Claudia's POV
: Honey
Sorry Claudia. Hindi ako makakarating ngayong gabi dyan. Napagod kasi ako dahil nag-aya si Peter gumala. Bukas ako pupunta promise.
Kagabi pa itong text ni Sam kaya umuwi ako sa bahay kagabi at ngayon nga ay nandito ulit ako sa office at nanlulumong tinititigan ang tambak pa rin na mga papel kahit na madami naman akong tinapos kahapon.
At first ay pumayag ako na samahan ang girlfriend ni chinits na si Sam dahil gusto kong takasan yung suicidal thoughts ko patungkol sa break up namin ni Brian pati na din para.. secret mamaya ko sasabihin.
Magkasing pareho sila ng ugali ni Peter pero never akong nakaramdam ng romantic towards him. "Best friends" lang talaga ganon.
Paulit-ulit kong tinatawagan si Sam pero nagriring lang. Maybe tulog pa sya kasi usually ay before lunch talaga ang ang gising nya.
Sumandal ako sa swivel chair ko at tumitig sa kisame. Nung college kami ay famous na talaga ang isang Samantha Larson. Bukod sa pagiging mabait nya, mapagkumbaba, lahat lahat na ay isa pa itong gorgeous.
Gorgeous talaga dahil lagpas pa sa description ng beautiful at pretty ang makikita mo sa kanya. Dyosa ang isang Samantha Larson, inside and out.
Hindi sya masyadong kamukha ng parents nya at nung nagpunta ako sa bahay nila at nakita ko ang family picture nila ay don ko nakita ang kamukha nya. Her grandfather na sa tingin ko ay purong dugo ng isang amerikano.
Blonde kasi ang buhok ni Sam pero para hindi agaw pansin nung college ay paulit ulit nya itong pinakukulayan ng brown na bagay na bagay din ang dating sa kanya.
First year pa lang kami ay sikat na sya. Pila pa nga lang nung general assembly ay pinagkakaguluhan na sya eh. While me? Tahimik lang naman talaga ako kundi ako sinubukang i-bully ng mga kaklase ko.
Ayon, may naging kaibigan akong babae na mas bitch pa sa bitch. Ayaw nya raw ng nakakakita ng binubully, mas gusto nya raw akong makitang mambully. Since then ay hindi nya ako nilubayan hanggang sa ma-adopt ko nga ang ugali nya.
Hindi ako nambubully pero yung sinasabi nga nilang tatanga tanga ay madalas kong patulan. May sarili din akong circle of friends at nagkaroon ng maraming boyfriend. Hindi ako tumatanggap ng babaeng suitor kasi nga straight ako noon.
Then there's Samantha Larson. Bihira lang syang magboyfriend tapos nagtatagal lang sila ng ilang months then after that ay matagal bago ulit masundan. Hinahayaan nya din mangligaw ang kahit na sino sa kanya.
Even the lesbian team captain ng women basketball. She's too kind. Pero never nagtagpo ang landas namin.
Hindi ko sya nakaksalubong sa hallway, sa cafeteria at hindi din kami naging magkaklase kahit sa isang subject. Sa malayuan ko lang talaga sya nakikita.
Madami syang kaibigan at isa din sya sa summa cum laude ng batch namin. Pero pagkatapos ng graduation ay wala na akong narinig na balita sa kanya.
Then this alumni party happen at nagulat na lang ako ng ilang buwan ay ipinakilala samin ni Peter na girlfriend na daw nya si Samantha Larson.
Nagulat ako sa totoo lang dahil kilala ko si Peter. Kilalang kilala ko ang taong yun. May history si Peter na pagiging play boy at isa pa.. nananakit si Peter ng babae.
I can't tell Sam straight to the point dahil baka maisip nyang sinisiraan ko si Peter. She's way too kind for Peter! Hindi sya pwedeng mahulog kay Peter, I swear!
So since then ay naging mas bitch ako sa kanya. Ginawa ko ang lahat ng mga bagay na ginawa ko noon para sana kung sakaling hindi nya magustuhan ang mga ginawa ko ay makipagbreak sya kay Peter dahil sa bitch na bestfriend nito.
BINABASA MO ANG
15 Days
RomanceWhat could go wrong in 15 days? ------------------------------------------------- This is a GXG story. Alam kong sobrang cliché na ng ganitong plot at twist pero kasi.. wala lang gusto ko lang talagang isulat. Basta nagsabi na akong cliché 'to ah. I...