Simula

36 3 0
                                    


Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin habang sinusuklay ang mahaba kong buhok. Ayos na siguro ito.

Ibinaba ko na ang suklay at nag pabango na. Handa na akong umalis kasama ang mga dati kong kaklase. Maaga ang uwian ko kaya nakapag ayos pa ako.

Isang plain-gray shirt ang suot ko na tinernuhan ko ng black jeans at white sneakers. Simple lang ito pero komportable naman ako.

Simula nung lumipat ako sa ibang school, ay hindi na kami masyado nag kikita, kahit na napakalapit lang ng bahay ko sa dating kong school. Kaya sobrang nasiyahan ako nang niyaya nila akong gumala kasama sila.

Pupuntahan ko sila sa dati kong school kung saan, ay kasalukuyan silang nag aaral. Mag a-alas singko na, ang usapan namin ay 4:30 pm ako pupunta sa school. Sinadya ko ito dahil may ayaw akong makita.

"Bye, Pa." tipid kong paalam kay Papa.

"Anong oras balik mo?"

"Mamayang gabi pa po siguro."

Lumabas na ako ng gate namin at nag simulang mag lakad. Kabado ako habang hawak ko ang phone ko. Paniguradong tinadtad nila ako ng messages dahil late ako nang 30 minutes. Nakapatay din kasi ang phone ko.

Hinold ko ang power button ng phone ko upang buksan ito. May maliit na patak ng tubig sa screen ng phone ko. Umaambon na.

Binilisan ko ang lakad ko. Ayoko maabutan ng ulan bago pa ako makapunta sa school. Bukod doon ay wala akong dalang payong. Palagi nalang talaga akong hindi handa.

Nang matanaw ko na ang school, ay agad akong tumawid. Sumulyap ako sa Food Trip Corner, at humiling na sana ay hindi ko nalang ito sinulyapan.

Ang kanyang maitim na buhok ay magulo, ang mga mata niya'y nakatingin sa kawalan, at ang labi niyang mapula habang humihigop sa straw niya ay lubhang nakaakit. Sana ako nalang yung straw.

Hindi ko na ulit siya tiningnan. Dire-diretso ang tingin ko sa dinadaanan. Mas mabuti pa kung ganito. Ayaw ko naman kasing mabangga.

Pumasok na ako sa gate ng school. Natanaw ko sa parking lot si Kim na nakatayo katabi ng sasakyan nilang Sportivo.

"Mika, dali!" nababalisang sabi ni Kim sa akin.

Hindi na ako nag paligoy-ligoy pa. Dumiretso na ako kay Kim. Pumasok siya sa passenger seat habang ako naman ay sa likod. Si Mamu pala ang mag hahatid sa amin ngayon, ang lola ni Kim.

Sa bandang kanan ako nakaupo. Si Jc naman ay sa kaliwa at sa pagitan namin ay si Cherise. Sa bandang likod ay sina Ashley at Nicole.

Pinaandar na ni Mamu ang sasakyan. Si Cherise at Jc naman ay kumakanta ng K-pop song.

"Mika" mahinang tawag sa akin ni Nicole sabay kulbit sa balikat ko. Agad naman akong napabaling sa kaniya.

"May balita pala ako sayo. Tungkol kay... Kiko." mahinang sabi ni Nicole. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Ano yun? Nag kabalikan na sila ni Kath? Okay lang yun. Sanay na naman ako." mahinahong sabi ko.

Umiling si Nicole. "Hindi. Ano kase... sabi ni Ej may bago na si Kiko."

Humiyaw silang lahat, maliban samin ni Nicole.

"Nako, mag mumuni-muni na yan si Mika! Dapat kasi ikaw nalang 'no?" natatawang sabi ni Jc. Nag protesta naman ako.

"Wala. Ayoko na dun. Hayaan mo siya, buhay niya naman yun. Bahala na siya sa buhay niya. 'La na akong pake!" sabi ko sa kanila sabay irap. Natawa naman sila sa sinabi ko.

"Talaga ba?" tanong ni nicole sa akin.

Hindi ko nasagot ang tanong niya. Ngumisi naman si Nicole. Tinalikuran ko na sila at ibinaling nalang ang tingin sa bintana.

Mula dito ay natanaw ko ang Food Trip Corner. Gaya nang kanina, nanatili pa din siya doon at kaharap niya ang kaibigan niya'ng si Luis.

Kung pwede lang sana sa ibang kalye dumaan ay ginawa ko na. Kaso, nahihiya naman akong sabihin lalo na't nakikisakay lang ako. Tinted naman itong sasakyan. Kaya, bakit pa nga ba ako nag iinarte?

Kasalukuyan namin siyang dinadaanan, nakatitig lang ako sa kaniya, pinag mamasdan ang kaniyang mukha.

Nanlaki ang aking mata ng napalingon siya sa direksiyon ko. Sana'y nakikita niya ako, tulad ng pag kakakita ko sa kaniya. Hindi ko inalis ang tingin sa kaniya hanggang sa lumagpas ang sasakyan.

Isinandal ko ang aking ulo sa bintana. Inaantok na ako. Nag simula na ding  lumakas ang ulan. Mahaba-haba pa naman ang biyahe, kaya siguro'y iidlip muna ako.

Pinagmasdan ko lang ang daanan. Madilim na din ang kalangitan. Malalaki ang patak ng ulan sa bintana. Mukhang sang-ayon sa akin ang kalangitan. Ang sarap nga namang mag muni-muni kapag ganto ang panahon.

Ipinikit ko na ang mga mata ko, hanggang sa nilamon na ako ng antok. Umaasang pag kagising ko, ay panaginip lang lahat.

Sana nga panaginip nalang ang lahat ng ito. Sana hindi ka nalang dumating sa buhay ko. Dahil kung alam ko lang na magiging ganito lang din pala ang lahat, hindi ko na sana pinilit ang sarili ko, sa taong, hindi naman ako ang gusto.


Remembering YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon