PROLOGUE

45 3 0
                                    

Runaway. That's the only thing I see as a solution. I must runaway from it.

Nagmamadali akong tumakbo papuntang bayan. Obviously, I don't know which way to go, and where will I stay for the night. Pero saka ko na iyon poproblemahin. I need to get away from my guards.

Kung naisip ko sana agad na maingay ang gate sa  garahe. Nakagawa tuloy ako ng ingay. Yeah, ang tanga lang diba?

My parents really saw this coming. Pero sabi nga diba, kung gusto, may paraan.

And I wanted to runaway, so I make way.

I looked back and saw four guards running towards my direction. Pity them, they are so slow. Napatawa pa ako nang mapatid ang isa sa kanila. Ako lang 'to? Eh di mas mabilis pa pala ako tumakbo?

But I stopped laughing when I bumped into something. Napasalampak tuloy ako sa lupa. Great!

"Oy!"

Agad akong napatingin sa nagsalita. Uhm. It's not something. It's someone actually. To be specific, he is someone I know!

"Sebastian!" I hissed.

As much as I am happy to see him, this is not the right time for that. But...he can help me, right?

"Diana?" his forehead creased.

Yeah, I know, it's so very unusual to see a goddess in the middle of the night and in this kind of place. Oh God, Diana. Stop making jokes just to calm your nerves!

"Anong ginagawa mo dito?" he asked.

Pero sa halip na sagutin ko ang tanong niya, hinila ko siya patayo.

Medyo nakakainis siya ah. Napaka ungentleman niya, dapat tinulungan niya akong tumayo and asked if I was okay instead of asking if what was I doing here. But what am I even thinking? He will never do such thing for me, I guess.

"Teka, saan mo ko dadalhin?"

Hindi ko siya inimikan. Wala naman akong gagawin sa kanyang masama so kalma lang dapat siya. Kung tutuusin, dapat umiwas na ko sa kanya, pero ano tong ginagawa ko?

Luminga linga ako pero wala akong makitang mapagtataguan. "Sebastian, you should hide me" I turned to him.

And confusion was written on his face.

Wala na akong oras. Baka mahabol na ko ng mga guards. "Come on! You know this place more than I do!" I reasoned out. Hindi ko alam. Nawala na siguro ung pagiging rational ko. Sa lahat ng tao, siya dapat ang iwasan ko.

"Teka nga lang! Bakit kita itatago?"

"Just, just, help me out and I'll explain it later."

Napahawak siya sa kanyang sentido at napailing iling pa. "Diana, ayaw kong madamay sa kung ano man niyang kinasasangkutan mo."

Natigilan ako sa sinabi niya. Right. What am I thinking?

Napalingon ako sa pinanggalingan namin kanina, agad akong kinabahan nang makitang papalapit na sila sa amin.

I have no choice. Bigla ko siya ulit hinila. Alam kong mali ito, but I just need a company. Totoong natatakot ako sa p'wedeng mangyari kapag nahabol nila ako.

"Don't look at the back, they will see your face," I warned him. Ramdam ko namang sinunod niya ang sinabi ko.

"Ano ba kasing nangyayari?"

Hindi ako sumagot, tumakbo lang ako nang tumakbo habang hila hila siya. Tsk. Nagpapahila naman siya.

"Napakabagal mo kung may tinatakasan ka man," sambit niya. I rolled my eyes. Nagawa niya pa talagang mang asar sa ganitong sitwasyon?

Nagulat ako nang siya na ang humila sa akin at ipinasok ako sa isang eskinita. O-kay?

"What is this place?" I asked.

"Tsk. Nagpapatago ka diba? Eto na nga, ginagawa ko na. So, wag ka nang puro tanong."

Ahm. He has a point. But I notice...Gusto kong matawa. He really did it.

Paliko-liko kami at wala na kong matandaan sa mga dinadaanan namin. And before I knew it, nasa isang lugar na kami, more like kakahuyan.

Wait? What? How?

"Oh, oks na ba? Sigurado akong di ka na masusundan nang kung sino man ang humahabol sa iyo."

"Wait, where am I?" I asked as I wandered my eyes.

"Nasa gubat," tipid niyang sagot.

"Why did you bring me in the forest?!" I hysterically asked.

Matino pa ba pag-iisip niya? Did he actually wants me to hide myself in here? Sobra na akong kinakabahan, hindi ko rin kasi alam kung anong sunod kong gagawin.

"Nagpapatago ka, tapos magrereklamo ka. Ano ba talaga?"

I looked at him as I heard him speak in monotone. Bahagya akong napangiti. This is how he treat me usually. He's actually doing what I have asked before.

I heave a sigh. "I am complaining because it's not what I anticipated." Which is totoo naman talaga.

"Kung gusto mong bumalik–"

"No!" putol ko sa kanya. There's no way I'm going back.

I badly need help right now. Kahit hesitant akong hingan siya ng tulong...part of me tells that I could trust him and he will help me. Plus, he's the only person I know na hindi pagsasamantalahan ang pagiging ignorante ko.

This might sound crazy and embarrassing on my part but, this is the only way for me to survive the night.

"Ahm. Can I ask for a favor?" I asked.

Nakita kong natigilan siya pero agad din siyang bumuntong hininga. "Diana, pasensya ka na per-"

Hindi ko na siya pinatapos pa, dahil alam ko namang tatanggi siya pero kailangan niyang pumayag sa pabor ko. Yeah, kailangan niya talagang pumayag.

"Please, let me stay in your house for the night."

Nanlaki ang mata niya, it looks like he didn't really expect that from me. Kahit ako, hindi ko rin naman iniexpect na sa kanya ko hihingin ang ganoong pabor.

"Seryoso ka ba?"

"Yes," I nodded.

With that, his jaw drops.

The Moment I Knew | On-GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon