Sam's POV
Kahapon ay hindi nakarating yung wedding organizer dahil daw sa isang family emergency na naintindihan ko naman. Nagalit pa nga si Peter pero I told him na okay lang since about family naman.
Ginabi na nga ng uwi si Claudia kahapon dahil nagrequest pa ang lil bro ko na magstay sya at turuan na magbasa ng hindi nya kayang basahin sa books. So pinagtulungan na lang naming turuan sya ni Claudia.
Siguro from the very start ay nagtataka kayo na sa twenty six years of existence ko at six years ago na mula ng nakagraduate ako ay wala pa akong trabahong nababanggit.
Well, nagpopropose ako ng projects kay dad para sa company tapos minsan gumagawa ng papers na ipapagawa ni dad o di kaya ay mga reports. Never akong nakapunta or should I say pumunta ng company dahil nga diba, nabwibwiset ako sa dad ko na kulang na lang ay don tumira.
Actually hindi pa ako nakakapunta sa kahit anong company pati na yung kay Peter dahil sa same reason na nakakabwiset sila ni dad. And yep, last three years lang naghandle ng business si Peter.
Puro date ang ginawa namin sa loob ng two years bago pa magtrabaho si Peter. At doon ko nga natuklasan na same na same sila ng gawain ni dad na mahilig ipalit yung mahal nila sa mas mahal pa nila which is yung business nila. Gets?
Edi syempre mahal na mahal ko pa non that time si Peter kaya nakikipag-agawan talaga ako ng oras kaya away bati kami pero never umabot sa point na nakipagbreak ang isa samin.
Until yun na nga, siguro naramdaman nyang nagiging cold na ako. Hindi ko na sya inaaway, hindi na ako nakipag-agawan ng oras sa trabaho nya at kahit anong paalam nya ay okay na lang ako ng okay.
Mula ng makaramdam si gago ay nagkusa ng magtext ng magtext at magcall ng magcall which is hindi ko na kailangan, meaning wala na akong pake. At yung araw na inilagay nya bilang kasal namin ay ang mismong fifth year anniversary namin.
It sucks right? Yung pinlano mong break up ay nauwi sa marriage mo, kakagigil.
Nagvibrate vibrate ang phone ko which is expected kong tatawag ay si Claudia kaya kahit hindi ko tinignan ay agad ko itong sinagot. Magsasalita na sana ako kaso – "Good morning babe!"
What the.. ? Tinignan ko ang caller at si Peter nga ito. Dapat masaya ako diba? "Hello to you too, babe." Pinasiglang sagot ko naman sa kanya.
"By the way, may surprise ako mamaya abangan mo ayiee." Parang baklang sabi nya at sasagot na sana ako kaso narinig ko naman ang boses ni mom. "Sam, nandito na sya."
Agad namang nabuhay ang loob ko, siguro si Claudia na yan. "Sige babe, ibababa ko na." mabilisang sabi ko. "Ha? Pero teka –" binaba ko na agad tapos hinagis ko lang basta yung phone ko sa kama at lumabas ng kwarto.
"Good morning." Nakangiting bati nya na ikinangiti ko din. "Good morning din." Bati ko sa kanya tapos tumabi pa. "Akala ko tatawag ka pag nandito ka na?" tanong ko sa kanya.
"Yup, kaso busy ang linya. Alam ko naman kung sino ang dahilan kaya busy ang number mo." May himig ng pagtatampong sabi nya na hindi ko agad ikina-imik. What should I say?
"Hello big sisters." Bati samin ng kapatid ko na ikinabalik ng ngiti ni Claudia. "Hey there." Bati nya at saktong magsasalita na sana ako kaso – "Sam, halika dito. Hayaan mo muna si Claudia kay Simon."
Tinignan ko naman si Claudia na tinanguan lang ako kaya tumayo na ako. "Bakit nilalabas nyo iyang mga basong iyan mom?" tanong ko kay mom.
Ito kasi yung mga baso na pinapalabas lang ni dad kapag may bisita o di kaya kapag may business meeting dito sa bahay.
"Sasama daw kasi ang dad mo sa pag-uusapan ng organizer nyo mamaya." Sagot ni mom sakin na hindi ko agad pinaniwalaan. "Maniwala ka Sam, totoo." Paninigurado pa ni mom kaya tumango na lang ako.
As if naman na magkaroon sya ng oras. Hindi na ako umaasa noh. Tinulungan ko si mom sa paglilinis nung mga baso tapos ilalapag din sa lamesa.
"Ang gaan ng loob ko sa batang yan." Nakangiting sabi ni mom kaya tinignan ko kung saan sya nakatingin only to see Claudia – laughing while playing with my lil bro.
Napangiti naman ako agad. "Masaya akong kasama sya mom." Sabi ko naman tapos ay inayos ko na yung mga kutsilyo at tinidor. "Nakikita ko ngang mas masaya kang kasama sya kaysa kay Peter." Sabi pa ni mom kaya napahinto ako.
Ganon ba ako ka-obvious?"
"Tama ata ako kaya napahinto ang prinsesa ko hahaha." Tapos tinawanan pa ako ni mom kaya lalong hindi ako nakasagot. "Sige na doon ka na, kaya ko na 'to."
"Thanks mom." Yun na lang ang nasabi ko tapos ay umalis na pero bago yun ay nakita ko pa ang pag-iling ni mom which is ikinakaba ko.. siguro naman ay tingin ni mom na magsuper close friend lang kami ni Claudia diba?
Kinindatan ako ni Claudia na ikina-irap ko. "I'll tour you around our village." Rinig kong offer ng lil bro ko kaya agad ko syang kinarga at pina-upo sa lap ko pagka-upo ko.
"Anong tour? Eh hindi ka pa nga nakakalabas ng bahay." Pang-aasar ko sa kanya pero nginisian ako. Aba, natutong ngumisi! Tinignan ko si Claudia pero sa ibang direksyon sya tumingin.
"I'll trust my instincts then." Hirit nya pa na ikinatawa naming dalawa. "Okay lang ba sayo na maglakad lakad?" tanong ko kay Claudia na ikinatango nya.
"Sure basta kasama kita – I mean, kayo ng kapatid mo." Sabay tawa nya na ikinatawa ko din. Loka din pala to eh. Afterwards ay nagpaalam ako kay mom na maglilibot kasama si Simon.
Simon kasi ang tawag sa kanya ni mom dahil feeling matanda na ito eh.
Naglakad lang kami at nasa gitna namin ang kapatid ko. Hawak nya ang kanang kamay samantalang ako sa kaliwa.
Nang marating namin yung park at saktong walang tao ay naupo kami sa bench na nalililiman ng puno. Inabot ko naman sa kapatid ko yung libro na pasimple kong dinala.
"Thanks big sis." Sabi nya tapos inabot ito kay Claudia. Binabasa ni Claudia tapos kapag hindi maayos na narinig ng kaptid ko yung pronunciation ay ipapaulit nya ito kay Claudia na may kasama pang spelling.
The entire time ay tahimik lang ako at pinagmamasdan silang dalawa. Maya maya lang ay nailipat ko yung tingin ko kay Claudia at wala sa sariling natitigan ko sya.
Pano kaya kung magkasama pa din kami ni Claudia pag nagtagal tapos mayroon ding bata sa pagitan namin?
Siya yung magtuturo sa academics tapos ako naman yung magtuturo sa mga gawaing bahay since naturuan naman ako ni mom dahil nga sa house wife si mom ay lagi lang syang nasa bahay. Naging bonding din namin ni mom ang paglilinis nung bata pa ako.
Tapos after nilang mag-aral ay nakaluto na ako tapos sabay sabay kaming kakain. Tapos ay tabi tabi din kaming matutulog. Posible kaya yun?
Wait..
Did I just imagine my future self with her? Oh my gosh..
Nang tuloy tuloy ng nagbabasa yung kapatid ko ay napansin ko na lang na nakipagtitigan na din sakin si Claudia. Yung titig nya na parang may something, parang may sinasabi sya sa pamamagitan lang ng titig nya. May mixture ng happiness at sadness? Pero bakit?
"Big sis Cri-Cri and big sis Sa-Sa, it's getting hot here." Kung hindi pa nagsalita ang kapatid ko ay hindi mapuputol ang titigan pero.. "Wait, what? Cri-Cri and Sa-Sa?" natatawa kong tanong.
Tumango tango naman sya sabay ngiti kay Claudia. "Big sis Cri-Cri suggests it so it'll be easy to say and besides, it's cute. While mine is lil bro Mon-Mon, how's that?" proud pang pagkakasabi ng kapatid ko kaya natawa na lang ako.
"You really like giving pet names, don't you?" baling ko kay Claudia. "Well.." sagot nya lang tapos ngumiti sakin. "Uwi na tayo baka nandon na yung organizer." Tumango naman ako at umuwi na kami.
Nauna naming pinapasok ng bahay si lil bro Mon-Mon tapos hinawakan ko naman yung likod ni Claudia para alalayan sya papasok ng bahay kaso..
"Babe!" napabitaw ako ng dambahan ako ng yakap ni Peter at nagulat pa ako ng bigla nya akong halikan sa labi. Sa gulat ko ay naitulak ko sya sabay tingin kay Claudia na ngayon ay naka-iwas ng tingin.
Shit.
BINABASA MO ANG
15 Days
RomanceWhat could go wrong in 15 days? ------------------------------------------------- This is a GXG story. Alam kong sobrang cliché na ng ganitong plot at twist pero kasi.. wala lang gusto ko lang talagang isulat. Basta nagsabi na akong cliché 'to ah. I...