Kabanata 10

3 1 0
                                        

Kabanata 10: Gone



Dumaan pa ang mga araw na nag ensayo kami para sa aming First Communion. May kasabay din daw kaming babae na first year high school at siya ang kakanta ng mga gospel songs. Usap usapan, crush daw ni Kiko.

Isinulat ko sa diary ko ang babaeng 'yon. Balang araw makakaisa din ako sa'yo, ate girl.

Dalawang araw nalang bago mag simula ang aming first communion. Mag iisip na ba ako ng mga da-moves ko kay bebelove? Panong moves ba? Like, mag ki-kiss sabay hug? Ano raw?! Okay, ang gulo ko.

Tahimik akong nakaupo sa sala habang nanunuod ng teleserye. Ang cute nung bangs nung bidang babae!

Tumayo na ako at dumiretso sa kwarto. Sinigurado kong nakalock ang pintuan at kinuha na ang gunting ni Nanay sa daguman. Magiging cute na ba ako pag ginaya ko yung bangs nung babae sa tv?

Humarap ako sa salamin at tiningnan kong maigi ang panget kong mukha. Hindi naman malapad noo ko pero gusto ko lang talaga subukan na mag bangs. Maybe full bangs or side bangs. Alinman sa dalawa ang magawa ko.

Kumuha ako ng piraso ng buhok ko at inilagay ko na sa tapat ng aking mukha. Inayos ko na rin ang posisyon ng gunting sa kung gaano kahaba ang gusto kong bangs. Pumikit ako at sinimulan ko nang gupitin ang buhok ko.

Bakit feeling ko, ang ganda ng kalalabasan nito. I want to look like the girl I saw on tv!

Ang pag iimagine na kamukha ko na ang babaeng may bangs na nakita ko sa tv ay bigla nalang naglaho nang minulat ko na ang mga mata ko.

What the hell? Mukha akong buko!

Tila nasira ang imahinasyon ko maging ang plano kong maging maganda. Nasira lahat nang dahil sa lintik na bangs na 'to!

Habang buhay na nga talaga akong tanga.

Mariin akong pumikit at ibinagsak ko ang katawan ko sa kama. Pinagsusuntok ko ang mga unan at pinanggigilan ko ito. Isinubsob ko ang mukha ko sa unan at sumigaw. Palpak, Mika, palpak!

Maghapon akong nagdrama sa kwarto. Iniisip na sana'y hindi ko na lang ginupitan ang buhok ko. Kung alam ko lang talaga ang mangyayari, hindi ko na sana tinuloy. Nang maghapunan na'y sinabi ko sa kanila ang nangyari sa bangs ko at tinawanan lang nila ako. Mukha nga daw akong buko.

Nakahiga na ako sa kama at pilit kong pinipikit ang mga mata ko para matulog. May practice kami sa first communion bukas at paniguradong pagtatawanan nila ako dahil mukha nga akong buko.

Halos hindi ako makatulog buong gabi kakaisip kung pano ko ba itatago 'tong bangs ko. Sinubukan ko mag hairpin pero lintek dahil ang dulas pa ng buhok ko.

Wala akong nagawa kaya pumasok na ako sa school. Maya't maya akong nag papaalam sa adviser namin para mag cr. Binabasa ko ang buhok ko para maitago ko ang palpak na bangs dahil kapag nakita nila ito, buko na ang pangalan ko.

"Maya't maya ka ata nag c-cr, masakit ba tyan mo? LBM?" ngumunguya pang tanong sa'kin ni Kim.

Kumapit ako sa braso ni Kim at nagpatuloy sa paglalakad. Papunta kaming canteen ngayon dahil recess namin at wala akong balak na sagutin ang tanong niya.

"Bili tayo ng lugaw with egg mamaya. Hati tayo ha? Tig ten tayo."

Sumangayon siya sa'kin at naghanap agad ako ng pwesto para kainan at inilahad ko sa kanya ang bayad ko. Luminga linga ako sa paligid. Sa'n kana, Kiko?

"Eto na po ang lugaw with egg, Madam..."

Pinanood ko si Kim na umupo sa harap ko. Ibinigay niya sa'kin ang kutsara at kumain na kami. Nagkekwento si Kim habang patuloy pa rin ang pagkain ko at pasulyap sulyap sa pintuan ng canteen. Nagbabakasakaling makita si Kiko.

Remembering YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon