Sam's POV
Kakagising ko lang at kakatapos ko lang din sa lahat ng daily routine ko. Andito na ako ngayon sa bahay at buti na lang ay wala si dad kundi.. lagot ako.
Anong nangyari kaninang madaling araw? Well, natulog kami ng magkatalikod diba? Tapos pag gising ayon magkayakap na kami. Buti na lang dahil may pagkamantika matulog si Claudia kaya nakaalis ako sa condo nya ng hindi sya nagising.
Di naman sa tinakasan ko sya diba. Ano kasi.. baka ma-awkward ako pag gising namin? I don't know. Hindi ko alam kung anong iaakto ko, gagawin ko o sasabihin ko. So tawag don, pag-iwas at hindi pagtakas.. magkaiba yun!
"Sam, may bisita ka. Nasa living room sya." Rinig kong sabi ni mom sa pinto. Talaga? May bisita ako? Eh magtatanghalian pa lang ah?
"Pababa na mom." Pagkasabi ko non ay sunod sunod na din yung yapak paalis. Napahinga ako ng malalim at bumaba na only to see.. a beautiful woman with cute eyes that is full of rage. In short, masama syang nakatitig sakin.
Ngumiti sakin si mom at tumayo na. "Aayusin ko lang yung mga pagkain para makakain na tayo ng lunch." Sabi ni mom kaya tumango na lang ako.
Habang naglalakad palapit sa kanya ay napalunok na lang ako ng sunod sunod. Shit, mauubos ko ata ang laway ko. "Explain yourself." Madiin na sabi nya na ikinangiwi ko.
"Ano – uhm.."
"Big sis." Rinig kong tawag ng kapatid ko na may yakap na libro. Nakatingin sya sakin tapos kay Claudia. "Is she your friend?" tanong pa ng kapatid ko kaya napatingin na ako kay Claudia.
Wow, ang bilis magbago ha. Kanina may devil aura tapos ngayon ang bait bait na nyang tignan. "Hi." Nakangiting bati ni Claudia sa kapatid ko.
Tinignan ko naman ang kapatid ko na nakatitig ng matindi kay Claudia. Kapag ito tumalikod at umalis gaya ng ginawa nya kay Peter ibig sabihin ay hindi nya ito gusto.
Nagtataka namang napatingin sakin si Claudia pero nagkibit balikat lang ako. "Hello." Napangiti naman ako ng batiin sya ng kapatid ko tapos lumapit pa.
Nilapag nya yung book nya sa center table at umupo sa lap ko. Niyakap ko naman sya para hindi sya malaglag. "I like you." Biglang sabi ng kapatid ko at muntik na akong matawa ng ngumiwi si Claudia sabay ngiti.
"I mean.. I like you for my big sis." Paglilinaw naman ng kapatid ko na ikinatango namin. "As you can see, this big sis of mine is not afraid to anyone even to shshsssh." Bigla syang lumapit kay Claudia para ibulong yung last part.
Natawa naman si Claudia kaya nacurious ako. "Ano? Hey lil bro, anong sinabi mo?" tanong ko pero umiling sya. "It's a secret." Sagot nya sakin tapos nagsign pa sya na magquiet daw ako.
"And I saw you throw a dagger of looks to my big sis which shshshhshs." Bulong ulit ng lil bro ko na lalong ikinatawa ni Claudia tapos tumawa na din yung bro ko.
Bumaba yung kapatid ko sa pagkakalong sakin tapos shinake nya yung kamay ni Claudia. "If anything happens, I'm on your side." Tapos naghigh five pa sila at mabilis na tumakbo yung kapatid ko paalis.
"Okay, what was that?" tanong ko naman tapos pinaningkitan ko naman ng mata si Claudia na ikinataas nya ng kilay. "No effect honey. It's our secret." Tapos kinindatan nya pa ako kaya napangiwi ako.
"How many times – "
"Food is ready." Biglang singit ni mom kaya sinamaan ko ng tingin si Claudia na ikinatawa nya lang. "Coming tita."
Nice, ang bilis ha? Tita agad yung tawag nya samantalang ilang buwan pang nanuyo si Peter bago sya hayaan ni mom na tawagin syang tita. Siguro ganon talaga pinagkaiba ng lalaki sa babae.
Kumain lang kami ng tahimik tapos habang sinusubuan ko yung kapatid ko ay nagtataasan sila ng kilay ni Claudia na akala mo eh nag-uusap through telepathy.
Niligpit na ng mga kasama namin dito sa bahay yung mga pinagkainan at ngayon ay nagpupunas na ako ng bibig. "By the way Sam, nasaan pala yung ipapakita mo saking pictures ng gusto mong gown?" biglang tanong ni Claudia na ikinakunot ng noo na kulang na lang eh magform ng question mark.
Binigyan ko sya ng what-do-you-mean-look pero nginitian nya pa ako. "Yung nasa phone mo nakasave?" tanong nya pa pero di ko pa din nagets. May pinag-usapan ba kaming ganon?
"Nasa kwarto ko ang phone ko." Sagot ko sa kanya. "Oh edi isama mo na sya Sam sa kwarto mo at aasikasuhin ko lang yung garden." Nakangiting sabi ni mom tapos tumayo na.
"That's great tita. Thank you." Sabi pa ni Claudia kaya tumango lang si mom at umalis na. "Tara na daw sa kwarto mo." Nakangising sabi sakin ni Claudia na ikinakaba ko.
Oh no.. planado.
Sumara ang pintuan ng kwarto ko pagpasok ko pa lang at narinig ko pa nga na naglock eh.
"Bakit mo ako iniwan kanina?" nagtatampong sabi nya kaya nagulat ako. Hala anong gagawin ko? "Claudia, kasi – "
"Don't you like the kiss?"
"Of course not!" mabilisang sagot ko na agad nyang ikinangiti ng malaki tapos namula naman ako. "Edi gusto mo din?" nakagat ko naman ang labi ko sa tanong nya na yun.
Napasandal ako sa pader ng lumapit sya sakin. Humawak sya sa bewang ko at nanigas na lang ako sa kinatatayuan ko ng simulan nyang amuyin ang leeg ko.
"Ever since I smell your perfume.. lagi na akong naghahanap ng amoy melon sa tabi ko." Mahina nya pang sabi at talagang ramdam na ramdam ko pa yung mainit nyang hininga.
Hinaplos nya ang bewang ko kaya agad akong napa-ungol. Isang dahilan kung bakit hindi ko pinapahawak kay Peter ang bewang ko dahil.. yun ang weakness ko. Hindi tainga, hindi legs, hindi leeg kundi bewang talaga ang weakness ko.
Narinig ko syang tumawa at niyakap na ako kaya automatic namang niyakap ko sya pabalik. "You know, hindi ko matanggap na mas sexy ka sakin at nakapagpadagdag lalo ng sexyness mo ay yang tattoo mo sa pusod." Sabi nya tapos kumalas na.
Natawa naman ako dahil don. "Inggit ka?" asar ko sa kanya na agad nyang ikinatingin sakin. "Yep, I want the same tattoo para couple tayo." Sabay kindat.
Pagkasabi nya non ay hindi ko alam kung anong nangyari sakin. I swear mayroong something sakin tapos parang nagpapalpitate pa yung puso ko sa bilis! Hindi ganon katapang yung ininom kong kape swear!
And before I could react.. naramdaman ko na ulit yung mga labi nya sa labi ko. And I could say for the second time that..
Her lips taste way more heavenly than Peter.
BINABASA MO ANG
15 Days
RomanceWhat could go wrong in 15 days? ------------------------------------------------- This is a GXG story. Alam kong sobrang cliché na ng ganitong plot at twist pero kasi.. wala lang gusto ko lang talagang isulat. Basta nagsabi na akong cliché 'to ah. I...