Day 3

1.1K 39 1
                                    


Sam's POV

"Well, tama ka naman don. Kahit nga tinitignan ko 'tong simbahan mula dito ay hindi ko ramdam ang vibes nito. Although naiimagine ko naman yung bride pero hindi talaga." Mahabang sabi nya na ikinasang-ayon ko for the first time.

Napatingin naman ako sa kanya? Nai-imagine yung bride? Eh nasa tabi nya lang kaya ako?

"Tara na sa sunod na simbahan." Biglang yaya nya kaya agad na akong pumasok ng sasakyan nya. Nagdrive sya at pareho lang kaming tahimik.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana the entire time ng may nakita akong babaeng maputi na mataba na nakasando lang at litaw na litaw yung maputi nyang braso and then..

Damn, na-imagine ko yung boobs ni Claudia na kanina lang ay sinisiksikan ko! Napatingin ako sa kanya at sakto namang lumingon sya at tumingin ng diretso sa mata ko ang chinita nyang mga mata kaya agad na umakyat ang kilabot hanggang sa batok ko.

"Nababaliw ka na ba Sam?" tanong nya na nakangiwi pa. "Don't mind me." Sabi ko na lang at tumingin sa labas ng bintana. Siguro di nya din naman alam na nakasiksik ako sa kanya pano ang lamig naman kasi buong gabi diba?

Nagulat ako ng bigla na lang syang pumreno at dahil nga nakacross arms ako ay hindi ko alam kung saan ako hahawak kaya ang lagay.. may nahawakan akong malambot.

Napababa ang tingin ko sa kamay ko at nakita ko na lang na napahawak na pala ako sa kamay nyang nasa kambyo. Inalis nya agad ang kamay nya at nandidiring tumingin sakin sabay tingin sa unahan ng sasakyan.

"Eww lang ha! Nawalan lang ako ng makakapitan okay!?" paliwanag ko naman na ikinaikot nya ng mata. "Maka-eww ha!? Mas malambot naman ang kamay ko kung ikukumpara sayo noh!?" singhal nya pabalik sakin at sasagot na sana ako ng bumusina sya paulit ulit.

Tumingin na ako sa harap at sa unahan nga ay mayroong sasakyan na nakahinto at konti konti na lang ay mababangga na talaga kami.

Nakita naming yumuko yuko ang driver na parang humihingi ng dispensa kaya napa-tsk yung katabi ko at inatras yung sasakyan at nilagpasan yung sasakyan na yun kanina.

"Bwiset na driver yun dapat tinignan nya muna yung sasakyan bago sya bumyahe. Buti pa si Brian chinecheck lagi ang sasakyan namin." Napalingon ako sa kanya matapos nyang magsalita.

Nakita ko namang nanlaki yung mata nyang singkit tapos maya maya biglang lumiit ulit at bumakas agad yung lungkot sa mga mata nya at natawa na lang ng mapait.

"Staring is rude, y'know." Sabi nya pero hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. "Honey, I'm fine really." Tapos huminga sya ng malalim at ngumiti kaya inalis ko na ang tingin ko sa kanya.

Yun yung ngiti na hindi pang bitch, kundi ngiti ng nasasaktan.

What if magbreak kaya kami ni Peter? Masasaktan din kaya ako? Eh ayoko naman talagang matali sa kanya. And what's the point na isipin ko ang what ifs kung magbreak kami ni Peter eh wala na nga pala akong magagawa para makaalis pa sa posisyon kong ito.

Napatingin ako kay Claudia at sabay pa talaga kaming lumingon sa isa't isa. And in three seconds ay sabay na lang kaming natawa with no reason.

"That's crazy." Comment ko na ikina-oo nya. "We could be friends naman pala way back then." Natatawang sabi nya na ikinatawa ko lalo.

"Siguro? Kaso bitch ka eh."

"Nakasabay ka naman sa pagkabitch ko. So quits na tayo honey." Sabi pa nya habang tumatawa. "Okay na sana eh kaso andyan nanaman yang honey na yan. Porket di ko pinansin kanina?"

"What's the deal? It's like a pet name lang naman."

"I just don't feel comfortable." Sabi ko na lang and swear ayoko ng makita yung ngisi na yun. "Okay, honey." Tapos in-emphasize nya pa na ikina-ungol ko sa inis pero tumawa lang sya.

///

Pinarada na nya yung sasakyan at bumaba na kami. Now, ito na yung nai-imagine ko.

Nakangiti ako habang palabas ng sasakyan. Ito yung vibe na hinahanap ko kanina sa isang simabahan. Yung sobrang luma tapos malumot na yung pader tapos naamoy ko pa dito yung kalikasan dahil siguro ay napapalibutan ito ng matataas na puno.

"I like this place." Sabi ko sabay lakad na at tinignan ang paligid. Lumakad naman ako papasok sa loob ng simbahan at walang tao maliban na lang sa matandang babae na naglilinis ng mga kagamitan sa unahan.

Napalingon sya samin ng pumasok kami. Ngumiti sya kaya ngumiti din ako tapos tumalikod na sya at pinagpatuloy ang paglilinis.

Naupo na ako dito sa dulong bahagi at tinitignan ng maigi ang buong paligid. Makaluma sya sa labas pero modern sya dito sa loob tapos parang kakapintura lang ulit dahil mukha itong bago.

"Gusto mo dito?" tumango ako sa tanong ni Claudia na kaka-upo lang sa gilid ko. "Edi hindi na tayo pupunta sa mga beach?" napalingon naman ako sa kanya pero nakatignin lang sya sa unahan.

Bakit parang na-sad ako don sa suggestion nya? Swear. Para kasing nagiging close na nga kami diba? Tapos hindi na kami puro pagbibitch pero andon pa din yung sagutan pero kasi..

"Hmm?" hum nya tapos lumingon pa sakin kaya mula sa natitigan kong matangos nyang ilong kanina ay ngayon ay sa mga singkit na mata na nya ako nakatingin.

Kung yung kay Peter ay singkit na maliit na mata talaga pero bawi naman sa ilong at panga nya. Yung kay Claudia ay yung singkit na medyo bilugan na pataas sa gilid kaya medyo nagmumukhang mataray lalo kapag nakapoker face sya.

Tapos may pagkama-panga din naman sya pero hindi ganon basta. Matangos ang ilong tapos perfect shape ng lips, hindi makapal at hindi din manipis, sakto lang sa kanya.

"Nah, tingin ko mas magandang makita ko na din yung tatlo pang iba para ma-compare ko." Sabi ko na lang at umiwas na ng tingin.

Hindi naman kasi kami close nito pero parang ito na yung time na maging close naman kami kahit papaano. Malay natin pwede din kaming friends tapos gawin ko din syang ninang diba?

"Okay, so tara na dahil magbabangka tayo para mapuntahan yung isla." Tumango naman ako at sumunod na sa kanya.

///

Nakababa na kami dito sa bangka at sakto madilim na. Naiwan yung sasakyan nya sa malapit na resort dahil walang available na transpo para maisakay yung sasakyan nya patawid dito sa kabila.

Kanina okay pa yung mood nya pero ng marating namin itong resort dito sa loob ay bigla na syang nanahimik tapos sobrang seryoso na ng mukha nya.

Tahimik lang din ako habang sumasabay na maglakad sa kanya dito sa tabing dagat.

"Hindi ko alam kung matutuwa ba ako kay Peter o hindi." Huminto sya sa paglalakad tapos humarap sakin at ngayon ay nakatalikod na sya sa liwanag ng buwan.

Tumingin lang ako sa kanya ng may nagtatanong na ekspresyon at hindi na nagsalita pa.

"Sa totoo lang magaling ako sa direksyon pero wala akong pakialam sa mga pangalan ng resort na napuntahan ko na." sabi pa nya at tumingin sa paligid tapos humarap ulit sakin.

Kitang kita kong nasasaktan sya at nalulungkot base sa emosyon na pinapakita ng mga mata nya.

"At itong pwesto natin? Dito sya mismo nakipagbreak sakin at basta na lang akong iniwan." Sabay buhos ng mga luha nya

Geez, Peter Angeles. Ikaw talaga!

15 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon