Sam's POV
"Hello babe." Bungad ko pagkuha ko pa lang ng phone ko. Sinilip ko ang labas ng bintana at papasikat pa lang ang araw. "Ang aga mong mambwiset." Maanghang na sabi ko pa na ikinagulat nya sa kabilang linya.
"Babe sorry na. Magpapaalam kasi ako sayo, aalis ako ng bansa at six am dahil sa business na kailangan kong ayusin. Nandito na ako sa tapat ng pintuan ng kwarto mo." Kandabuhol na paliwanag nya at kasabay nito ay nakarinig ako ng pagkatok.
Bumangon naman ako at binuksan ang pinto. Nagulat naman ako ng isara nya ito agad at buhatin ako kaya wala akong nagawa kundi i-yakap ang mga braso ko sa leeg nya pati na din ang legs ko sa bewang nya.
"Damn it babe. Ang aga aga!" inis na sabi ko sa kanya na ikinatawa nya. Yumuko ako para sana samaan sya ng tingin pero mainit na halik agad ang ginawad nya sakin, gumanti naman ako at hindi nagpatalo at sa huli..
Binaba na nya ako dahan-dahan at pinaupo sa kama. "Ikaw na ang magaling manghalik babe." Nakapout na sabi nya na ikinatawa ko. "Wala pa akong toothbrush alam mo?" sabi ko pa sa kanya na ikinatango nya.
"Yeah, pero lasa talagang nakabuilt in na sa bibig mo ang mint at imbis na amoy laway, ang minty ng lasa eh." Tapos nilapit nya pa yung mukha nya sakin kaya agad kong tinulak yung mukha nya.
"Anong sasabihin mo?" tanong ko na ikinaseryoso nya. "Alam mo babe, nung inaya kita ng kasal nung nakaraang linggo diba?" pag-oopen nya na agad kong ikinatango.
Wow, isang linggo na nga pala akong nagluluksa ng patago dito sa kwarto ko. "And?" tanong ko pa tapos nakita kong ngumiti sya ng alanganin.
"At ngayon na yung araw ng preparation natin para sa kasal diba?"
"Oh tapos?"
"Tapos in fifteen days ay ikakasal na tayo diba?" tanong nya pa na ikanatanog tango ko. "Tapos may business trip ako sa Canada starting today, diba?" sabi pa nya at nagpunas ng pawis kahit na mukha namang walang pawis.
"Meaning di mo ako masasamahan?" panghuhula ko sa mga sinasabi nya na ikinatango nya. "That's okay babe." Sabi ko naman pero umiling sya.
"Um, naki-usap kasi ako kay Claudia na samahan ka during preparation."
"Ahh naki-usap ka pala kay – what the fuck!?" kumulo agad ang dugo ko at nagsalubong agad ang mga kilay ko. Claudia Lirico is his bestfriend!
Actually never akong nagselos sa kanilang dalawa kaya ganito kakulo ang dugo ko ngayon. But the thing is, napakabitch ng babaeng yun!
Nung ipakilala ba naman ako ni Peter sa kanya alam mo nyo ginawa non?
"Bitch please?" yan ang sinabi nya sabay dabog sa table ng resto at nagwalk out! Then nung nagmeet din kami sa outing nilang magbabarkada panay ang bangga nya sakin at sa bwiset ko ay binuhusan ko sya ng beer!
Hindi nagpatalo at alam nyo ang ginawa!? Hinagis nya sakin yung smores kaya napaso pa ang balat ko! At marami pang iba!
"Babe, babe.. huhuhu babe huminahon ka please." Kita kong nakaluhod na sya sa harap ko habang pinapakalma ako. "Ano bang pumasok sa kokote mo at sa dami ng pinaki-usapan mo yun pa talaga!?" sigaw ko pero hinarang nya ang index finger nya sa lips ko kaya agad ko yun na hinampas.
Huminga sya ng malalim at tumabi ulit sakin. "Kasi babe, tiwala naman ako sa taste ni Claudia magaling sya sa ganitong field kahit na business related din ang course nya."
"So dahil lang sa tiwala ka ganon?"
Umiling iling naman sya. "Hindi lang don. Gusto ko kasi syang ilibang sa pamamagitan nito dahil ito yung passion nya before, yung about designs at pamimili ng mga ganito. Two months ago kasi nagbreak sila ng four year boyfriend nya kaya sobra syang nasaktan."
"Trust me babe, hindi na sya ganon ka-bitch ngayon gaya ng nakita natin noon. Sobra kasing nabroken eh." Paliwanag pa ni Peter kaya napabuntong hininga ako.
"So anong oras mamaya?" tumingin sya sa phone nya tapos ngumiti sakin. "By 4pm susunduin ka nya dito sa bahay nyo at pupuntahan nyo yung mga lugar na binigay kong listahan na sa tingin ko ay magandang venue ng kasal natin." Nakangiti nya pang sabi.
"May magagawa pa ba ako?" tanong ko sa kanya na ikinalaki ng ngiti nya. "Yes! Thanks babe!" humalik sya sa pisngi ko at lumakad na.
"Mahal na mahal kita. Mauuna na ako ha?" Tumango na lang ako kaya agad na syang umalis.
Ito yung pinaka-ayaw ko sa kanya. Yung pinlano na nya ang lahat para sa huli hindi ka na makatutol. At kapag tumutol ka ikaw pa yung lalabas na kontrabida dahil nakaplano na nga diba, yung presence mo na lang ang kailangan at hindi yung approval mo.
///
Nagsuot lang ako ng maluwag na polong asul at nakatuck in sa harapan tapos maikling white shorts at tinerno ko sa asul din na high cut na converse.
"Claudia daw ho ma'am Sam."
"Thank you." Sagot ko at agad ng lumabas ng bahay. Naglakad ako hanggang sa mabuksan ko ang gate ng bahay. At sa labas ay..
Isang babae na ka-height ko lang na kulay brown ang mahabang buhok, chinita na may matangos na ilong at may perfect shape ng lips. Walang duda, ito na yung bitch friend este best friend ni Peter.
"Sakay na." sabi nya tapos binuksan nya yung side ng pintuang sinasandalan nya kanina. Umikot naman sya agad kaya pumasok na ako at sinara yung pintuan ng.. sports car nya.
"Nice wheels." Komento ko na walang bahid ng sarcasm pagpasok nya. "Thanks." Tipid na sabi nya at pina-andar na ang sasakyan nya.
Okay? Nanibago ako ah. Usually ang isasagot nya dito dapat ay I know right with bitch accent.
"Mayroon tayong limang lugar na pupuntahan. Dalawang simabahan, dalawang beach at isang garden. So, dahil pagabi na at malalayo ang mga yon. Up ka ba sa sleepover?" tanong nya sabay lingon sakin na ikinanganga ko.
"What? Wala namang nasabing ganyan si Peter." Gulat na reaksyon ko. "The heck!? Really?! I thought – that – ugh! Geez, Peter." Defeated na pagkakasabi nya. "Bakit hindi na lang natin balik balikan?" suggestion ko naman na ikina-iling nya.
"Honey, as you can see – " What!? Honey?! I'm going to puke. "Damnit, wag kang umarteng naduduwal ka Sam!" sigaw nya na ikinatawa ko.
"Sounds better than Honey, eww." Comment ko na ikinaikot ng mga mata nya sabay abot sakin ng papel.
"Yung unang simabahan, six hour drive tapos yung ikalawang simbahan ay tatlong oras na lang ang layo. So kung babalik balikan natin gaya ng sabi mo, six hours ulit pauwi tapos sa next destination ay nine hours balikan. Hindi ako ang driver mo!" sigaw nya na halos ikatalon ko sa upuan ko.
BINABASA MO ANG
15 Days
RomanceWhat could go wrong in 15 days? ------------------------------------------------- This is a GXG story. Alam kong sobrang cliché na ng ganitong plot at twist pero kasi.. wala lang gusto ko lang talagang isulat. Basta nagsabi na akong cliché 'to ah. I...