Sam's POV
"Wow! Ang ganda dito!" amaze na amaze na pagkakasabi ko ng marating namin yung malawak na taniman nila ng mga bulaklak. May pahintulot naman kaming mamitas dahil nagpaalam naman kami sa entrance pa lang nitong garden na ito.
Nalibot na namin ang kabuohan bali all in all na dito. Mayroon ding reception dito mismo sa loob na lalakarin na lang. Tamang tama lang yung laki nya kung sakaling mag-imbita ng marami si dad.
"Ang ganda dito noh?" nakangiting sabi sakin ni Claudia at dinamayan pa akong humawak ng mga bulaklak. "Sobra." Nakangiting sagot ko na hindi manlang inalis ang tingin ko sa isang gumamela.
"Edi dito ka na magpapakasal?" tanong nya na ikinahinto ko bigla. Nawala yung ngiti na kanina pa nakaguhit sa labi ko at bigla ko na lang binatawan ang hinahawakan kong bulaklak.
Nakita ko sa gilid ko na nagtaka sya sa naging reaksyon ko kaya agad akong lumingon sa ibang direksyon. "Pwede." Tipid na sagot ko sa kanya. "Pwede?" patanong naman na sabi nya.
Actually pwedeng pwede dito kasi napakaconvenient at malapit lang sa city. Kaso syempre diba, bilang isang babae at isang beses lang naman tayong ikakasal sa buong buhay natin ay syempre mas pipiliin ko pa din na sa simbahan kasi doon naman talaga ikinakasal.
"Pwede kasi well-located ang place na 'to tapos malapit pa sa city pero kasi diba, once lang ikasal so dapat sa simbahan." Sabi ko naman sa kanya.
Tatalikod na sana ako kaso nakaramdam ako ng paghampas sa braso ko. "What was that for?" naiinis na tanong ko sabay himas sa braso ko. "Pinagdrive mo pa ako ng pinagdrive eh don mo din pala sa pangalawang simbahan na pinuntahan natin na gustong ikasal."
"Malamang! Obvious ba? Gusto pa kitang makasama." Walang prenong sagot ko sa pagmamaktol nya sabay lingon sa kanya at kitang kita na nagulat sya. And with that expression.. at saka ko lang narealize kung ano yung sinabi ko.
Samantha, what is happening to you? What is happening to me?
"Ang ganda ng mga bulaklak doon oh, dun lang ako." Mabilisang sabi ko at tinalikuran na sya tapos nagmadaling maglakad.
Tumingin tingin lang ako sa paligid at nilabas ko pa yung phone ko para makuhaan lang ng pictures yung iba't ibang bulaklak. Napangiti na lang ako habang tinititigan ng maigi yung mga kuha ko.
Napahinto na lang ako ng maramdaman kong may tao sa likod ko. "I feel the same way too." Mahina lang yung pagkakasabi pero rinig na rinig ko kaya agad akong humarap.
"Claudia." Banggit ko sa pangalan nya. Ngumiti naman sya tapos inangat nya yung dalawang bulaklak na kulay blue na hawak nya. "Picture tayo?" nakangiting alok nya na ikinangiti ko din.
Nilagay nya yung bulaklak sa tainga ko tapos nilagay nya yung sa kanya. Humarap ako sa phone nya at binigay ang best smile ko tapos ngumiti din sya na ikinawala ng singkit nyang mga mata.
"Perfect." Sabi nya tapos tinignan yung kuha nya. "Harap ka nga dito." Sabi ko na ginawa naman nya agad. "Smile." Pagkasabi ko non ay ngumiti sya at agad akong kumuha ng picture.
Habang tinitignan yung kuha ko sa kanya ng nakangiti ay nakarinig na lang ako ng shutter kaya agad ko syang nilingon. "Oops, bakit ba kasi hindi nakasilent?" natawa naman ako sa reaksyon nya.
Bababa na sana ako ng sasakyan kaso nagulat na lang ako ng hawakan nya ang braso ko.
"Bakit?" tanong ko sa kanya at bigla na lang akong nanigas sa kinauupuan ko ng bigla syang lumapit ng sobrang lapit at naramdaman ko na lang yung labi nya na..
Dumampi sa pisngi ko.
"Tawag dyan beso." Sabi nya pa na hindi makatingin. Di naman ako nakapagreact agad at ng makabawi.. "Ang beso diba kabilaan?" inosenteng tanong ko.
Natawa naman sya at lumapit ulit sakin pero this time ay nakaatras na ako. "What? Akala ko gusto mo pa ng isa?" seryosong tanong nya pero pinaningkitan ko lang sya ng mata.
"Gaga ka talaga." Wala sa wisyong sabi ko at ayun nga, mukha na syang beast mode. "Lumayas ka na nga dito!" sigaw nya sabay turo sa pintuan.
"Aalis na nga ako diba! Di mo ko kailangang sigawan!" sigaw ko din sa kanya at binuksan na ang pintuan pero..
"Hahahaha." Sabay na tawa namin bago ako lumabas ng tuluyan.
///
Nagising na lang ako dahil sa sunod sunod na katok dito sa kwarto ko. "Mom." Bungad ko sa nanay kong nakatayo sa harap ng pinto ng kwarto ko. "Gusto kang maka-usap ng dad mo sa opisina nya." Nakangiwing sabi ni mom na tinanguan ko lang.
Nakangiwi talaga kasi kahit anong pilit nyang ngumiti ay naging ngiwi lang iyon dahil alam kong nag-aalala lang sya sakin dahil baka kung anong gawin ni dad.
Umagang umaga highblood nanaman si dad. Ni hindi ko nga sya nadatnan pag-uwi ko kahapon eh. Nakipagfist bump naman ako sa bata kong kapatid na si Simon.
Actually, napakalayo ng age gap namin. Four years old pa lang sya tapos ako twenty six na, sabagay.. nanganak nga pala muna si mom bago sila magpakasal ni dad.
"Morning bro." nakangiting bati ko sa kanya. "Morning big sis." Cool na sabi nya habang hawak ang isang libro. Alam kong bata pa sya pero.. mas hilig nya ang books kaysa toys.
"Is kuya Peter is not around?" tanong nya sabay lingon sa paligid. "Wala sya dito, nasa ibang bansa pa ata. Bakit?" tanong ko tapos lumuhod sa harapan nya at inayos ang damit nyang suot.
Mukha pa syang naghesitate tapos nagbuntong hinga din. "I just don't like him. Sorry big sis." Tapos mabilisan syang tumakbo.
Tinanaw ko naman yung likod nya at napabuntong hininga na lang. Ako din naman eh, ayoko sya para sakin. Nagpagpag na ako at agad pumasok sa opisina ni dad.
"Peter is calling you from time to time pero hindi mo daw sinagot kahit isa?" bungad ni dad ng makapasok ako. Yup, I saw his 150 missed calls. Yan sana ang isasagot ko kaso ayoko namang masampal umaga pa lang.
Dumistansya ako kay dad bago nagsalita. "Masyado lang akong nag-enjoy sa paligid to the point na nakalimutan kong may boyfriend ako, I mean.. fiance." Sarcastic na pagkakasabi ko at nakarinig na lang ako ng paghampas ni dad sa mesa.
"Ayusin mo ang sinabi ko Samantha. Pakakasalan mo si Peter kaya umakto ka ring asawa sa kanya." Pinal na sabi nya kaya humugot ako ng malalim na hininga para maka-ipon ng lakas na sumagot sa kanya.
"Pero hindi sya ang gusto kong paksalan, dad!" sigaw ko na nag-echo pa sa buong opisina. "Edi sino!?" sigaw ni dad pabalik sakin.
"Marami na akong nararamdaman sa katawan ko at hindi na biro ang paghandle ng negosyo! Wala akong tiwala sa kakayahan mo, buti nga naging boyfriend mo si Peter Angeles na magaling humawak ng business!" sigaw pa nya na lalo kong ikina-inis.
Tumawa muna ako bago magsalita. "Aasawahin ko si Peter para makasal ang negosyo mo sa kanya? Tapos ano? Ganito din ang set-up? Yung anak laging naghahanap ng ama samantalang yung ama mahal na mahal yung trabaho?" sagot ko na nakatingin pa ng diretso kay dad.
"Anong sinabi mo!?"
"Alam kong narinig mo, dad. Aalis na ako." Poker face na sabi ko at binuksan agad yung pinto at lumabas na.
Hindi maganda ang umaga na ito. Kailangan kong maglibang, ayoko munang gumawa ng mga paper works even reports sa company. I need to relax.
Kahit saan wag lang dito.

BINABASA MO ANG
15 Days
RomanceWhat could go wrong in 15 days? ------------------------------------------------- This is a GXG story. Alam kong sobrang cliché na ng ganitong plot at twist pero kasi.. wala lang gusto ko lang talagang isulat. Basta nagsabi na akong cliché 'to ah. I...