Day 2

1.2K 41 1
                                    


Sam's POV

"Gosh! Wag kang sumigaw magkatabi lang tayo." Mahinahong sabi ko sabay hilot sa temple ko. "Masyado kang nakakahighblood ah." Then there's again with the bitch accent.

"Ilang araw ba?" tanong ko sa kanya. "Maybe 3-4days." Sagot naman nya na ikinatango tango ko. "Wala akong damit." Sabi ko naman sa kanya. "No problem. Bumili na lang tayo kinabukasan, papahiramin kita ng damit ngayong gabi."

Tumango na lang ako at tumingin sa labas. Gago ka talaga Peter, wag kang uuwi dito agad masasapak kita ako na nagsasabi sayo grrr!

Mag-a-alas dose na at kanina pa kaming alas dies nakarating dito sa probinsyang ito at habang patagal ng patagal ay lalong bumubuhos ang ulan.

"Damnit Claudia! Anong bang hinahanap mo?! May tatlo na tayong apartelle na nadaanan ayaw mo pang ipasok yang sasakyan mo doon!?" nanggagalaiting sigaw ko sa babaeng ito.

Sinamaan nya naman ako ng tingin sabay focus sa daan. "Can't you see?! Sinusubukan kong maghanap ng hotel dito para mas maganda naman yung lugar diba?!" sigaw nya pabalik.

"Isa po iting liblib na lugar at kahit isang sobrang taas na building ay wala akong matanaw! Saan ka makakakita ng hotel dito ha!?" sigaw ko pa sa kanya kaya inis nyang hinagod ang buhok nya.

"Wag mong ibalik gaga! Baha na sa nadaanan natin, i-diretso mo na lang!"

"Argh! Damnit honey! Don't call me gaga!"

"Stop calling me honey nakakadiri! Argh!"

"Fuck!/Bwiset!" sabay na sigaw namin at nagkatinginan pa talaga kami sabay iwas ng tingin at sabay pa talaga kaming napabuga ng hangin.

"At last." Sabi ko pagkapark nya ng sasakyan. "At least may isang sasakyan pa ang kasya diba." Sabi pa nya sabay irap sakin at nauna ng maglakad habang bitbit ang backpack nya.

Like duh, kasalanan nya kaya. "Two rooms please." Sabi nya sa babaeng nasa lobby. "Nako ma'am, isang kwarto na lang po. Ang dami na po kasing turista ang nauna dahil sa biglang buhos ng ulan."

"What?" di makapaniwalang sabi ko at sinamaan ko sya ng tingin pero umirap lang sya. "Sige, pero dalawang kama." Sabi pa nya kaya dali daling tinignan nung babae yung mga susi tapos yung mga papel sa harap nya.

"Ayy, isang kama na lang po miss at isang banyo ang available. Tutal pareho naman po kayong sexy baka magkasya naman po kayo." Sabi pa ni ate kaya napaface palm na ako.

"Sige miss lilipat na lang ka – " sabay kumulog bigla ng sobrang lakas. " – we'll take it." Napanganga naman ako sa bilis ng pagbabago ng isip ni Claudia.

"Heto na po ang susi." Bago pa makuha ni Claudia ay kinuha ko na. "Thank you." Sabi ko at nauna ng maglakad naramdaman ko namang sumunod sya at umakyat na ako ng hagdan.

"I can't believe this! Pumayag ka na magshare tayo sa isang kama!?"

"Geez, anong magagawa ko!? Mauubos na din ang gas ko at baka sa sasakyan pa tayo matulog mahirap na!" whim nya na hindi ko na pinansin at dumiretso sa dulo ng hallway kung nasaan ang kwartong nakasulat sa susi.

Binuksan ko ito at isang kama lang talaga na may lampshade sa gilid tapos isang monoblock lang sa gilid at isang pinto na sa tingin ko ay banyo.

Hinagis ko naman agad ang phone ko sa gilid at binuksan yung drawer sa ilalim ng lampshade. Kinuha ko yung isang pares ng tsinelas at hinagis sa pwesto nya na ikina-irap nya.

Hinubad ko na ang sapatos ko tapos nilagay ko na din yung medyas sa loob at inilalim sa kama.

"Mauuna na akong maligo. Ikaw na bahala kung anong pantulog gusto mong isuot. Yung nakabox ay undies na hindi pa nagagamit." Sabi nya kasunod nito ay ang pagsara na ng pintuan.

Pinuntahan ko naman yung backpack nya at naghanap ng pwedeng masuot. Napatingin ako sa labas ng bintana at mukha namang malamig so I choose the sando at isang undies lang dahil matutulog lang naman at pareho naman kaming babae.

Pag labas nya ay agad akong napasimangot. "Really?" di makapaniwalang sabi ko. "What?" inis na sabi naman nya habang nagpapatuyo ng buhok. "Magsuot ka naman kahit sando diba?"

"Ayoko nga duh. Ganito ako matulog at dito ako sanay. Kung gusto mo sa monoblock ka matulog." Bitch na pagkakasabi nya kaya dumiretso na ako sa banyo. Bwiset talaga yun!

"Di ka magpapalit ng shorts?" tanong nya na ikinailing ko. "Hindi na, baka wala na akong mahiram sayo bukas." Sagot ko na lang at tinatapos ng patuyuin ang buhok ko habang naka-upo dito sa kama ng nakatalikod.

Biglang kumulog ng malakas at gumuhit ang kidlat sa kalangitan na kitang kita dito sa bintana. Namatay pa nga saglit yung kuryente eh. "Sam, I think we should sleep." Sabi na lang nya pero di ko na sya tinignan.

"K. Night." Sabi ko na lang at sinabit ang towel at humiga na patalikod sa kanya. Naramdaman ko namang tumabi na sya at share kami ng kumot.

Napadilat ako ng maramdaman ko yung likod nya. "Ano ba Claudia wag mo kaya akong siksikin! Dumidikit pa yang likod mo sa likod ko eh!" sigaw ko sa kanya na agad nyang ikina-ungol.

"Ugh! Nilalamig kaya ako at saka masikip!" sigaw nya na ikinaikot ko ng mata. "Edi magsuot ka ng pantaas. Gaga ka talaga."

"I hate you Sam! Shut up!" hindi na ako sumagot. Aba bahala sya sa buhay nya basta ako matutulog na!

At kahit na alam kong naalimpungatan ako dahil sa lintek na sumisiksik na yun ay wala na akong pakialam dahil mas hatak ako ng tulog ko. Alangan namang bigyan ko pa ng pansin?

///

"Mmm." Ungol ko at sumiksik pa sa yakap kong unan. Ang bango, sobrang tamis amoy strawberry.

Sumiksik pa ako lalo at yumakap sa unan ko, shocks! Ang lambot naman ng sinisiksikan ko! Pero teka, strawberry? Wait, melon ang pabango ko so.. paanong..

Wait, sino ngang kasama ko!?

Nagising agad ang diwa ko ng marealize kong kasama ko nga pala ang bitch – este bestfriend ng fiance ko!

Nawala lahat ng antok ko at binuksan ko ng mabilisan ang mata ko. At ang tumambad sakin!? Boobs ni Claudia! Yuuuck!

"Bwiset! Ugh!" sigaw ko ng mahulog ako sa kama dahil sa biglang pag atras ko. Bumalot pa sakin yung kumot at agad kong ipinunas yung kumot sa mukha ko.

Damnit kadiri! I can't imagine na sisiksik ako sa boobs ng kapwa ko babae, what the heck!

"Ang aga aga Sam nambubulabog ka ano ba." Inaantok na sabi nya kaya tumayo na ako na hawak ang kumot. Sakto namang tumihaya sya at talagang may sumilip pa don na kulay pink na hindi ko alam kung dapat ba akong maawa sa kanya dahil nasisilipan na sya o mabwiset sa kanya dahil nakakadiri sya.

Hinagis ko agad ang kumot ng malakas sa katawan nya na ikinaungol nya dahil sa sakit. "Fuck, ano bang problema mo?!" sigaw nya na ikinairap ko lang. "Pahiram ng damit mauuna na akong maligo."

Hindi ko na sya inintindi kahit na dumaldal pa sya ng dumaldal at pabagsak ko na lang na sinara ang pintuan ng banyo at nag-asikaso na.

"Ito na ba yun?" tanong ko sa kanya at bumaba na ng sasakyan. "Yeah, ito na yung unang simbahan." Sabi nya paglabas at agad ko namang pinagmasdan ang simbahan.

Maganda sya at modern ang style. Ang imagination ko ay yung simbahan pa sa panahon ni Rizal na never ng napinturahan kaya mismong lumot at halaman na ang nagsisilbing pintura dahil sa kalumaan pero hindi eh.

Mukha syang mini-Quiapo.

"Maganda." Comment ko sabay lingon sa kanya kaya nagsalubong ang mata namin kasi nakatingin din naman sya sakin eh. "Kaso, parang hindi ko feel?" patanong na sabi ko.

Nakakaloko ka Sam, pano ko nga naman ba mafefeel eh hindi ko namang gustong ikasal in the first place diba? Nangyayari lang 'tong mga ganitong bagay dahil sa kagustuhan ng both father namin pati na din ni Peter.

Ni hindi manlang nga nila tinanong kung anong desisyon ko. Basta ang sabi magpapakasal na kami and I supposed to say yes to Peter at that night.

15 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon