Day 8

921 31 0
                                    


Sam's POV

Nagsuot lang ako ng simple at dahil hindi pa nakuha ni dad ang car keys sa driver namin ay agad ko itong kinuha para solo akong magdrive papunta sa mall.

Tinignan ko ang phone ng magvibrate ito ng paulit ulit. Si Peter nanaman, hindi nya ba maramdaman? Isang taon ko na syang ginaganito, yung hindi ko sinasagot yung call nya or texts pag nasa malayo sya lalo na kapag tungkol sa business.

Nakakasawa na din kasing makipag-agawan ng oras lalo na kung yung kaagaw mo ay hindi naman tao, kundi yung passion mismo ng taong yun.

Yep mahal ko si Peter pero habang nagtatagal nagsasawa na din akong makita at maramdaman na mas mahalaga ang passion nya kaysa sakin. Tapos makakasal kami? Para ano? Magaya ako kay mom na house wife at nakatanga lang sa bahay na maghihintay sa asawa kung kailan uuwi?

I don't like that kind of life. At least manlang nagmamahalan diba? Hindi yung.. ugh, paulit ulit na. Ayoko na lang magsalita.

Pagbaba ko ng sasakyan ay agad akong pumasok ng mall at tumingin tingin sa mga boutique. Hindi ko kasi feel na pumasok kahit na may pera ako. Lilibangin ko lang ang sarili ko para naman mawala ang stress ko.

"Sam?" rinig kong tawag na nagmumula sa likuran ko kaya agad akong napalingon. "Oh my gosh, it's you! Lalo kang gumanda Larson." Nakangiti nya pang sabi pero ng marealize ko..

"Liezel? Yung captain ng women basketball team?" patanong na sabi ko pa na ikinatango nya. "Tumpak! Di mo ako nakilala noh? From gwapo to maganda?" tanong nya pa na ikinatawa ko.

Well, isa sya sa naging manliligaw ko nung college. Open minded naman ako kaya hinayaan ko syang manligaw kaso nung nagstart na sya sa pagiging magastos ay pinatigil ko na sya at sinabing hindi ko talaga sya magustuhan kaya huminto na din sya. Mabait naman sya eh.

"Dapat matagal ka ng nagpahaba ng buhok eh." Nakangiting sabi ko sa kanya na ikinatawa nya. "Siguro? May kasama ka? Date tayo?" mapagbirong sabi nya.

"Wala. Tara date." Pagsakay ko sa biro nya na lalong ikinangiti nya.

Nandito kami sa labas ng coffee shop naka-upo habang tinatanaw ang mga nagdaraang mga sasakyan. "Kamusta? Parang napakaprofessional mo sa outfit mo ah?" nakasuit kasi sya pero hindi yung panlalaki ah.

"Ito, CEO na ng kumpanya ng napangasawa ko." Kwento nya na nagpatigil sakin sa paghigop sana ng kape. "Asawa?" shock na sabi ko.

Tumango tango naman sya tapos naglaglag pa sya ng sugar cube sa coffee nya. "Nung una hindi ko matanggap kasi nga diba, babae ang gusto ko at hindi lalaki." Naiiling na sabi nya.

"You mean, arranged marriage?" hula ko na ikinatango nya. "Yep, bankrupt na kami eh tapos may sakit pa sa puso si mama. Hindi din naman tanggap nung lalaki sa kabilang side, pano.. si Jeff Santos yun. Yung captain naman ng men basketball." Tapos tumawa pa sya.

Napahawak naman ako sa bibig ko na halatang gulat na gulat. "For real!?" di makapaniwalang sabi ko. "Oo nga! Ang galing ni tadhana noh? Lakas ng topak sa lovelife ko porket panay basted sakin ang mga babae." Tapos napangiwi pa sya pero agad nyang itinuloy yung kwento nya.

"So yun, alam nyang tomboy ako pero pumayag din sya sa huli kasi aalisan sya ng luho. So after magmerge ng company at wala pala syang kwenta, edi ako ang nagmanage." Kwento nya na may mayabang na tono kaya natawa ako.

"Edi pano ang set-up nyo nyan?"

"Artista syempre! Sa harap ng parents sweet tapos pagtalikod ayon, sabay kaming nambababae hahaha!" natawa naman daw ako don. "So.. you mean, magkasundo kayo?"

"Yep, parang bro ganon. Pero sinabi ko sa kanya na kapag nafall sya sakin kawawa sya kasi hindi kami talo." Dagdag nya pa kaya sabay kaming napatawa.

"Sam?" napalingon ako sa babaeng nakatayo sa gilid namin. "Claudia?" paninigurado ko dahil nakashades sya kaya ng inalis nya ang shades nya ay nakumpirma kong sya nga ito.

Napatingin naman ako kay Liezel na nagform ng "o" yung bibig nya. Diba nga bitch itong si Claudia at yun ang dahilan kung bakit napakafamous nya noon sa school namin.

"Sino 'tong kasama mo?" bitch na pagkakatanong nya tapos tinuro pa si Liezel. "Uh – ano, Claudia..." Kandabuhol na sagot pano ba naman, namumutla na itong si Liezel!

"Alis na ako, bye." Nagmamadaling sabi ni Liezel tapos nginitian nya na lang ako at lumakad na paalis. "What was that for? She's my friend." Naiinis na sabi ko.

Tinaasan naman nya ako ng kilay. "How 'bout me? Don't you see me as a friend?" napanganga naman ako sa tanong nya. "W – well, friend also." Tapos ngumiti pa ako – ng kinakabahan syempr! Kaya hindi ko sure kung ngiwi na ba ang dating non.

"If you need company, just tell me. Sakin ka kasi binilin ni Peter." Pagkarinig ko palang sa pangalan non ay napabuga na ako ng hangin kaya para hindi mabadtrip lalo ay iba na lang ang sinabi ko. "Pano ko sasabihin eh wala naman akong number mo?"

Nakita kong napalipbite sya na ikinatingin ko sa ibang direksyon. Bakit may paglipbite pa? "Follow me." Sabi na lang nya bigla kaya agad akong sumunod. O – kay?

"Tinext na kita, malamang ay nareceive na ng phone mo ang message ko." Sabi nya sabay tago sa phone nya. "May gusto kang puntahan?" tanong nya pa na agad kong ikina-isip.

"Wala akong maisip na puntahan eh."

"Sige maglibot libot na lang tayo dito sa mall." Sabi na lang nya kaya agad akong sumunod. May tinitignan syang damit tapos tatanungin nya kung anong masasabi ko then palitan lang.

"How 'bout – " natigilan sya sa pagsasalita ng may malakas na nag-uusap sa bandang likuran nya. Samantalang ako naman yung nakaharap sa mga nag-uusap na yun.

"Here, baby try this."

"Aww, so sweet baby Brian. Wait mo ko dito ha?"

"Sure, tapos diretso tayo ng condo." Malanding sabi nung lalaki tapos tumawa naman ng maharot yung babae. Panget ba yung pagkakadescribe ko? Eh sa ganon yung dating sakin eh.

Napatingin naman ako kay Claudia na parang nabato sya sa kinatatayuan nya. "Claudia?" tawag ko sa kanya tapos napakurap kurap sya.

Nakita ko namang napalingon yung lalaki samin tapos humarap din si Claudia sa lalaking yun. "B – baby." Utal na pagkakasabi nung lalaki kaya napanganga ako ng kaunti bigla . Oh no.. sya kaya yung ex ni Claudia?

"Wala ka na bang maisip na ibang tawagan? Baby pa din talaga?" ramdam ko yung galit ni Claudia tapos nakakuyom pa yung kamao nya.

Ngumiti naman yung lalaki. "How.. how are you?" tanong pa nung lalaki kaya nagulat na lang ako ng mag-echo yung sobrang lakas na sampal ni Claudia.

"How dare you to ask me that!? Tingin mo, kamusta ako pagkatapos ng ginawa mo?! Okay lang ako ganon!?" sigaw ni Claudia kaya napatingin na tuloy yung mga tao sa paligid namin.

Pinagsusuntok nya yung dibdib nung Brian pero ako? Syempre pinanood ko lang sila. Chance nya ng makabawi so, bakit ko pipigilan?

"Claudia, let me explain." Paki-usap nung Brian pero hindi nya pinatigil si Claudia sa pananakit sa kanya. "Fuck. You." Malutong na mura ni Claudia na ikinatawa ko ng hindi sinasadya. Nagulat pa nga ako ng hinawakan ni Claudia ang kamay ko at mabilis kaming umalis sa lugar na yun eh.

Tahimik lang akong nakasunod sa kanya at ng pumasok sya sa sasakyan nya ay aalis na din sana ako kaso... "At san ka pupunta?" tanong pa nya na agad kong ikinahinto. "Sa kotse ko?" alanganing sagot ko.

"Bukas mo na yan balikan. Ako na maghahatid sayo." Aya nya pa at binuksan pa nya yung pinto habang nasa loob sya kaya pumasok na din ako.

Tahimik lang sya nung nasa loob na ako kaya tumingin ako sa kanya tapos tumingin din sya sakin.

"That was.. crazy." Comment ko na ikinatawa namin ng sabay.

15 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon