Day 4

1K 40 2
                                    


Sam's POV

Hindi ako nagsalita o ano pa man habang umiiyak sya. Huminga lang ako ng malalim at tumingin sa ibang direksyon. Naaawa ako sa kanya sa totoo lang.

Umiwas ako ng tingin kasi ayokong makita nyang naaawa ako sa kanya. Sino ba namang may gusto na tignan lang para maawa diba?

"Alam mo – " napahinto ako sa pagsasalita ng maramdaman ko ang mga braso nya sa bewang ko at yumakap sakin sabay subsob ng mukha nya sa balikat ko.

Nagulat ako dahil hindi ko ineexpect na gagawin nya ito, na sya mismo ang unang yayakap sakin. Ang akala ko nga ako ang yayakap sa kanya eh.

Niyakap ko na lang din sya at hinayaan na umiyak sa balikat ko. I'm not that bad naman sa kanya para itulak sya at hayaang umiyak ng mag-isa diba?

Hindi ko alam ang pinagdadaanan nya ngayon kasi hindi pa ako nakaka-experience ng heartache or heartbreak. Nagkaboyfriends na ako bago pa si Peter, siguro mga lima din ang ex ko pero kasi..

Ako yung tipo na nagsasawa sa relationship at habang tumatagal ay friends na laging kasama na lang ang turing ko sa lalaking karelationship ko.

Kaya kapag nababagalan ako ay ako na ang nakikipagbreak o di kaya sila na so wala na akong maramdaman kundi parang nawalan na lang ng kaibigan.

Then Peter came, kaya nyang sabayan lahat ng kabaliwan ko. Namumura ko sya minsan pero itinatawa nya lang iyon tapos susuyuin ako. He's super sweet.

Nung second anniversary namin akala ko sya na yung lalaking gusto kong makasama pero hindi pa din kasi every time na iisipin ko yung future, hindi sya yung nakikita ko. Hindi makapa ng puso ko na sya na nga mismo talaga.

Sa totoo lang ay plano ko ng makipagbreak kay Peter sa mismong fifth anniversary namin kahit na nag-eenjoy pa akong kasama sya. Pero hindi ko na magagawa yun dahil.. naka-oo na ako sa kanya at magpapakasal na kami.

Hindi ko alam kung bakit ganito ako magmahal. Sometimes.. I wish katulad ako ng mga babaeng sobrang magmahal para minsan sa buhay ko maranasan ko namang mabroken dahil sa pagmamahal ng sobra sa isang tao.

Umagang umaga ay umalis agad kami sa islang iyon at ako na mismo ang nag-aya dahil parang may takas sa mental akong kasama. Nakatulala ba naman kasi sa spot na pinaghintuan namin kagabi kaya ayun nag-aya na akong umalis.

"Snap out of it." Inis na sabi ko ng ibagsak ko ang trunk ng sasakyan nya. Tinignan nya ako ng masama sabay irap. "Tha's better." Sabi ko sabay kindat sa kanya na ikinanganga nya kaya habang nakanganga pa sya ay sumakay na ako sa sasakyan nya.

Nagdrive na lang sya at limang oras pa daw sa susunod na isla at nasa isang oras din ang byahe sa dagat dahil may kalayuan ang isla.

"I prefer the bitch one." Biglang sabi ko na ikinalingon nya sakin saglit. "Siguro nga hindi tayo close pero kahit ganon ay mas gusto kong nagsusungitan tayo kesa ganon tayo katahimik. It's not comfortable." Sabi ko pa habang nakatingin sa labas.

"Me too." Sagot nya na ikinalingon ko sa kanya. "Akala ko kasi si Brian na yung makakatuluyan ko. Nag propose pa nga sya sakin ng kasal nung nandon kami sa isla kaso after a week. Same spot, bigla nyang binawi yung singsing at nagmamadali na syang umalis." Huminga sya ng malalim at binagalan ng kaunti yung takbo ng sasakyan.

"Naki-usap ako na wag muna syang umalis at gagawin ko ang makakaya ko para matulungan sya sa problema nya. Kaso wala eh, binawi na nga nya yung singsing at nung sumakay pa sya ng bangka ay nakipagbreak pa sya sakin at dahil sa sobrang sakit ay binitawan ko na ang kamay nya at hinayaan syang makaalis."

"Ang sakit lang kasi na yung two weeks na sobrang sya ay nawala sa loob lang ng isang oras. Kaya siguro ayaw nyang sabihin ko kila mom na nagpropose na sya dahil siguro naging padalos dalos lang sya. Sakit lang kasi eh." Sabi pa nya tapos nagpunas pa ng luha.

"A beautiful girl like you doesn't deserve someone like him." Mahinang pagkakasabi ko na sakto lang para marinig nya. Kitang kita ko kung gaano kagulat ang reaksyon nya kahit hindi ko sya lingunin.

The heck?

Natitigan nya pa ako kaya ng marealize ko yung nasabi ko ay tumingin agad ako sa labas ng bintana. "Inaantok ako." Biglang sabi ko at sumandal sa upuan tapos pumikit.

"Okay, sleepwell." Rinig kong sabi nya pero hindi na ako nagsalita pa. Maganda naman talaga sya eh, pero weird talagang pakinggan na ang isang hindi mo kaclose ay sinabihan ka ng ganon out of nowhere pa diba?

"We're here." Rinig kong sabi nya kaya dahan-dahan akong dumilat at inalis agad ang seatbelt ko. Sinilip ko ang labas at wala akong makitang bangka. "Ah, Claudia bakit – " naputol ang sasabihin ko ng paglingon ko sa kanya ay sobrang lapit namin.

Napahinto naman sya bigla ng mag-angat sya ng tingin at halos maduling ang cute nyang mga mata dahil sa lapit ng mukha namin. Ramdam ko din ang mainit na hininga nya sa bibig ko kaya ng marealize kong sobrang lapit namin ay agad akong dumistansya.

At kaya naman pala dahil nagtatanggal sya ng seatbelt. Lumingon ako sa labas at saka tinuloy yung pagtatanong ko. "Bakit – bakit.."

Damnit mouth! "Bakit walang bangka sa labas?" kandabuhol na sabi ko. "Ba – baka kasi nagpapahinga yung bangka – este yung mga tao. T – tara labas." Bulol bulol na sabi nya at naramdaman ko na lang na sumara na yung pinto kaya lumabas na din ako.

Tahimik lang kami sa labas kahit na nung bumili kami ng buko juice tapos kahit umiinom kami ay magkatalikuran din kami. "Sasakay ba kayo mga binibini?" tanong ng kuya na kadarating lang.

"Opo." Sabay naming sagot na ikinangiti nung kuya. Weird.

Kagaya kahapon ay naiwan ulit ang sasakyan ni Claudia sa kabilang dulo at nilakbay namin ang dagat. Mainit yung hangin pero okay lang dahil minsan lang naman mainitan diba?

"Hey." Rinig kong tawag nya kaya lumingon ako at nakarinig na lang ako ng shutter ng camera. Napasimangot naman ako ng makita kong napatakip sya ng bibig. "Oops, nakalimutan kong i-silent."

"Pagkukuhaan mo ko magpaabiso ka diba?"

"Wow ha. So game na game din? Maganda ka?" pambabara nya na ikinaikot ko ng mata. "Picture mo magsasabi kung maganda nga ba ako." Pagmamayabang na sabi ko at nagposing pa.

Umikot ang mga mata nya at kinuhaan ulit ako ng picture. Tinignan nya yun tapos tumingin sakin pero nagkibit balikat ako. "Buti hindi nagka-ipo ipo sa lakas ng hangin mo noh?" pambabara nya ulit na ikinaikot ko ng mata.

"Whatever Claudia, ang sabihin mo, maganda talaga ako." Pang-aasar ko pa lalo ng makita ko syang mapangiwi na. "Okay." Flat na pagkakasabi nya kaya tumingin na ulit ako sa dagat habang tumatawa.

"Okay, maganda ka nga."

15 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon