CHAPTER 3

27 3 0
                                    

"You're house is so small," I said as I wandered my eyes around. It's kinda cute, actually.

Napalingon ako sa kanya at ang sama ng tingin niya sa akin. What was that? May sinabi ba akong di maganda?

Is it about me telling his house is so small? Bakit? Totoo naman ah.

Inilapag ko ang dala kong bag na may lamang kakaunting damit at umupo sa mahabang upuan na gawa sa kahoy.

Sino kaya kasama niya rito? Mag-isa lang ba siya?

Naglakad siya papasok sa isang kwarto at di nagtagal ay lumabas din siya na may bitbit na unan at kumot.

My forehead creased. Para saan naman iyon?

Nagulat ako nang ibato niya iyon sa akin. Aish. Kahit hindi naman masakit ang tama, pero duh, I'm a woman! He should treat me with so his uttermost  respect and gentleness!

I rolled my eyes at him. Tinalikuran niya na lang ako at pumasok muli sa kwarto. So now what?

Dito ba ako matutulog sa sala? Oh God?! Why?

Okay, I know to myself that I don't have the right to complain because he is helping me but heck?! Hindi man lang ba niya ako patutulugin sa kwarto kung saan may kama? Psh. Ungentleman.

Bisita niya ako diba?

Napairap ako sa sarili ko when I realized that, nope, I'm not his visitor. In the first place, ayaw niya rin naman akong nandito. Napilit ko lang siya. As I said earlier, kailangan niyang pumayag.

I started to remove my shoes. It's actually ten o'clock in the evening. I was really exhausted kasi nga diba tumakbo ako kanina. Sobra tuloy akong inaantok.

Hindi na rin ako magpapalit. Well, mabango pa naman ako, and aalis din naman ako agad first thing in the morning. I need to find a place.

Iniayos ko ang unan sa upuang mahaba. It seems like I have no choice but to sleep here even if I'm not used to. Nakakahiya na kay Sebastian kung mag-iinarte pa ako sa kanya.

I lay down on this hard wooden seat. Isinapin ko ang kumot dahil di ko rin naman yun gagamitin dahil sobrang init dito. Wala ba siyang electricfan?

Ugh! My back! I exhaled. "Diana, you can bear it," I said to myself in whisper.

As I closed my eyes, I prayed that I can eventually cope easily with this rapid change in my life. I'm really not use to be alone with little money with me, but I really hope I can do it.

Yeah, of course. This is my choice, anyways.

"Anong ginagawa mo?"

Napamulat ako nang marinig ko ang boses niya. My forehead creased in his query.

"Obviously, I'm going to sleep," I said.

"Wala naman akong sinabing diyan ka matutulog ah," wika niya na mas lalo pang nagpakunot ng noo ko.

Bumangon ako sa pagkakahiga. "What do you mean?"

He frustratingly sighed. "Tsk. Sa kwarto ka matulog. Diyan ako."

Matagal bago magprocess sa akin ang sinabi niya. And when I entirely decipher everything, napatayo ako.

Ang lawak ng ngiti ko dahil doon. Aww, he cares for me. Inaalala niya kapakanan ko. I'm really touch. Sweet ka naman pala, Sebastian eh.

"Tsk. Pumasok ka na sa kwarto, hindi yung ngingiti ngiti ka pa diyan. Mukha kang tanga."

Mas lalo pa tuloy akong napangiti. Para kasing in denial pa siya. Sorry, I can't help it. Kinikilig kasi ako. Oh my gosh!

The Moment I Knew | On-GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon