Day 15

1K 31 0
                                    


Sam's POV

Maaga akong nagising dahil sa hindi malamang dahilan. Maybe dahil excited ako? Excited na itatanan ni Claudia? I don't know.

Basta nagising na lang ako pero hindi ko alam kung bakit hindi maganda ang kutob ko sa araw na ito. Tumayo na ako at tumingin sa malaking salamin na nandito sa kwarto ko.

Kitang kita ko ang sarili ko at isang tinginan pa lang ay mahahalata mo ng hindi ako masaya. Nag-open ako ng facebook kanina at nakita kong ang daming bumabati sakin ng best wishes. Tinag kasi ako ni Peter sa post, tapos yung picture namin na yun ay yung nagpropose sya.

Damn, buti nakangiti pa ako ng maayos.

Bumaba ako at agad na niyakap ang kapatid ko sa likod na busy sa pagsusulat. "Kamusta ang lil bro?" tanong ko tapos humarap sya sakin.

"I'm still sad big sis." Tapos lumungkot pa yung expression nya. "Bakit naman sad?" tanong ko sabay ayos ng buhok nya. "Two reasons." Natawa naman ako sa sagot nya. Yan din yung nasa isip ko kahapon ah?

"First, I still feel guilty for my incapability to protect you. Second, because you're going to marry that guy and I know that you are not happy." Malungkot nyang sabi kaya niyakap ko sya.

Hinalikan ko ang ulo nya tapos pinisil ang pisngi nya na ikinasama nya ng tingin. Buti talaga kamukha 'to mom na may pagka-Brazilian ang dating samantalang ako si lolo.

"Don't worry. Pag lumaki ka na mapoprotektahan mo na ako. At isa pa, I can handle the situation. I promise." Sabi ko pa sa kanya na ikinangiti nya.

Ginulo ko ang buhok nya tapos tumayo na ako at nagpunta sa garden.

Nakita kong nagdidilig ng halaman si mom kaya niyakap ko sya sa likod. "Oh, Sam. Ang lambing ata ng dalaga ko?" natawa naman adaw ako don. Sabagay bihira na ako maglambing.

Kumalas ako at umupo na sa upuan. "Hapon daw ang kasal mo. 4pm daw para diretso na sa dinner." Tumango na lang ako sa sinabi ni mom.

"Kaya mo yan, Sam." Huling sabi ni mom bago ako iwan dito sa garden. Huminga ako ng malaim at tinignan ko ang phone ko.

Wala pa ding paramdam si Claudia. Ano na kayang nangyari don? Sinubukan ko syang tawagan pero naka-off naman ang phone at hindi nagri-ring.

Ayokong ikasal kay Peter.

Napatingin ako sa pasa ko na hanggang ngayon ay sobrang visible pa din. Panigurado kapag sinuot ko ang wedding gown ko bukas ay kitang kita ito at paniguradng marami ang magtatanong.

Speaking of Peter, kahapon ay hindi sya nagparamdam matapos ang lahat. Hindi ko alam kung narealize nya ba yung mali nya o kung ano.

Pero panigurado.. bukas na yun magpapakita para hindi ako makalusot.

Nagring ang phone ko na agad kong tinignan pero hindi naman ako natuwa. It's Alice, one of my best friends.

"Girl." Bungad ko sa kanya. "I hate lies come over." Napapout naman ako dahil sa paunang bati nya sakin. "How 'bout saying hi to me at least?" hirit ko pa pero nakarinig ako ng sunod sunod na busina sa labas ng bahay.

"Sakay na, hindi pinaghihintay ang mga dyosa." Tapos sunod sunod na tawanan naman ang narinig ko sa kabilang linya. Napangiti naman ako.

Kasama din nya sila Miya at Tine. "Coming." Sabi ko na lang at binaba na ang tawag. Agad akong umakyat sa kwarto ko at nagpalit lang ng simpleng pang-alis.

Nagpaalam ako kila mom pati na din sa kapatid ko.

It's been three years nung huli ko silang makita. Pero syempre updated naman ako sa kanila. Si Alice ay CEO na ngayon sa sariling company samantalang si Miya at Tine ay may tig sariling clothing line at nagcollab pa sila sa isang business which is.. isang bar dati na may mga branches na ngayon.

15 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon