Kabanata 15: Replaced
My grade eight year ended so fast. Nagulat pa ako nung kinuha ko yung card ko at sinabing ako daw yung top one? To think na sa previous school ko, hindi ako makapasok sa top five. My oh-so-grade-conscious boy classmate protested that he should be the top one, at hindi ako. Sinabi niyang mas matalino siya sa'kin kaya nararapat lang daw ako sa top two.
Well, hindi ko na siya pinatulan at hinayaan ko nalang siyang mag protesta. Tahimik lang akong umuwi dahil sabik na sabik na ako sa bakasyon.
It was April, at 6:14 pm. Kinuha ko ang diary ko at nagsimulang magsulat.
Dear Me,
Ngayon, sa mga oras na 'to ay nagpapakasaya sila. Yung dapat nandun ako pero wala. Grand Ball nila ngayon. Tapos ako nakaupo dito sa kwarto at nagsusulat. Inggit na inggit nga ako eh kasi gusto ko din magsuot ng gown tulad nila. Naalala ko tuloy last year, kasama pa nila akong nagsasaya. Ngayon, sila nalang nagsasaya.Byeee~
Isinarado ko na ang diary at humiga nalang para tahimik na umiyak.
Kinabukasan, sa sobrang boring ko sa bahay, niyaya ko nalang si Nicole na mag gala dito sa subdivision. Sinundo ko siya sa bahay nila at napagdesisyunan namin na kumain nalang. Fishball, kwek-kwek, tas yung keri mo'to! Fries with drinks! Ang sarap, huhu.
Naglalakad na kami papunta sa Food Trip Corner nang mapadako ang tingin ko sa tricycle na dumaan. Nanlaki ang mata ko nang magtama ang tingin namin ni Kiko. Katabi niya yung kaklase niyang naging crush ko dati kaso nalimutan ko na yung pangalan. May hawak-hawak silang coat na mukhang isasauli na nila.
"Tangina," I muttered as the tricycle passed us.
"Uy, si baby mo!" Nicole chuckled.
I frowned. "Wala! Ekis! May Anne na 'yon, eh!"
"Ihh! Pag nag break sila reto kita! Nanliligaw pa naman tropa ni Kiko sa'kin!"
Nag chikahan kami hanggang sa makakain na. Kwinento niyang umamin sa kanya yung tropa ni Kiko. Gwapo din naman at naging crush din ni Nicole kaya feeling ko baka maging sila.
My summer went well? Buong araw akong nasa bahay dahil wala naman kaming pera pang bakasyon. Hindi kaya, 'di afford. Kaya masasabi kong nagbasa lang talaga ako at nanood ng kdrama. Niyaya ko rin si ate na samahan ako sa parlor. Magpapabangs ako.
"Oh shit kinakabahan ako," sabi ko sa sarili ko nang pinaupo na ako ng bakla.
I stared my ugly reflection on the mirror. Ang panget ko! Isa pa, naiinis ako dahil ang taba taba ng pisngi ko. Nagmumukha tuloy akong mataba pag nagpupusod kahit na forty-five kilos lang ako.
Nagsimula na akong gupitan ng bakla. Napatulala ako sa salamin ng makita ang kinalabasan ng bangs ko! It did not go well. Nakabusangot akong palabas ng parlor. Ano ba 'yan! Parang ako ang unang pinagpraktisan niyang gupitan. Hindi lang ako makareklamo dahil nahihiya ako at natatakot. Nagsisi akong nagpabangs pa ako. Kahit sana ako nalang nagpagupit. Sayang seventy-five pesos ko!
Months haved past, it's now June. Palungkot ng palungkot ang bawat araw ko. Palayo na ng palayo ang loob ko sa pamilya ko. My family started to have trust issues in me. Hindi ko alam. Palala na ng palala. Nagsisimula na akong balutin ng takot.
Mas natakot ako nang malapit na ang araw ng pasukan. Tinatakot pa ako ng ate ko na medyo mahirap na daw ang pag-aaralan pero inisip ko nalang na walang-wala ito sa higher levels. I checked my schools facebook page to know where section I belong. Nagsaya kami ni Grace nang nalamang magkaklase kami pero si Deiv at Jeante ang nahiwalay sa'min. Si Jeante ay nasa first sec habang si Deiv naman ay sa sunod na section namin.