Day 5

1K 38 2
                                    


Sam's POV

Kung kanina yung isla ay tahimik. Itong isla na napuntahan namin ay maingay, dahil daw fiesta. Lively ang paligid at maraming bandiritas ang nakasabit sa mga poste. Ang mga tao ay busy na busy sa lahat.

"Buti pala ay bumyahe pa ako. Kundi ay di na kayo makakapunta dito. Wala na kasing nabyahe ngayon dahil fiesta rito sa lugar namin." Sabi ni kuya matapos nyang ibaba sa bangka yung mga backpack namin kaya agad kaming nagpasalamat.

"Mamayang gabi labas kayo. Makikita nyo ako dyan sa gitna, sama kayo sa fiesta namin ha." Sabi pa ni kuya tapos kumindat na ikinatawa ko kaso mukhang hindi friendly ang kasama ko eh.

Siniko ko sya at saka nya lang ako tinignan. "Okay po, susubukan namin. Salamat sa pag-imbita." Sabi ko at umalis na si kuya. Naramdaman ko naman ang kamay ni Claudia at sumunod sa kanya ng sumakay na sya ng tricycle at nagpahatid sa isang resort.

"Hindi ka dapat nakikipag-usap kung kani-kanino." Sabi nya bigla kaya napalingon ako sa kanya. "Eh wala naman talaga tayong kakilala dito at saka mukha naman syang mabait. In-invite pa nga tayo eh."

"Whatever Sam."

Ngayon ay nakabihis na kami ulit at nakasuot lang ako ng hoodie at pants tapos slippers lang samantalang si Claudia ay naka-tshirt, shorts tapos slippers lang din.

"Lakad tayo sa labas." Aya ko sa kanya kaya tumango naman sya agad. Nauna ako at sumunod naman sya. Ngayon ay nandito kami sa tabing dagat ng resort at masasabi kong sobrang puti ng buhangin dito compare sa pinuntahan naming resort kanina.

Pero paano ko nga ba mapagkukumpara yung dalawang resort kung di ko naman na-appreciate yung kanina diba? At paano ko naman maappreciate yun kung may kasama akong madami palang memories don?

"Akala ko ba lakad eh bat naupo ka agad dyan sa bench na yan?" ayan na ulit yung bitch accent. "Look." Matipid na sabi ko na lang tapos naupo sya sa tabi ko at tinignan yung bandang nginuso ko.

"Wow." Manghang comment nya na ikinangiti ko. Kitang kita kasi yung kulay kahel na kalangitan habang bumababa na dahan-dahan si haring araw.

"Parang buhay lang natin yan. Minsan kailangan muna nating palipasin ang mga oras at tignan lang ito hanggang sa mawala. Then the next day ganon ulit hanggang sa dahan-dahan nating ma-accpet na minsan.. may mawawala at may dadating ulit."

Hindi ko alam kung anong magic ang mayroon ang araw na ito dahil bigla akong naging taga-payo. Sa totoo lang hindi ako ganito, mas madalas ko itong ipakita sa actions ko pero kasi.. ang awkward diba kung yayakap ako kay Claudia?

Err, hindi naman kasi kami close o nag-uusap talaga. As in ngayon lang kami nakapagbond. Nung una ayaw na ayaw ko talagang pumayag sa pag-iikot na kasama itong si Claudia pero hindi naman natin pwedeng kilalanin ang isang tao na bitch sya forever kung yun lang yung nakikita natin diba?

I mean, wala namang ipinanganak na mabait lang syempre may bad side din yun katulad nitong katabi ko. Hindi naman sya ipinanganak na bitch sya pero yun pala mapagmahal din sya kasi kung hindi ay hindi naman sya magluluksa diba.

"Hmm." Sabi na lang nya tapos bigla nya akong niyakap patagilid at dahil sa gulat ko ay napalingon ako sa kanya.

Nakapatong ang baba nya sa balikat ko kaya sobrang lapit namin sa isa't isa. Hindi ko mabasa kung anong iniisip nya dahil blangko lang syang nakatingin sakin, siguro ganon din ako sa kanya.

Napalunok ako at napatitig sa mga mata nya. And there, I saw my reflection. Para kasi akong nanalamin ngayon at kitang kita ko ang reflection ko sa mga mata.

What is happening? Never ko pang nakita ang sarili ko kapag nakikipagtitigan ako kay Peter. Bakit parang.. what the heck.

"Tara sayang naman yung fiesta." Nabalik ako sa katinuan ng marinig ko ang boses nya tapos hinawakan nya pa ang kamay ko at dahan-dahang hinila, I even saw her smile!

///

"Wow ang daming pagkain!" pakiramdam ko kumikinang ang mga mata ko ngayon sa dami ng pagkain na nakahanay. Andito kami sa bahay nila kuya Arnold.

Yep, kilala ko na yung taong naghatid samin kanina. Tapos sya din pala ang SK chairman sa lugar na ito. "Kain lang mga binibini wag mahihiya." Nakangiting sabi samin ng mama nya na ikinangiti ko din.

"Maraming salamat po!" masiglang sabi ko at nagmadali ng kumuha ng mga pagkain. Tapos maya maya lang ay may pumasok ding mga foreigner tapos nag-english english din sila kuya Arnold.

"Ang astig dito noh?" sabi ko sabay nguya sa pagkain ko. "Yup, welcome lahat eh." Sabi pa nya at kumain na din. May mga desserts sila dito at isa isa ko din yung tinikman syempre konti lang para magkasya sila sa tiyan ko.

Hindi naman kasi ako palakain kaya para matikman ko lahat kahit di ko alam yung tawag ay kinokontian ko lang talaga yung mga kinukuha ko.

"Nag-enjoy ba kayo?" tanong samin ni kuya Arnold habang sinasamahan kami na maglakad dito sa gilid ng dagat. "Oo naman! Ang sarap ng mga pagkain tapos invited pa lahat kaya nakakatuwa din." Sabi ko naman sabay ngiti sa kanya.

"Mabuti naman kung ganon. Ah, Sam – "

"Kuya Arnold?" Naputol yung pagbanggit ni kuya Arnold sa pangalan ko ng tawagin sya ni Claudia. "B – bakit?" utal na sagot nya. Malamang natakot 'to hahaha!

"Mayroon bang may-ari nung isla na yun?" sabay turo ni Claudia sa isang lugar kaya napatingin ako don. Wow, sobrang lapit lang nung isla tapos mula dito ay may natatanaw akong bahay lang malapit sa dagat.

"Ah yan ba? Sa totoo lang ay matanda na ang may-ari nyan at nasa manila na dahil may sakit. Ibinebenta yan nung nakaraang taon pa kaso wala namang may kaya ng presyo dito sa isla namin nyan eh." Sagot naman ni kuya Arnold.

Hindi na nagsalita ulit si Claudia kaya ng sisikuhin ko sana sya ay natigilan ako. "Sam? Ano kasi, gusto ko sanang – " naputol ulit ang sasabihin ni kuya Arnold ng magsalita si Claudia.

"Kuya Arnold, mauuna na sana kami. Baka kasi tumawag na yung parents namin sa telepono." Na-iimagine nyo ba.. polite na may pagkabitchy accent? Ganon kasi yung tonong binitawan ni Claudia eh!

Pinandilat ko sya ng mata pero nagkibit balikat lang sya. "Ah ganon ba? Sige mag-iingat kayo pabalik lalo ka na Sam." Tapos ngumiti pa si kuya Arnold.

"Okay, thank you ulit ha." Sabi ko pa at parang nanigas ako sa kinatatayuan ko ng bigla syang lumapit pero nagulat na lang ako ng may humila ng braso ko at yumapos sa bewang ko.

"Bye." Maikling paalam ni Claudia at mabilis na lumakad paalis. "Uyy, bakit mo naman ginanon yung tao?" tanong ko sa kanya ng makalayo kami.

"Duh!?" mataray na pagkakasabi nya tapos inirapan pa ako. Di na lang ako nagreact dahil baka magkasagutan pa kami at masira ang gabi ko.

Sasakay na sana ako ng tricycle pero bigla syang huminto kaya napahinto na din ako. "Claudia?" tawag ko sa kanya pero nakatalikod lang sya sakin kaya tumabi ako sa kanya at sinundan kung ano yung tinitignan nya.

"Honey, I'll buy that island baka magamit ko sa future." Biglang sabi nya sabay tingin sakin at ngumiti. Umirap naman ako kahit nahawa na ako sa ngiti.

"Stop that pet name, will you?" poker face na nasabi ko. "It's just a pet name, no biggie." Sabi pa nya at nauna ng sumakay kaya sumunod ako.

"Kahit na! Like duh, bubuyog ba ako? I'm not even sweet." Bwiset na pagkakasabi ko na ikinatawa nya ng malakas bigla kaya napalingon ako sa kanya ng gulat.

"Kaya nga nagtataka ako kung bakit mahal na mahal ka ni Peter eh."

"How dare you!?" sigaw ko sa kanya pero tumawa lang sya. "Geez, stop shouting. Namumula ka na." tapos tumawa nanaman sya. "I hate you." Inis na sabi ko pero sumagot sya na may bahid ng pagkaseryoso.

"I hate you too, Sam."

15 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon