Prologue: The Proposal

2.2K 45 1
                                    


Sam's POV

"Wait babe." Huminto ako pagkarinig ko sa boses ni Peter. "Ano ba naman kasi yan babe? Bakit kasi nakapiring pa?" natatawa kong sabi pero tumawa lang din sya.

"Babe, wag mong sirain ang surprise ko okay hahaha." Tumatawang sabi nya tapos inalalayan na ulit ako sa paglalakad. "Okay, stop."

Huminto ako at naramdaman ko na lang na inalis na nya dahan-dahan ang piring. "Surprise!" sigaw nya kasabay ng pag-adjust ng mga mata ko

Nasa rooftop kami ng isang mataas na building tapos naka-ayos ang lahat mula sa mga flowers sa paligid pati na din mga led lights. Gabi na at ang ganda ng langit dahil walang kahit anong ulap.

"Nagustuhan mo?" tanong nya sabay yakap sa likod ko. "Oo naman, ikaw ang nag-ayos tama?" natatawa kong tanong. "Naman! Di ko ipapahawak sa iba yan noh!" proud na sabi nya at niyaya na akong kumain.

"How's your day?" tanong ko sa kanya habang nagpupunas ng bibig. "Nakakapagod babe, pero nung inayos ko 'to at nakita na kita. Nawala lahat ng pagod ko." Sabi nya sabay kindat pa sakin na agad kong ikinatawa.

"Ang sabihin mo, humanap ka lang ng linyang babanatan mo." Natatawang sabi ko na ikinatawa nya din. "Uy hindi ah! Namiss lang kasi kita babe. Alam mo na, galing akong Canada tapos isang linggo din yun." Sabi pa nya sabay inom sa wine.

Peter Angeles is my almost five year boyfriend, ilang linggo na lang kasi ay maglilimang taon na kami. Nameet ko sya nung alumni party ng school after namin makagraduate ng college. Hindi naman daw talaga sya taga doon at sumama lang sa best friend nyang babae na napakabitch that time kaya hindi ko din nakasundo.

Matangkad, chinito, mayaman, well built ang katawan at isa pa ay hardworking. Kung tutuusin ay wala ka ng hahanapin pa sa kanya pero..

"Samantha Larson." Biglang nagpop yung imaginary bubble na nasa isip ko at agad akong nabalik sa realidad ng marinig ko ang pagtawag nya sa buong pangalan ko.

Ngumiti sya sakin na ikinawala ng singkit nyang mga mata at inalalayan akong tumayo. Hinaplos nya ang buhok ko at huminga sya ng malalim.

Nakatingala ako sa kanya the whole time dahil hanggang balikat nya lang ako. Kahit naman na matangkad ako bilang isang babae ay super tangkad naman nitong si Peter na six footer sobra ay wala pa ding panama ang height ko.

Hinawakan nya ang mga kamay ko at lumuhod sa harapan ko. Napalunok ako dahil sa ginawa nya. Ngumiti sya at may kinuha sya sa bulsa nya.

"Babe, Baby, Sam, Samantha.. will you – will you marry me?" kinakabahang sabi nya sabay bukas ng maliit na kulay pulang box.

Ngumiti ako at napaiyak na lang. Napaiyak dahil lahat ng sinabi sakin ni dad kanina ay nangyari nga. Nakaplano na ang lahat. Napag-usapan na nila ng pamilya nila Peter at mukhang wala na akong magagawa.

Napaiyak ako hindi dahil sa tuwa kundi dahil sa lungkot. Peter is perfect pero hindi ko nakikita ang future ko sa kanya. I don't think that he's the one I want to be with forever.

Kahit na sabihin na halos nagawa na namin ang lahat maliban don sa pinakang ginagawa ng mag-asawa ay hindi ko maramdaman na sinisigaw ng puso ko na sya, sya at sya na ang gusto kong makasama.

Nalulungkot ako dahil ayoko pang magpatali sa kanya pero anong magagawa ko? Naplano na ng mga parents namin eh. Ito na ang dead end, kahit na ayoko pang magpatali at the age of twenty six, nandito na eh.

"Babe?" tawag nya pa kaya pilit kong binigay ang best smile ko sa kanya at tumingin sa mga mata nya. "Y – yes." Nakangiti kong sabi na ikinalaki ng ngiti nya.

"YEEEESSS!"

"MAGPAPAKASAL NA KAMI WOOOH!"

Masayang masaya na sigaw nya pero ako? Tahimik akong umiiyak dito at nagpupunas ng luha. Lumapit sya sakin at pinunasan ang luha ko.

"Sorry babe kung di ako makaiyak ng ganyan dahil sa sobrang tuwa ha? Parang ang bakla kasi hahaha." Matatawa sana ako sa joke nya kung nananaginip lang ako kaso hindi eh.

Niyakap nya ako ng mahigpit at hinaplos ang buhok ko. "I know babe na ikaw na ang pinakamasayng babae sa mga oras na 'to. Don't worry, mamahalin kita ng buo." Sabi pa nya at sinandal ang ulo nya sa ulo ko.

Sana.. sana nga isa na lang ako sa pinakamasayang babae sa oras na ito. Pero hindi eh, kabaligtaran nito yung nararamdaman ko.

15 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon