Sam's POV
Shit. Nakita kaya ni Claudia?
Napansin ko namang nagtaka sya kaya agad akong ngumiti at kinurot sya sa braso na ikinadaing nya. "Babe, respeto nakikita tayo ni mom oh." Sabay turo ko kay mom na kakadating lang at paniguradong hindi naman kami nakita.
"Sorry po tita." Paumanhin ni Peter kaya kahit nagtaka si mom ay tumango sya at ngumiti ng senyasan ko sya. Buti hindi slow si mom.
Nakita kong umupo si Claudia sa sofa kaya iniwan ko na lang na nakatayo si Peter at agad na tumabi sa kanya. Maya maya lang ay naramdaman kong yumakap sya sa gilid ko na ikina-ilang ko ng sobra sa hindi malamang dahilan.
Pasimple ko pang tinignan si Claudia at nahuli ko syang nakatingin sakin pero iniwas nya lang ang mga mata nya. "Babe, miss na miss kita. Kulang na lang ay mabaliw na ako dahil di mo sinasagot ang tawag ko. Masyado kang nag-enjoy sa mga lugar noh?" sunod sunod na daldal nya.
Bakit.. bakit naiirita ako sa presence nya at sa ingay nya? Dati naman natutuwa ako dito. Tumawa ako ng pilit bago sumagot. "Hahaha oo nga ang ganda ng place kaya na-enjoy ko talaga. Hindi mo manlang babatiin si Claudia? How rude, babe." Sabi ko na lang kaya agad naman syang natauhan.
"Oyy! Andito ka pala hindi ko naramdaman ang presence mo chinits." Corny mang pakinggan pero ang tawagan nilang magbestfriend ay chinits – short for chinita and chinito.
"Okay lang chinits. Mukha kang manyak na ng halik na lang basta eh, eeww." Sagot nya kay Peter na hindi manlang tumingin. Damn, nakita nya at tingin ko nasasaktan sya.
Tumawa naman si Peter tapos ay tinapik tapik lang ang balikat ni Claudia since nasa gitna nila ako. "Wag kang magtampo. Treat kita next time." Nakangiti pang sabi ni Peter.
Sasagot na sana si Claudia kaso may biglang tumikhim na ikina-agaw ng atensyon namin. Si dad na may katabing babae na naka-one piece suit na pang office. So talagang may oras sya para dito?
Umayos kami ng upo at agad namang lumipat ng upo sa Peter sa tabi ni dad samantalang yung babaeng bagong dating ay nasa single couch.
"And who's this beautiful lady beside my daughter?" nakangiting tanong ni dad kay Claudia. "Claudia Lirico is the name sir. I am one of Peter's friend." Nakangiting pakilala ni Claudia sa sarili nya.
"Dad, best friend ko po yan. Friend ka dyan?" sabi ni Peter tapos hininaan nya ng konti yung dulong part na hindi manlang pinansin ni Claudia.
"Lirico? You mean, the daughter of Christian and Hera Lirico?" gulat na tanong ni dad na ikinatango ng proud ni Claudia. "Hindi ba at ipinasa na nila sa kanilang anak ang kompanya?" tanong pa ni dad.
"That's me, sir." Nakangiti pang sabi ni Claudia na ikinagulat ko. What!? CEO 'to?! Bakit hindi ko alam? I mean, wala naman syang kinuwento!
Napapalakpak naman si dad. "I'm amazed. Mas ahead pa ang company nyo kaysa kay Peter and I heard na sunod sunod pagtaas ng ranking nyo, from seventh to third." Sabi pa ni dad pero nagthank you lang si Claudia.
"Mag-uusap ba tayo dad tungkol sa wedding?" tanong ko dahil nakita kong napaseryoso ng mukha si Peter at hindi na kumportable si Claudia sa topic.
Kahit hindi ko aminin sa sarili ko, nakakatakot yung ganitong side ni Peter. May nagagawa syang mga bagay na napagsisisihan nya kapag nilalamon sya ng galit at inis nya, at yun ang ayokong makita pa ulilt kaya nakakatuwa na dumadalas ang pag-alis nya ng pinas.
"Okay let's start." Sabi ni dad kaya nagdiscuss na yung organizer. Pinapili nya kami ng mga themes at designs even the flowers and decorations.
Hindi naman sa nagiging unfair pero.. "Babe, bakit hindi mo ako kinakampihan? Tayo ang ikakasal pero yung pinipili ni chinits ang nagugustuhan mo. Kayo na kaya ang magpakasal?" hirit ni Peter ng umalis si dad dahil may tumawag sa kanya at importante daw.
Nakita kong natigilan si Claudia sa pagswipe sa tablet tapos pumula pa yung tainga nya. At ako? Shit, sana hindi ako namumula ngayon!
Yumuko pa ako at umarteng tinitignan din yung tinitignan ni Claudia. "Babe, mas gusto ko kasi yung napili nya. Mas light kasi yung ambiance at parang mas comfy kung ikokompare sa napili mo na sobrang elegante." Sabi ko sa kanya na totoo talaga swear! Hindi ako nagpapalusot this time.
"Totoo ba yun miss?" aba at naghanap pa ng kakampi. "Opo sir." Sagot naman nung babae tapos in-explain pa kay Peter kaya um-oo naman sya.
After ng madaming pilian ay umalis na din yung babae at hindi na pumayag na dito magdinner kasi daw ay madami pa syang aasikasuhin. Same as Peter na umalis din dahil sa isang tawag. Nagsorry sya pero pumayag lang ako dahil mas okay yun kaysa mairita ako lalo sa kanya.
Si dad ay hindi din nakasabay dahil sa kaparehong dahilan kaya kami kami ulit nila Claudia ang naghapunan. Naiwan kami ni Claudia dito sa garden dahil umalis na si mom at patutulugin na nya ang Mon-Mon namin.
"Masakit pala talaga kapag nasa harap ko na." nagulat ako sa in-open na topic ni Claudia. Hindi ako nagsalita dahil alam ko naman kung ano yung tinutukoy nya.
Naglakad sya papunta sa gilid ng pool at sumandal sa pader na nandoon kaya agad akong sumunod sa kanya. Ito yung part ng bahay na hindi agad mapapansin kapag dumungaw ka sa balcony o kahit lumabas ka ng backdoor.
Bakit naman sya dito dumiretso?
"I'm sorry." Yun lang ang nasabi ko. "Don't be. Alam ko naman na.. na simula ng makaramdam ako ng ganito towards you ay ako na ang may mali." Sabi nya ng may malungkot na tono.
"Wala namang may mali." Sagot ko sa kanya na ikinatingin nya sakin. "Kasi ito? Itong nararamdaman natin sa isa't isa pakiramdam ko ay tama." Sabi ko na nakatitig sa kanya.
"Everything that I feel towards you Claudia.. feels so good that I can't ever think of letting this go." Dagdag ko pa at huminga ng malalim. "I feel the same way too. First time ko na nga lang magkaroon ng feelings sa isang babae.. yung ganito pa kakumplikado at kalalim." Dagdag nya pa na may halong pagkabitch kaya napataas ang kilay ko.
"Sinasabi mo bang hindi ko deserve yang feelings mo?" masungit na pagkakasabi ko. "Hahaha no. Honey, you deserve it honestly." Mahinang pagkakasabi nya tapos yumakap sya sa leeg ko na ikinangiti ko.
At bago pa sya bumitaw ay yumakap na ako sa bewang nya at hinalikan sya ng dahan-dahan. "This is so addicting." Bulong nya pa bago namin laliman ang halikan namin.
Right.. sobrang nakaka-adik nga.
BINABASA MO ANG
15 Days
RomanceWhat could go wrong in 15 days? ------------------------------------------------- This is a GXG story. Alam kong sobrang cliché na ng ganitong plot at twist pero kasi.. wala lang gusto ko lang talagang isulat. Basta nagsabi na akong cliché 'to ah. I...