Kabanata 1

30 3 0
                                        

Kabanata 1: Friends

Wayback 2012

Marahas na binuksan ni Ate Faith ang gate namin. Nakabusangot ko naman siyang sinulyapan. Lumingon siya saming dalawa ni Gaile. Kumunot ang kaniyang noo nang mapagtanto niya na nakasimangot ako.

"Sinisimangot mo dyan?! Mas lalo ka tuloy pumanget."

Mas lalong bumosangot ang aking mukha sa sinabi ni Ate "Tse!" padabog kong sinabi sa kanya.

"Sus! Sasamahan niyo lang naman ako sa bahay ng kaklase ko. Ang arte-arte mo talaga."

Imbis na pansinin ko siya, hinawakan ko nalang ang kamay ni Gaile, ang best friend ko.

Nag simula na kaming mag lakad palabas ng aming gate. Sumunod naman si Ate Faith samin nang naka ngisi.

Nauna si ate sa amin na mag lakad dahil 'di naman namin alam kung san yung bahay ng kaklase niya.

Kanina pa kasi ako kinukulit ni Ate na samahan siya sa bahay ng kaklase niya. Bukod sa tinatamad ako mag lakad, nag lalaro din kami ni Gaile ng luto-lutoan. At, ayaw na ayaw ko ding iniistorbo ako sa pag luluto, lalo na't seryoso ako.

"Ba't ba kasi kailangan ka pa namin samahan Ate? Bakit? 'Di mo ba kaya mag isa?" naiinis na tanong ko kay Ate.

Tumawa lang siya.

"Ate kasi! Imbis na nag luluto kami ni Gaile eh."

Mas lalong lumapit si Gaile sa'kin para bumulong.

"Mika, ano ba. Okay lang naman na samahan natin si Ate Faith eh. Tsaka, 'di naman masusunog yung niluluto natin eh. Pinatay ko yung kalan. Hehe."

Tinawanan na lang kami ni Ate Faith.

Mas binilisan ni Ate mag lakad para daw makarating kami agad at dahil na din sa kagustuhan kong makauwi na at mag laro.

Tumigil siya mag lakad sa tapat ng isang bahay. Makalawang ang gate nito at mayroon din itong mini clinic sa tabi. Sakto namang lumabas si Ate Bea sa kanilang bahay at binati si Ate Faith.

"Tara Faith! Punta tayo dun sa may kanto. Nandun sila Ian." masayang sabi ni Ate Bea at hinatak na paalis si Ate Faith. Sumunod nalang kaming dalawa ni Gaile sa kanila.

Lumingon naman si ate Bea at kumaway saming dalawa ni Gaile.

Nakakatamad talaga. Wala kaming ginawa ni Gaile kundi sumunod lang nang sumunod kela Ate. Mas gugustuhin ko pang mag luto ng plastik na isda kaysa mag lakad.

Tahimik lang kaming nag lakad ni Gaile habang sila Ate Bea at Ate Faith ay nag haharutan.

May lalaking lumapit sa kanila. Agad namang tumawa sila ate Faith na parang kanina'y pinag usapan nila ang lalaki.

Nakipag apir sa kanila ang lalaki. Sumulyap naman siya sa amin ni Gaile at ngumiti.

"Mukha kang pugo, Ian. Hahahahaha! Dami kong tawa! Mga lima. Hahahahaha!" tawang-tawa na sabi ni ate Bea sa lalaki. Siya pala si Ian.

Nakitawa si Gaile sa kanila habang ako ay wala pa ding imik. 'Di kasi ako natatawa. Gusto ko na talaga mag luto!

Patuloy pa din sila ate sa pang aasar kay Ian. Halata sa mukha ni Ian na asar na asar na siya. Pero kahit ganon, ay pinipigilan lang niya.

Binitawan ni Gaile ang pag kakahawak sa kamay ko at sumunod sa kanila ni ate. Lihim naman akong nag tampo dahil sa ginawa ni Gaile. Tumayo ako ng tuwid at humalukipkip. Yung best friend ko, tinalikuran ako. Nakakatampo naman talaga.

Nag simula na silang mag lakad. Papaunahin ko na sila. Parang hindi kasi ako belong sa kanila. Balak ko sanang mag paiwan. Kaso, ayoko namang mawala kaya sumunod ako sa kanila at pinanatili pa din ang agwat.

Remembering YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon