Kabanata 18: Gaze
Pathetic.
Akala ko magiging tahimik na ang buhay ko. Yung tipong mag fo-focus na ako sa studies, magiging honor tas magiging top sa klase at makakapasa sa lahat ng subjects.
KASO HINDI.
Ngayon ko lang napagtanto na halos lahat ng kaklase ko, naging kaklase ni Nico. At ang iba sa kanila kilala ako, kilala dahil ghinost ni Nico.
"Pwede ba mag-palipat ng section?" tanong ng utak ko.
"Aba, syempre HINDI. Tanging may mga magagandang dahilan lamang ang pinapayagan nila. Kunwari na bully ka or what."
"Edi magsinungaling ka," si utak na naman.
"Ayoko! Bagong buhay na ako at saka nakakahiya baka sabihin ng adviser ko na ayaw ko sa kanya!"
Para akong tanga habang nakatingin na naman sa salamin at nakikipag-away sa sariling repleksyon.
"Acceptance is the key..." I said to myself.
Tama nga naman. Tanging pagtanggap lamang sa mga bagay-bagay ang susi dito. Kung tatanggapin ko nalang ang lahat ng pangyayari, hindi ko na muling iisipin ang mga bagay-bagay na siyang gumugulo sa isip ko.
Pero, hindi. Hindi naman kasi ako kasing lakas ng ibang tao diyan. I am a weak hearted person. Nilalabanan ko nalang 'yon paminsan-minsan. Ngunit ang hirap pala talagang lumaban mag-isa.
ah, ghinost
ah, ghinost
ah, ghinost
ah, ghinost
ah, ghinost
Puta ano bang utak 'to.
Binilisan ko na ang paglalakad kasi ayoko namang ma-late kahit 9:30 ng umaga ang pasok namin. Nasa third floor ang first class namin pero sanayan nalang talaga.
"Uy! Good morning! Tara canteen!" saad ni dyn sabay akbay sa balikat ko.
"Girl, ma-le-late na tayo!" napakunot ang noo ko. " 'Wag ka na kumain! Mamayang lunch nalang!"
I was nervous before we got inside the classroom. I can't believe that I will see his face every fucking day. Kung pwede lang talaga mag palipat ng section!
Mabilis na lumipas ang mga araw, at sa tuwing papasok ako, sinisigurado kong naka-pokus ako sa tinuturo ng aming guro, o 'di kaya'y nililibang ko ang sarili ko kausap ang mga kaibigan. Basta 'wag... 'wag lang sa kanya.
Maingay na nagsilabasan ang mga kaklase ko nang sabihin ng guro namin na pwede nang mag-lunch. Pero syempre minabuti kong mauna muna siyang lumabas ng classroom kaya nagpaiwan muna kami nila Dyn.
"Mika, 'wag mo na kasi pansinin 'yun! Eh ano naman kung kilala ka niya? Parang wala lang naman sa kanya 'yun! 'Di ka nga pinapansin eh," sermon sa'kin ni Dyn habang inaayos niya ang backpack niya.
"Aba!" lintek 'to ah. "Louise!" tawag ko sa isa kong kaklase na naiwan din sa classroom. "Patawag nga si Darwin! Pasabi I love you galing kay Dyn-Dyn!" I smirked.
"Puta, Mika!" sigaw ni Dyn sa'kin at hinabol si Louise na tumakbo na palabas para tawagin si Darwin.
Oh ano ka ngayon Dyn-Dyn?
"Ano, Dyn! Darwin lang pala eh!" lumabas na ako ng classroom at tinawanan nalang ang kabalastugan na ginawa. Wala 'yang palag basta si Darwin.
Nasalubong ko si Grace kaya naghanap na kami ng pwesto kung saan kami kakain. Hindi naman ganoon kalaki yung school kaya paniguradong susunod nalang sila Dyn kasi bibili pa sila ng pagkain sa canteen.
![](https://img.wattpad.com/cover/172255932-288-k283820.jpg)