niya rito. Mukhang pinagplanuhan niya pa.
