Epilogue: The Wedding Day

1.7K 71 15
                                    


Sam's POV

Sadyang nagpalate ako ng gising at wala na akong kasama dito sa bahay. Si mom at lil bro ay nagpa-ayos daw muna sa mall para mamaya ay ako na lang daw ang aasikasuhin.

Maga ang mata ko kakaiyak mula kagabi at hindi pa ako nakatulog ng maayos. Magdamag kong hinintay si Claudia, tinadtad ko sya ng call and text pero walang reply, hindi pa nagriring ang phone nya.

Dapat ko na bang sabihan kila Alice? No, dapat magtiwala ako kay Claudia. May tiwala ako kay Claudia.

Humigop lang ako ng kape at hinayaan na matulala ako sa kawalan. "Anim na oras ang byahe and you still daydreaming?" dad said mocking me.

Tinignan ko sya na walang gana. "What a great businessman but a failure as a husband and a father." Maanghang na komento ko na agad na ikinasalubong ng kilay.

"What did you say!?" sigaw nya pero uminom ulit ako sa kape. "Nothing. May I know who are you? I rarely see you in this house." Tapos nagsmirk pa ako sa kanya.

Sa bwiset nya ay lalapitan nya sana ako kaso tumunog ang phone nya. "Go away, no one needs you here." Sabi ko pa at dahil mas importante yung call ay sinamaan nya lang ako ng tingin at umalis na.

"Ma'am kailangan nyo na pong maghanda."

"I'm still sleepy. Shut it." Masamang tingin na binigay ko sa kasama namin sa bahay at umakyat ng kwarto. "Pero ma'am – " binagsakan ko na sya ng pinto at agad na dumapa sa kama at pumikit.

Honey, nasaan ka na?

Nagising na lang ako dahil sa sunod sunod na pag-alog sakin. "Oh my, Sam! Wake up! You need to prepare." Sabi pa ni mom pero tinignan ko lang sya.

"Mom, let her. My big sis doesn't want to get married." Sabi pa ni lil bro pero pinaalis lang sya ni mom sa kwarto at lumuhod sya sa harap ko. "Sam.. papatayin tayo ng dad mo pag hindi ka pumunta ng kasal." Huminga ako ng malalim.

Wala na akong pake.

Hinayaan kong ayusan ako ni mom kasama ng iba pa. Pinasuot na sakin lahat lahat at kahit anong pang tapal ang ilagay nila sa pasa ko ay hindi pa din talaga nito nagawang takpan at mahahalata pa din.

Sumakay na kami ng sasakyan at mabilis itong pinatakbo. Mahigpit kong hawak ang phone ko pero.. wala.

Wala pa ding ganap tungkol kay Claudia.

Wala din syang text o tawag. Pero, maghihintay ako.. hihintayin ko sya. Kahit na.. kahit na late syang dumating ay hihintayin ko sya.

Pinunasan naman ni mom ang sunod sunod na tumulo na luha ko. "I'm sorry Sam. Sorry for being weak to protect you." Bulong pa ni mom at niyakap ako pero sunod sunod lang ang iyak ko.

Buong byahe ay nakatulala lang ako sa daan at kahit na nalate kami ng thirty minutes ay matyaga pa rin na naghintay ang mga bisita.

Nakita ko pa yung mga kaibigan ko na nag-aabang sa labas at binibigyan ako ng tingin na gusto nila akong itakas pero umiling lang ako.

Bago lumabas ay hinubad ko ang heels ko at iniwan sa loob ng sasakyan. Since simula na ito ng pagdurusa ko, susulitin ko na lang.

I even saw Peter smile pero blangko lang akong tumingin sa lahat. Ngumiti din sakin si dad pero wala akong pakialam. Wala na akong pakialam nakakawala ng gana.

If I can just kill myself ay ginawa ko na pero alam ko kasi sa sarili ko na life is beautiful. At may takot pa din naman ako dahil isa yun sa sampong utos.

Sinarado na ang pintuan ng simbahan at both parents ko ay nasa tabi ko. "This is going to be successful." Nakangiting sabi ni dad. "Fuck off Shawn." Madiin na pagkakasabi ni mom.

15 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon