Day 9

1K 40 4
                                    


Sam's POV

Gabi na ng makalabas kami sa mall at paikot ikot lang kami dito sa metro. Magsasalita na sana ako kaso nagvibrate nanaman yung phone ko. Hay nako Peter.

"Sagutin mo na. Nababaliw na yan sa kakaisip kung bakit di mo sinasagot tawag nya." Rinig kong sabi nya kaya napatingin ako sa kanya. Ngumiti sya tapos tumango pa at ibinalik na agad yung tingin nya sa daan.

Nag-end yung call at tumawag ulit kaya sinagot ko na. "Babe." Bungad ko sa kanya. "Hi babe! Buti sinagot mo na, nagpapamiss ka nanaman hahaha." Tumatawang sabi nya kaya natawa na din ako. Hindi dahil sa totoong nagpapamiss ako kundi ang hangin nya sa part na yun.

"Kamusta na?" tanong ko na lang para mahinto na yung tawa nya. "Okay lang ako babe. Ah, oo nga pala bago ko makalimutan. Pupunta yung wedding organizer natin sa bahay nyo mismo bukas."

Napalipbite naman ako para iwasan na mapabuntong hininga. "Sige akong bahala. Magpapatulong na din ako kay Claudia."

"About that babe, hindi ko alam kung papayag si Claudia." Tapos parang nalungkot pa yung boses nya. "Don't worry babe, kasama ko sya ngayon. Sasabihin ko na lang sa kanya pag nakahanap na kami ng lugar na tatambayan." Nakangiting sabi ko.

Parang tumahimik naman sa kabilang linya kaya tinignan ko yung phone ko pero di pa naman nya binababa. "Babe? Andyan ka pa?"

"Yes, yes. Nagulat lang ako. Paanong kasama mo sya? At saka hinayaan nyang magkasama kayo? Kinulong nya kasi ang sarili nya for two months eh." Gulat na gulat na sabi ni Peter kaya napalingon ako kay Claudia ng biglang huminto yung sasakyan dahil sa stoplight. Nakita ko namang nakatingin sakin si Claudia ng seryoso.

"Nagkita kami sa mall and decide to bond. No biggie babe, girls bonding lang." pagkasabi ko ay nag-go na ulit kaya nawala yung titigan namin ni Claudia at sa labas na lang ako tumingin.

"Ganon ba? Mag-iingat ha. Anyway, ibababa ko na. May meeting pa kasi eh."

"Okay babe. Don't stress yourself."

"Para sayo. Mahal na mahal kita." Ramdam ko na sincere na sincere talaga sya sa pagkakasabi nya kaya tuluyan na akong napahinga ng malalim. "M – ma – mahal na mahal din kita." Tapos ngumiti pa ako kahit alam kong di nya nakikita.

"I'm happy to hear that. Bye." Tapos nag-end na yung call.

Tinago ko agad yung phone ko sa pouch ko at sumandal sa upuan. Itinaas ko ang braso ko para matakpan ang mata ko at pumikit ng madiin.

"Sam, you're so damn fucked up." Nanghihinang sabi ko. Nalilito na talaga ako sa kung anong gagawin ko. Alam ko sa loob loob ko na ayoko. Ayoko, ayoko. Ayoko talagang magpakasal.

Pero anong gagawin ko? Ilang beses ko ng sinabi kay dad na ayoko ng kasal na 'to. Ayoko kay Peter. Ayokong matali ako. Pero kahit isang beses hindi nya ako pinakinggan dahil mas importante na mai-merge yung company para isa na lang ang magmanage.

Matutulad ba ako kay Liezel? Tingin ko hindi, kasi yung kanya partner in crime sila ng asawa nya kaso ako.. si Peter na lang ang nagmamahal. Hindi ko na masusuklian ang pagmamahal na binibigay nya kaya hindi ko alam kung anong mangyayari sa buhay mag-asawa namin kunsakali.

I know that it'll turn out worst. I hate myself for saying yes that night.

"Honey? Are you crying? Nag-away ba kayo ni Peter?" sunod sunod na tanong ni Claudia kaya agad kong inalis ang braso ko sa mga mata ko. Damn, pasimple kong pinahid yung mga takas na luha sa magkabilang mata.

Umiling iling naman ako. "Don't mind me. Sabi nga pala ni Peter ay pupunta sa bahay yung wedding organizer bukas. Pwedeng.. pwede bang samahan mo ako?" tanong ko sa kanya habang sa daan nakatingin.

15 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon