Kabanata 2: Pancit Canton
Panibagong araw, panibagong crush. Sisimulan ko ang araw na 'to nang may ngiti sa labi. Sigurado akong isang linggo lang, iba na naman ang crush ko. Siguro.
Bumangon na ako at naligo, para simulan na ang araw ko. May pasok pa ako.
Grade 3 na ako at nag-aaral ako sa isang Christian School. In-short, banal ang school namin, ewan ko lang kung pati mga estudyante. Doon din daw nag-aaral si Kiko. Kung ganon, posible ko palang makasalubong si crush.
Nang matapos akong maligo ay nag bihis na ako. Nag pa-tirintas din ako ng buhok kay Nanay, para kapag nakasalubong ko si Kiko, maayos akong tingnan.
Nag paalam ako kay Nanay at dumiretso na sa labas. Nakaparada na ang tricycle namin at nakasakay na din si Gaile sa loob. Kami nalang pala ni Ate ang hinihintay.
Sumakay na ako sa loob, sa tabi ni Gaile, habang si ate naman ay sa backride. Si Papa ang maghahatid sa'min papuntang school, ang lolo namin ni Ate.
Hindi ko mawari kung bakit kami kailangang ihatid sa school, gayong, dalawang street lang naman ang layo sa bahay namin.
Pinaandar na ni Papa ang tricycle. Wala pang dalawang-minuto ay nakarating na kami sa school. Ganon lang kalapit ang bahay namin sa school.
Bumaba na kami sa tricycle at nag paalam na kay Papa. Hila-hila ko naman ang bag ko papasok.
"Mika!" salubong ni Kim sa akin pag pasok ko ng classroom. Tipid ko naman siyang nginitian at dumiretso na sa aking upuan para ilagay ang de-hila kong bag.
"Hala siya! Masama ata araw mo ngayon ah?" aniya't kumapit sa braso ko.
"Ah, hindi. Wala lang ako sa mood."
Wala ako sa mood. Nakita ko kasi si Kiko kanina pag pasok. May kasama siyang babae, at nag tatawanan sila.
Umupo nalang ako sa pwesto ko at pinagmasdan ang mga kaklase. Tumabi naman si Kim sa akin.
Bumaling ako sa pintuan at inuluwa nito ang isang babae.
She is so intimidating. Kahit na sabihin mong kasing edad ko lang siya, ay lubhang nakakatakot siya tumingin. Para bang, papatayin ka niya kapag nahuli ka niyang nakatingin sa kaniya.
Dumiretso siya sa bandang unahan, kung saan ang pwesto niya. Mabuti nalang at hindi niya ako nakitang nakatingin sa kaniya. Baka mamatay pa ako nang wala sa oras.
Dumating na ang aming guro at nag simula na siyang mag klase. Hindi talaga ako pala-salita, lalo na't transferee ako.
Ilang oras ang lumipas at sa wakas, natapos na din ang klase. Pwede ko nang hanapin si Kiko.
Lumabas na ako ng classroom at bumaba na para mailagay ko na ang bag malapit sa Gate. Hindi ko naman kasi pwedeng isama ang bag ko sa pag hahanap kay Kiko. Ayaw kong makita niyang hila-hila ko ang bag. Mag mumukha akong bata pag nag kataon.
"Mika!" narinig ko sigaw ng kung sino man. Si Kim?
Lumingon ako para malaman kung sino ang tumawag sa'kin. Si Gaile pala.
Pa-takbo siyang lumapit sa akin, "Buti nakita kita." sumilip siya sa likod ko, "Ah, san ka pala pupunta?" aniya't kumapit sa braso ko.
"May hahanapin lang sana." kaso dumating ka.
"May hahanapin? Sino naman?"
Tumikhim ako, "K-kaklase... yung kaklase ko hahanapin ko. May utang kasi siya sakin."
"Ahh..." tumango-tango siya na parang hindi naniniwala sa sinabi ko. "Akala ko kasi hinahanap mo si Kiko." Napalingon ako sa sinabi niya.
"H-huh?! Ba't ko naman hahanapin... si Kiko! Eh, hindi ko naman siya crush!" natataranta kong sabi sa kaniya. Gosh, nabuking na ata ako.