Day 14.5

1K 31 0
                                    


Sam's POV

Natawa ako ng makitang parang nabato si Claudia sa kinatatayuan nya. "Honey, ano na?" tawag pansin ko pa sa kanya pero napanganga pa sya. "Anong – anong tinawag mo sakin?" pag-uulit nya pa na lalo kong ikinatawa.

Inilapag ko yung mga papel na hawak ko sabay upo sa table. "Honey po kako." Pag-uulit ko pa tapos nagpuppy eyes pa ako. Maya maya lang ay nakarecover na sya at agad na napa-iling habang palapit sakin.

"Really Sam? Lahat ng stress ko nawala dahil nandito ka ngayon." Sabi nya tapos yumakap sa akin kaya umayos naman ako ng upo kahit na nakaramdam ako ng sakit sa balakang ko.

Kulang pa ata yung salonpass na nilagay ko ah. Niyakap ko sya ng mahigpit pabalik at hinaplos ko pa ang buhok nya. Napalipbite ako ng may naisip akong kalokohan.

Yumuko ako sabay amoy sa kanya at lumapit sa tainga nya. "You smell so sweet, Claudia." Bulong ko sa kanya sabay layo ng konti at kitang kita ko kung paano namula ang tainga nya.

"Are you trying to seduce me honey?" nakapout na tanong nya na ikinatawa ko. "How could I do that? I'm too innocent." Pa-inosenteng sabi ko tapos nakalipbite pa.

Tinaasan nya ako ng kilay tapos humawak sya sa braso ko at hinila ako pababa. Bakit saktong sakto? Iniwasan kong mapasigaw dahil saktong sakto yung hawak nya sa pasa na nakuha ko kay Peter.

Magaan lang naman talaga ang hawak nya pero masakit pa din talaga. Ito yung dahilan kaya hindi ako nakapunta dito kahapon eh. Nalungkot tuloy ako.

Humila sya ng isa pang upuan at pina-upo ako don samantalang don sya sa trono nya. "Tambak ako ngayon. At least matapos ko kahit kalahati. Can you help me?" tapos napahikab pa sya na ikinatawa ko.

Ang cute cute talaga ni Claudia lalo na yung singkit nyang mata. "Alam mo, nakaka-attract talaga yang mata mo." Nakangiting sabi ko sa kanya tapos tinitigan ko pa sya dahilan para mapa-iwas sya ng tingin.

"Are you really this honest?" tanong nya na ikinatango tango. "Let's start so I can cuddle with you." Natawa naman daw ako don.

Tinulungan ko sya sa mga papel at mabuti ko itong binabasa para mapirmahan nya. At talagang ang sarap sa pakiramdam dahil binibigay nya ngayon palang ng buo yung tiwala nya sakin.

Every time kasi na sinasabi ko na pirmahan nya ay pinipirmahan nya agad at talagang hindi na nya nire-re-read yung mga papers.

"Claudia, di ako sigurado dito." Sabi ko sa kanya at pinakita yung isang papel. "Masyadong mababa ang bid at parang mas pabor pa sa side nila ang contract." Dagdag ko pa at inabot sa kanya ang folder.

Binasa nya naman ito ng maigi at napatango tango. "I'll reject this. Malulugi ako dito, naghahanap din kasi ako ng bid na hindi ganon kataas at kababa. Mahirap na." sabi pa nya at tinuloy ang ginagawa nya samantalang ako ay napako sa pagkakatitig ko sa kanya.

Napansin nya sigurong hindi na ako nagbabasa kaya tinignan nya ako. "May problema ba?" tanong nya pero umiling ako sabay libot ko ng tingin sa office nyang napakalaki, syempre sya ang CEO eh.

"Ito kasi ang first time ko na magpunta ng company." Pag-oopen ko ng topic na ikinahinto nya. "Really? Diba may company ang father mo pati na din ang – " hindi nya tinuloy ang sinasabi nya na agad ko namang nagets.

"Yes. Pero kasi... " napayuko naman ako bago ituloy ang sasabihin ko" ...dad don't trust me when it comes to business. Ayaw nya daw na babae ang sumunod na hahawak k – kaya pinilit n –nya akong pakasalana si Peter." Tapos di ko na napigilan na sunod sunod na tumulo ang luha ko.

"Honey, come here." Dumikit naman ako sa kanya tapos napangiti ako ng wala sa oras ng bigla nya akong dampian ng halik sa labi sabay punas ng luha ko. "What do you mean by that? You mean.. hindi mo talaga gustong magpakasal?" tanong pa nya na ikinatango ko kaya ako na ang humawak sa panyo.

15 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon