Kabanata 12: Prom
"Ano nang plano kay Aries?"
Nakaupo ako ngayon kaharap si Ace, pinag uusapan kung paano namin ibibigay kay Aries ang regalo namin.
"Siguro mag aantay nalang kami ni Kim. Pagkatapos ng liga niyo," saad ko.
Balak naming ibigay ang regalo namin pagkatapos ng liga nila. Yun nga lang, mga alas nuebe daw ang tapos ng liga pero okay lang, crush ko naman e.
I started to think about how crazy am I. Magbibigay ng regalo kay crush tapos sasabihan ako ng mga kaibigan ko na nagpapakatanga na naman ako. Nagwawaldas ng pera sa taong hindi ako gusto.
Pero sabi nila, kapag nga daw umamin ka sa crush mo, nag kakaroon nga 'daw' siya ng attraction sa'yo. But who knows? Baka nga may pag asa ako sa kanya pag umamin ako?
Thinking about Aries, makes me wanna smile. Naalala kong sininghot singhot ko pa ang pabango niya. Nakakaadik kasi e. Mabuti nalang at nakatalikod siya sa'kin no'n at kaming dalawa lang sa room kaya medyo kampante ako na walang nakakita na sininghot singhot ko nga siya. Hihi.
Okay lang din kasi wala namang jowa si Aries. Pwedeng pwede ko siya landiin pero hindi ko magawa. Para bang may pumipigil sa'kin, may pumipigil sa'kin na piliin at mahalin ko siya. At napagtanto kong ang sarili ko lang ang makakapagpigil sa sarili ko. Pinipigilan ko ang damdamin ko sa kaniya dahil alam ko sa sarili ko na iba ang mahal ko.
Mas gugustuhin ko nalang na maging manhid. Ang rupok rupok ko kasi! Akala ko wala na at may nahanap na akong ipapalit sa kaniya pero siya pa rin pala. Pag nakita ko lang bigla bigla na namang magbabalik lahat ng nararamdaman ko para sa kaniya! Ayoko na sa sarili ko!
Nakaupo ako ngayon, kinakabahan. Magsisimula na naman kasi kaming mag practice para sa pageant. Yung kapartner ko naman tumakas kaya ako lang ngayon mag isa, kaharap yung teacher namin sa math tapos teacher din namin sa mapeh. Siya kasi ang inatasan na mag handle sa'min.
"Ano bang balak mo sa talent?" Malamyang tanong ni Ms. Raicel.
"A-Ah... hindi pa po ako nakakapag decide. Kakanta nalang po siguro ako?"
"If that's what you want," pag sang ayon niya at nagpatuloy na sa mga plano.
Sinabi niya ang mga isusuot ko sa pageant. Bale yung pageant kasi ang magiging highlight ng prom namin. Our teacher made us a choice. It's either we agree to the pageant and it will be the highlight of the prom or we will disagree to the pageant and there will be no prom. Syempre, pumayag na kami don sa pageant.
Hapon na nang pinapunta kaming mga contestants sa gym. Mag papractice na naman kami ng paglakad. Gosh, how I hate this.
"Potanginang pageant 'to e. No choice nalang talaga tayo," si Jaja grade eight at kapartner ni Kiko.
"Okay lang 'yan guys! Cheer up! Para sa section natin!" Masayang sambit ni Kuya Josh, representative ng grade nine.
"Grabe ka Josh! Ikaw lang ata 'di napipilitan sumali dito e. Ang gastos gastos kaya nito. Like, duh, nag effort ako tapos 'di man lang tumaas grades ko?" si Ate Nads.
"Oo nga! Ang damot nila sa grades. Isipin mo binubuhat mo section mo tapos 'di ka man lang binigyan ng plus grades? Unfair!" reklamo ni Jaja.
"Chill girls, baka sadyang bobo lang kayo," ngumisi si Kuya Josh.
"Aba gago ka!" they said in unison.
Tahimik lang akong nakikinig sa kanilang nag aaway. Wala yung kapartner ko at hindi naman kami close kaya mas mabuti ngang wala siya. Pabigat lang 'yon sa buhay ko e. Buhat na buhat.