CHAPTER 15

14 0 0
                                    

"My goodness," bulong ko sa sarili ko.

I was out of clothes to wear! Ugh! It didn't come to my mind that I should do a laundry. Masyado akong nasanay na may naglalaba ng damit ko para sa akin.

So, paano ako maliligo kung wala akong pamalit? Wait. Can I borrow from Sebastian? Ehhh~ nakakahiya!

What will he say to me? He might think masyado akong palaasa. I don't want that. Kaso...kung maglalaba ako ngayon, there's no guarantee that it'll dry immediately.

Another thing...I don't know how!

Gusto kong ipukpok ang ulo ko sa pader, kaso, sayang naman tong precious forehead ko.

"Ang laki ng problema mo ah," wika ng pinakamakisig na nilalang na aking nasilayan. I'm not exaggerating, he really is!

Look at him! Nakasandal siya sa pader malapit sa pinto ng kwarto. Nakahalukipkip, at seryoso akong pinagmamasdan.

Ano na, Diana? Magsalita ka diyan! What if, sabihin ko sa kanya na manghihiram ako ng damit? Jeez! My goodness. Sobrang tapang ko naman para magrequest ng ganoon. Ang lakas na nga ng loob kong humiling ng extension ng pananatili ko rito, tapos pati damit niya pagdidiskitahan ko?

Masyado naman ata akong namimihasa, right?

"Ahm, where can I do the laundry?" I asked, without looking at him. I can feel my face burning.

"Ha? Maglalaba ka?"

Yes, Sebastian! Can you just tell me where can I do that, and not to ask further questions?

Tumango na lang ako. Ayaw kong tumingin sa kanya. Mahirap na, baka malaman niyang wala akong laundry skills. Ugh! Who cares? I will just figure it out when I'm actually doing it already.

"P'wede sa banyo, kaso masikip roon. Kaya sa likod ka nalang maglaba."

This time, I faced him incredulously. What?! Sa labas? In open space?! No way! Paano kung makita niya akong maglaba?

Come on, Diana. Anong sinasabi mong paano kung makita ka nya? He will definitely see you! Lalo na ngayon, day off nya raw!

Not that I'm complaining though. I'm happy that he's with me today, but I don't want to look stupid while doing the laundry!

"Okay!" sabi ko na lang at itinulak siya para masara ko ang pinto sa kwarto. I need to plan this and him looking at me won't help.

I picked up my clothes. Shorts and T-Shirts lang lalabahan ko. In terms of underwear, well...uhm...I will just take care of that discreetly. Ayaw kong maglaba no'n in open space. Nakakahiya!

Binuksan ko ang pinto and peep outside, just making sure that Sebastian wasn't around. Kitchen? Clear! Sala? Clear! Okay, I'll be fine.

Kahit iniisip ko kung saan siya possibly pumunta, ayaw ko munang intindihin ang bagay na iyon. Ang importante, wala siya rito.

Dali dali akong pumunta sa sinabi niyang lugar at halos masubsob ako nang bigla akong napatigil sa paglalakad.

What the fudge?! He's here!

He looked at me with a slight smile on his face. Tama ba 'tong nakikita ko? Nakangiti siya sa akin?

I shook my head. Nope. Huwag kang magpaapekto, Diana. Matagal ka nang in the process of moving on!

"Inihanda ko na yung tubig na gagamitin mo," sabi niya at tinuro ang ilang balde at palanggana sa lapag.

I just nodded. Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya dahil kanina pa siya nakatitig sa akin. My gosh! Marupok ako, please Sebastian.

"T-Thank you, hehehe," wika ko and hesitant pa rin na lumapit. Pakiramdam ko, sasabog yung puso ko. Masama na 'to. I shouldn't ask him to let me stay here in the first place.

Pero kailangan kong maglaba! Goodness, gracious! Dapat umalis na siya rito dahil hindi ako makakapag-focus.

"Kung ako sa'yo, magsisimula na ako," komento niya at humalukipkip.

Fine! Bahala na!

Pumunta na ako sa kinapupwestuhan ng mga palanggan and I swear, I don't know where to start. Lalagyan ko na ba 'to ng sabon agad?

I heard him chuckle reason why I looked at him dumbfounded. Bakit siya tumatawa? Tinatawanan niya ako? Nakakainis ah! Di ba pwedeng first time ko 'to?

"Ako na maglalaba, pumasok ka na sa loob."

My eyes will definitely pop out of its socket, I swear! I never expected he will say that!

Seryoso ba siya? L-Lalabahan niya damit ko?

I cleared my throat. "N-No. It's not your clothes. I should be the one doing this." May patango tango pa ko sa kanya na parang kinukumbinsi ko siyang ako ang maglalaba.

Umiling siya at kita ko ang maliit na ngiti sa mukha niya. Is this really happening?

"Hindi ka nga marunong eh," sabi niya na parang nang-aasar pa ata.

Okay, Diana. Chill. Hindi niya dapat malaman na hindi ka talaga marunong! My God. Hindi na nga ako marunong sa gawaing bahay, di pa ko marunong maglaba.

Paano nalang kung mag-asawa na kami?

Wait! What?! Where does that thought came from? I secretly shook my head.

"No! Marunong ako," I confidently stated. Great, Diana. P'wede mo naman kasi talagang aminin na hindi, eh kaso siya yung maglalaba. No, no, no, no!

"Talaga? Sige nga, anong unang gagawin?" hamon niya sa akin.

That did caught me off guard. Now what, Diana? So much for your confidence, huh?

"Ahm...eh...y-yung...mga damit...lalagyan ng tubig?" Shit! I really wanted to slap myself.

He laughed at me while shaking his head. "Ako na. Okay lang naman sakin."

But it's not okay for me!

"Hindi, ako na!" sabi ko sabay taas pa ng kamay na parang nagpa-promise na malalabahan ko nga ng maayos damit ko kahit hindi ako sure.

"Sige, sample nga ng kusot," he said while preventing himself from laughing. I glared at him. Kung hindi ko lang siya crush, naku naku!

I saw him took my clothes and start puting it into one of the basins that has water in it. Napaawang nalang bibig ko dahil seryoso talaga siya sa paglalaba ng damit ko.

"Halika, turuan kita."

My heart flinched at what he have said. I don't know. Tuturuan niya lang naman ako pero bakit ako kinikilig? I can feel my cheeks burning. Nagba-blush pa nga ata ako right this moment.

MAGLALABA LANG KAYO, ANO BA DIANA?! KALMA KA, OKAY?

I neared myself to him and I saw him smile. I really can't believe it. He is...smiling at me.

I waited for this to happen. I keep dreaming this scenario-I mean his smiles for me, not the laundry thing-y. Let's be clear.

He is explaining on how should I wash my clothes, step by step, but I couldn't comprehend a thing. Nakatingin lang ako sa kanya na para bang kinakabisado ang mukha niya.

Then, something dawned on me. It's just a fantasy. There couldn't be more for us. Tama lang na sinabi niyang huwag na akong umasa pa...because we can't be together.

Darating ang araw na mahahanap din ako ng mga magulang ko. Darating ang araw na aalis din ako rito. Darating ang araw na kakalimutan ko rin ang nararamdaman ko for Sebastian...not because I wanted to...but because it's a must.

This...this moment...is just a short one.

...and I shall accept the reality before I wounded myself deeply.

The Moment I Knew | On-GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon