PS♥ILY 8

2.3K 130 19
                                    

Myeisha's POV

Mabilis na lumipas ang mga araw. Natatawa na naman ako habang naglalakad sa corridor. Paanong hindi ako mapapangiti ee naaalala ko ang mukha ni Baby?! Hehe. Naaadik na yata ako sa kanya.

"Ngumingiting mag-isa! Baliw 'to pupusta ko!"

Hindi ko tiningnan kung sinong dumating. Alam ko namang si Maggy lang 'to. "Shut up, Maggy!"

"Nawala lang ako ng ilang buwan, hindi mo na na-recognize ang boses ko? That hurts, Mye!"

Napanganga ako ng marinig ko ang pinaigsing tawag niya sa pangalan ko. Isang tao lang ang tumatawag sa akin ng ganun! Peo nasa malayo siya eh? Paano siya makakapunta dito?

Lumingon ako.

"Oh my God! Brittany!" irit ko. Paano ba namang hindi ako magugulat, ee hindi ko alam na ngayon ang dating niya! Brittany is one of my friends since grade school. Nawala lang siya ng ilang buwan dahil siya ang napiling exchange student ng school namin for a Ballet Competition.

Why not? Brittany is very talented, Bukod sa ganda, talino at yaman, mayaman din ito sa talento. At kung bibigyan nga ako ng pagkakataong ipanganak ulit, hihilingin kong maging katulad ako ng isang Brittany Brillantes!

Brittany's POV

Ano ba naman itong si Myeisha. Kung makairit, wagas! Pero aaminin kong sinadya ko talagang hindi ipaalam sa kanila ni Maggy na ngayon ang dating ko. Wala lang, surprise surprise 'ika nga. :)

"Tama ba itong nakikita ko?! Brittany?!!"

Hindi pa ako nakaka-get over kay Myeisha, biglang dating naman ni Maggy! Haha. Naging friend ko na din ang babae na ito because of Myeisha.

"Loka! Bakit hindi mo sinabi?! Nasundo ka sana namin sa airport!"

"Sorry girls. Sinadya ko talaga."

Nakutusan naman nila ako. Haha! Grabe! alam ko, namiss lang ako ng dalawang ito!

"Opps. Girls, babye na lang muna ha."

Napatingin ako kay Myeisha. Pero ang magaling kong kaibigan, tagusan ang tingin sa akin. She's looking at my back. Napatingin naman ako para alamin kung sinong tinitingnan niya. "Who is he?" curious na tanong ko ng makita ang lalaking tinitingnan nito na nakaupo sa ilalim ng punong acacia.

Nang walang sumagot tiningnan ko na si Myeisha pero wala na ito. Tanging si Maggy na lang ang natira sa likod ko.

"Pagpasensyahan mo na si Myeisha, Bri.. Ang tagal mong nawala, hindi mo na tuloy alam kung anong nangyari. He's Raven KersleySaito."

Please Say I Love You (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon