Kabanata 4: Ikaw
Hindi pa din ako makapaniwala sa sinabi sa akin ni Kiko nung sunday. Matapos ang gabing 'yon, hindi na ako nakatulog. Kinabukasan, nung makita ko siya sa school, paulit-ulit ko siyang tinanong kung totoo ba yun. Ang tanging sagot niya lang sakin ay...
"Oo nga, crush kita. Ba't ba ayaw mo maniwala?"
Ilang gabi na akong hindi makatulog nang maayos dahil sa sinabi niya. Bumangon na ako sa pagkahiga at humarap sa salamin ng aking aparador. Isang panget na mukha ang aking nakita.
She looks so pale. Idagdag pa na maitim ang ilalim ng kaniyang mga mata. Tiyak na hindi siya magugustuhan ni Kiko dahil ang pangit niya, ang pangit ko.
Umalis na ako sa harap ng salamin dahil hindi ko na kaya tingnan ang sarili ko nang dahil sa kapangitan ko. Lumabas ako ng kwarto at tumambay sa sala. Napabaling ako sa orasan, mag a-alas dose na pala.
Dali-dali akong bumalik ng kwarto at nag bihis ng maayos na damit dahil sigurado akong parating na sila.
Nakarinig ako nang pag dribble ng bola sa labas. Ayan na sila.
Bago ako lumabas ng kwarto, pinulbohan ko ang aking mukha at nag pabango. Pagkatapos, humarap ako sa salamin. Lintek, ang pangit ko pa din.
Patakbo akong lumabas na ako ng bahay, isang pamilyar na ngiti ang sumalubong sa akin.
Tuwing alas-dose ang dating nila Kiko dito. Araw-araw siyang pumupunta kahit na may pasok. Minsan pa nga, siya lang ang mag isang napunta, nag kataon na mag isa lang din ako sa bahay. Ang ginawa namin? Nanood lang kami mag hapon ng walking dead.
"Si... Gaile?" ani Kiko.
Huh? Ano, Kiko? Si Gaile na naman?!
Kumunot ang noo ko sa tanong niya. This past few days, lagi niya nalang sakin hinahanap si Gaile. Mukha ba akong hanapan ng nawawala?
"Malay ko. Kung siya din pala hanap mo, bakit ka pumunta dito? Dapat dumiretso ka nalang sa bahay nila." inirapan ko pa siya't tatalikod na sana para pumasok nang biglang hawakan niya ang kanang braso ko. Napatigil ako sa ginawa niya. Nakangisi pa ang kupal.
"Oh, ano? May angal ka?" matapang na tanong ko sa kaniya. Nakatitig lang siya sa mata ko habang nakangisi.
"Wala po. Diba po sinabi ko na sa'yo, na ikaw ang gusto ko?" mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
Jusko. Kinakabahan ako sa mga pinagsasabi ng lalaking 'to! Napatingin ako kay Ian. Aba't, tumatawa pa ito!
Wala akong choice kundi tumalikod. Isa na namang kamay ang humila sa braso ko na nagpatigil sa akin. Kumpara sa kanina, mas lalong humigpit ang kapit niya sa braso ko. Sa ginagawa niya, mas lalo akong nahuhulog sa kaniya.
Nang makaharap ko siya'y tinaasan niya lang ako ng kilay. Ano bang problema ng lalaking 'to?
Tinaasan ko nalang din siya ng kilay. Napaigtad ako nang bigla niya akong hinila palayo, hanggang sa makarating kami sa tricycle ni Papa. Pinapasok niya muna ako sa loob ng sidecar, tsaka siya pumasok. Nakita ko naman si Ian na nakangiti habang nakatingin sa amin bago siya pumasok sa loob ng bahay.
Tahimik lang kaming dalawa ni Kiko. Walang nag tangkang mag salita. Nararamdaman kong nakatingin siya sa akin ngayon. Habang ako'y hindi magawang tapunan siya ng tingin.
Itinaas ko ang dalawang paa ko't pinatong sa bakal ng sidecar. Nakita kong ginaya din ako ni Kiko. Napatingin ako sa kaniya.
Ngumiti siya sa akin at nag lahad ng kamay. Napakunot ang aking noo sa kaniyang ginawa. Nilahad niya muli ang kaniyang kamay sa akin.
