CHAPTER 11

27 1 1
                                    

I heard a hissing sound when I got out of my room and was about to go downstairs. It was all from my parents' room at the end of the hallway across the staircase.

Nag-aaway ba sila Mama at Papa?

I know I should not eavesdrop but I am really curious. Ayaw kong isang araw malaman na lang na may problema pala sa relasyon nila.

Ipinihit ko bahagya ang doorknob at binuksan ng kaunti ang pinto para mas marinig ko nang maayos ang kanilang usapan.

"What now, George? What now?" rinig kong wika ni Mama.

"I'm trying to save it, Lucia! Huwag mo akong sisihin na para bang ako ang may kasalanan ng lahat!" Papa hissed.

"Bakit hindi ba? Akala ko ba matalino ka, George? Nasaan na iyang talino mo?"

"Don't start with me, Lucia."

"At ako pa ngayon? Eh sino ba itong tatanga tangang nag-invest ng pera ng kompanya, tapos ano? Wala rin naman tayong napala. Nasaan na ang pera natin? Ayun! Wala na! And now, we are losing almost all of our stockholders. The company is at risk, George! Tapos sasabihin mo sa akin, 'dont start with me' na p'wedeng mawala sa atin ang kompanya!"

"Stop it, Lucia. As I said, gagawan ko ng paraan. I'm trying to save it, okay. Di nakakatulong iyang paninisi mo!"

Agad kong isinara ang pinto at patakbong bumaba ng hagdan. Are we really at the verge of losing the company?

Hearing my parents' seems hitted argument makes my heart breaks. Ngayon ko lang talaga sila narinig mag-away. Or maybe, nag-aaway na sila before but making sure na hindi ko iyon malalaman.

I sighed. I always end up being sad before the day ends. "Kuya, pahatid na po sa school," wika ko sa driver. I turned to Yaya Teresita, "Yaya, ikaw na lang magsabi kanila Mama at Papa na umalis na ako."

Hindi ko na siya hinintay pang sumagot, agad na akong sumakay sa sasakyan.

"You're late, Miss Aldan," bungad niya sa akin nang makarating ako. Umupo ako sa damuhan katapat niya bago magsabi ng sorry.

Agad kong nilabas ang printed copies ng part ko sa book review at iniabot sa kanya. "Here's my part. Just tell me if that's not fine, I'll revise it as soon as possible."

Tumango lang siya at binasa ang binigay ko. Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Di ko tuloy maiwasang maisip ang mga narinig ko kaninang umaga.

If that is happening, there's a possibility na maghirap kami. That means, mahihirapan sila na paaralin ako sa College. Maybe I could try some scholarship programs to help them in financing my studies.

But Papa. I know him. Ayaw niyang natatapakan ang ego niya kaya hindi niya hahayaang umabot kami sa puntong naghihirap na. I'm sure may maiisip siyang paraan para masagip ang kompanya.

Napakurap ako ng may nagpitik ng kamay malapit sa mukha ko. I saw Sebastian's face. His forehead creased.

"Kanina pa kita tinatawag. Lumilipad ang isipan mo, Diana."

"Oh, sorry," I only uttered.

Umiling siya pero muli ring nagsalita. "Okay na iyong part mo, may kakaunti lang aayusin pero ako na bahala doon. Ako na magkocompile ng gawa natin."

"Don't you need a laptop? You can borrow mine," I offered. Naisip ko kasi, kailangan niya iyon para mas mapadali ang paggawa at p'wede ko naman ipahiram iyong gamit ko.

"Salamat pero may mahihiraman na ako," wika niya na nagpakunot ng noo ko.

"Who?" I asked. The only name he uttered made my heart flinched. Seems like I am lifting a heavy thing. "Julia."

The Moment I Knew | On-GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon