CHAPTER 4

24 2 1
                                    

"Hey! What are you doing?" masigla kong tanong sa kanya.

Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa pagsusulat. Tsk. I should not ask because obviously, he is writing.

Umupo ako sa damuhan katabi niya. Sinasadya ko talagang pumunta sa sanctuary niya para magpapansin. But yeah, unfortunately, I always failed.

Kahit nga sa klase ni hindi ako nito pinapansin. And it is really annoying lalo na one time naging kagrupo ko siya tapos dedma niya lang ang beauty ko.

I watched him as he continuously writes. Sumilip ako at parang kanta ata yung ginagawa niya.

"Is that a song?" I query.

No response.

Aish. May kausap ba akong kabute?

Fine! I get it. This place has no talking policy.

Naglabas ako ng libro at nagbasa na lang. Medyo naiinis pa rin ako. Di man lang niya kasi ako kausapin. Ano ba naman yung simpleng 'yes' or 'no' na sagot, diba?

Hindi muna ako magsasalita. Bahala ka diyan, Sebastian. Mami-miss mo rin akong magsalita.

It's our vacant this time kaya pumunta ako dito dahil nagpapahupa lang ako ng kaba sa sasabihin sa akin nila mama at papa mamayang pag-uwi ko. Hays.

Tapos di naman ako pinapansin nito edi lalo ko lang din naaalala yung sinabi ni mama. Naiistress tuloy ako.

We have two hours before lunch time. Balak ko sana siyang ayain na sabay na lang kami maglunch mamaya pero mukhang tatanggihan niya lang din yun.

Ah, nope. Hindi siya tumatanggi, rather, hindi siya umiimik kapag niyayaya ko siya kaya ang ending, kakain ako mag-isa.

Hindi niya ba alam na nakakalungkot kumain mag-isa? Walang ibang sumasabay sa akin dahil tinataboy ko sila.

Yes. That's right. Tinataboy ko sila. Those are guys na walang ibang ginawa kundi landiin ako. Duh? Faithful ako kay Sebastian kaya wala silang magagawa.

While sa mga girls naman, ayaw ko silang kasama dahil puro pangchichismis lang ginagawa nila.

And of course, I know all those backstabbing thing-y.

Ako na lang ang lumalayo. I really don't get them. Bakit pa sila makikipagkaibigan sa akin kung in the first place, they hate me?

Mga bruha diba? Karamihan sa school na ito ay mga spoiled brat at mayayabang.

And oh, mga bullies.

Ako, maarte lang ako pero hindi ako bully no. Aminado naman ako sa kaartehang nananalaytay sa dugo ko.

Iilan lang ang mga katulad ni Sebastian. Gwapo, matalino, masipag mag-aral, masipag magtrabaho, may prinsipyo, disiplinado, may paninindigan, and I believe mahaba pa ang listahan ko sa mga katangian niya.

Scholar iyan kaya super duper proud ako sa kanya. Ang galing pa niya kumanta! Lahat na nasa kanya, ako na lang kulang sa buhay niya.

"Enjoying the view?"

Napakurap ako nang marinig ko siyang magsalita. Ano raw? Enjoying the view?

Saka ko lang narealize na nakatitig pala ako sa kanya. Aish. Galit galitan nga diba ako kasi di niya ako pinansin, eh bakit ko siya tinititigan? Sira na ang plano kong ma-miss niya ako.

Mission failed. Tsk.

"Of course!" I said. Nahuli na ko eh, magdedeny pa ba ako?

I saw him shook his head and continuously do what he was doing. I sighed. Is that a progress? He asked me, right?

The Moment I Knew | On-GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon