Day 6

947 31 0
                                    


Sam's POV

Maaga kaming nagising at medyo madilim pa ang paligid. Nandito ako ngayon sa kama at nakasandal sa headboard habang hinihintay na mag-asikaso si Claudia dahil gusto nya daw na magswimming muna bago manlang umalis.

Tumitingin ako ng isang fashion magazine habang naghihintay. Napalingon ako sa cellphone ko na vibrate ng vibrate sa ibabaw ng drawer.

Tinignan ko ito at si Peter ang tumatawag. Actually, hindi ko naisip na tatawag sya o dapat magka-usap kami. Ewan, I mean nag-eexist sya sa isip ko pero.. ugh, maybe I just don't care?

Huminto ang pagvibrate at saktong lumabas naman si Claudia sa pintuan ng banyo base sa pandinig ko. Nilipat ko ang page na hindi manlang sya tinatapunan ng tingin.

Hmm.. maganda 'tong style kapag pupunta ng picnic.

"Really? Naka-shorts at sando ka lang? Lalangoy ka ng ganyan?" rinig kong tanong nya na ikinatango tango ko lang tapos lipat ulit ng page. "Yeah, di ako masyadong nag-eexpose ng katawan eh." Sabi ko tapos lipat ulit.

Nagvibrate ulit yung phone ko at pagtingin ko ay si Peter nanaman yung tumatawag. Napabuntong hininga ako sabay shutdown na ng phone ko. "Bakit di mo sinagot?"

"Kasi – " naputol yung sasabihin ko ng mapansin kong nakatayo na sya mismo dito sa gilid ko. Napaangat naman ang tingin ko.. what the.

Naka two piece swimsuit lang sya na plain blue tapos ang ganda ng katawan nya, slim lang. Damn, Sam! Bakit ngayon mo lang naappreaciate yung katawan nya eh nakita mo na yun nung isa isa pang araw?

O – oo nga noh! Pero bakit ngayon ko lang napansin? This is getting weird. Naweweirduhan na ako sa sarili ko at pati maliliit na bagay ay ino-obserbahan ko na din pag dating kay Claudia. This isn't me.

"Sam?" tawag pansin nya pa kaya iniling ko ang ulo ko at ibinaba ulit ang tingin ko sa magazine. "I just don't feel like talking to him." Sagot ko na lang sa kanya.

"Really? Para pa naman kayong nakaglue pag magkasama tapos ngayon ayaw mo syang kausapin?" nagtatakang tanong nya kaya napatingin ako sa kanya.

Nakangiti sya ngayon sakin pero yung ngiti na yun is parang may something. "Yeah, pero ayoko lang talagang maka-usap sya." Sagot ko na halatang gusto ko ng iwasan ang topic na yun.

Magsasalita sana sya ulit kaso nagring naman ang phone nya. Inaabot nya ito dahil nasa ibabaw lang naman ng kama. "Tinatawagan na din ako ni Peter." Sabi nya tapos tumingin sakin.

"Shutdown mo na lang din phone mo at pagdating na lang tayo magpaliwanag." Sabi ko na lang. "Okay, honey." Mabilisang sagot nya na ikinasimangot ko.

"I really enjoy that reaction hahaha!" tawa tawang sabi nya tapos inaya na ako palabas.

"Ang lamig ng tubig!" sigaw nya pagkatapos nyang lumusong sa tubig tapos biglang nagtatatakbo pabalik dito sa pwesto ko na ikinatawa ko ng malakas. "That was.. funny."

Tinawanan ko pa sya kaya bigla nya akong sinimangutan. Pinahinto ko na ang pagtawa ko at lumingon sa kanya at yun na nga.. parang nagslow motion ang paghawi nya sa basa nyang buhok na may kasama pang pagpikit tapos pagdilat nya ay tumingin sya sa dagat sabay baling sakin kaya agad akong umiwas ng tingin.

O – okay? Talaga bang nagslow motion yun sa paningin ko? Samantha Larson, lumalala ka na. Hindi na 'to maganda. Sa wattpad ko lang nababasa yung mga ganitong slow mo effects dahil hindi ko naman nakikitaan ng slow mo si Peter sa paningin ko eh.

"What the hell Claudia!?" sigaw ko ng makaramdam ako ng lamig sa bandang harapan ko. "Oops, sorry nadulas yung juice sa kamay ko." With nananadya pa talagang pagkakasabi sabay inom nya ulit don sa juice kaya sinamaan ko sya ng tingin.

15 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon