Sam's POV
Nandito ako ngayon sa backyard naka-upo habang nakatitig sa pool na kumikinang dahil sa sinag ng araw. Ang aliwalas ng paligid. Kitang kita ko na ang lively ng mga bulaklak tapos para pa silang nagsasayaw sa hangin.
Grabe, sobrang gaan ng pakiramdam ko at ramdam na ramdam ko kung gaano ako kasaya. Yung kagabi? Kung wala pang tumawag kay Claudia? Malamang ay hindi pa kami hihinto sa ginagawa namin. At talagang dito pa sa labas ng bahay diba?
"Hello?"
"Hey." Napangiti naman ako dahil narinig ko na ang boses ni Claudia. "I'm sorry, hindi ako makakapunta dyan sa inyo. Natambakan na kasi ako ng trabaho dito sa company eh." Tingin ko nakanguso 'to ngayon.
"Okay lang naman besides wala naman akong ginagawa." Sabi ko na lang sabay ikot ng suklay sa daliri ko. "Gusto mo bang magpunta dito?" tanong nya na ikinatigil ko.
"You mean.. sa company mo mismo?" tanong ko pa. "Yes. Baka kasi abutin na ako ng gabi dito and worst dito na din ako matulog. May kwarto kasi dito para kapag may ganitong tambak na trabaho." Kwento nya pa tapos narinig ko pang may nagsasalita na sa kabilang linya.
Pakiramdam ko busy talaga sya. Sayang naman..
"Susubukan kong magpunta ha? Text me na lang ng address." Sabi ko na lang. Narinig ko syang napabuntong hininga bago nagsalita. "Talking to you helps a lot." Napalipbite naman ako dahil sa biglang banat nya.
"Okay miss Lirico. Masyado na po tayong nagbobolahan. Makikita mo din ako mamaya." Natatawang sabi ko na ikinatawa nya din. "See you." Sabay na sabi namin at para hindi ko na sya maistorbo ay ako na ang nagbaba ng tawag.
Paano kaya nagagawa ni Claudia yun? Um-absent sya ng isang linggo tapos ako pa ang kasama nya lagi lately. While Peter ay hindi na sya naka-absent mula nung nagtrabaho sya, maybe half day pero after naming gumala ay ayon balik opisina ulit.
"Sam?" tawag ni mom kaya agad akong napatayo. "Nandito si Peter." Tumango na lang ako sa sinabi ni mom. "Bakit mukhang malungkot?" tanong ni mom na ikinahinto ko sa paghakbang.
Ngumiti sya sakin tapos inayos ang buhok ko. "Ang tangkad mo na tapos matured ka na din. Piliin mo ng mabuti ang mga susunod mong gagawin." Pagkasabi ni mom nun ay iniwan nya akong nakatulala.
Hindi kaya.. nakikita din ni mom na ayokong magpakasal kay Peter?
"Babe." Tawag pansin ko sa kanya ng makalapit ako. Naka-casual lang sya tapos may bouquet ng roses pang hawak. Tumayo naman sya at niyakap ako.
Yumakap ako sa kanya at nginitian sya. "Para sa mapapangasawa ko." Nakangiti nyang sabi pero yumuko ako para kunwaring aamuyin ko yung bulaklak pero sa totoo lang ay itinago ko yung expression na maipapakita ko sana ng wala sa oras.
"Salamat." Nakangiti kong sabi sa kanya. "Pwede bang magdate tayo? Matagal na din kasi nung huli." Nahihiyang sabi nya tapos nagkakamot pa ng ulo.
Tinitigan ko naman sya. Mabuti sana kung ganito pa bago mangyari ang lahat, bago ko mameet si Claudia at makaramdam ng something sa pagitan namin.
Hindi ko alam kung kailan nagsimula pero nung nagkasama kami kahit ilang araw lang yun ay sobrang bilis pala talagang magbago ng feelings. In just a snap ay biglang nagustuhan ko si Claudia.. tapos nagkikiss na din kami. Hindi ko alam kung gusto pa ba ang tawag don o yung sunod na level na.
"Babe?"
Natauhan naman ako kaya tumango ako sa kanya. "Wait mo ko." Sabi ko na lang at umakyat na sa taas para magpalit.
BINABASA MO ANG
15 Days
RomanceWhat could go wrong in 15 days? ------------------------------------------------- This is a GXG story. Alam kong sobrang cliché na ng ganitong plot at twist pero kasi.. wala lang gusto ko lang talagang isulat. Basta nagsabi na akong cliché 'to ah. I...