PS♥ILY 30

1.9K 90 9
                                    

Myeisha's POV

Nagpunta ako ngayon dito sa may puno ng acacia at hinihintay si Raven. Nagtext ako sa kanya na dito ko na lang siya hihintayin. Hindi ko alam kung bakit kinuha niya ang cellphone number ko. Nagtataka nga ako kung bakit palagi siyang nakabuntot sa akin ngayon eh..samantalang dati, inis na inis siya sakin sa pagbuntot buntot ko sa kanya.

Hay. Bipolar talaga.

Nahiga na muna ko dito. Tuyo naman yung mga damo kaya hindi madudumihan ang uniform ko.

Hindi ko pa din maiwasang isipin kung bakit parang bodyguard ko kung umasta si Raven. Naroong kahit matagal, hihintayin niya ko sa labas ng room ko at siya ang maghahatid sa akin pauwi sa apartment tapos binilinan niya pa akong wag na wag magbubukas ng pinto.

Pwede pala ngang magbago ang isang tao ano?

Pero ang feelings kaya, pwede din?

Sana.sana.sana.sana.

Napangiti ako ng makapa ko ang bulaklak na hawak ko sa kaliwang kamay. Nababaliw na nga ata ako dahil ibibigay ko 'to sa kanya.

Hi.

Napatingala ako sa nagsalita.

O.o

O.o

Trey?

Anong ginagawa niya dito? Tiningnan ko lang siya at hindi bumangon..

Nakita mo ba si Maggy?

Bigla akong napabangon. Anong meron dito at si Maggy? Parang di ko alam ah? Sobrang busy kasi ni Maggy lalo na at magfofoundation ang University.

Anong meron sa inyong dalawa? nagwiggle wiggle pa yung kilay ko habang nakatingin sa kanya.

Nothing special actually, may date kasi akong ipinangako sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nothing special daw pero may date?!

Trey.

Napalingon naman ako sa kaliwa ko. Dumating na pala si Raven.

Hello, kuya! ^_^

Ha? Tama ba ang narinig ko? Tinawag niyang kuya si Raven?!

Magkapatid kayo?! tanong ko habang pinaglilipat lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

Oo. Ikaw pa lang ang nakakaalam. Sige, una na ako! -Trey

Sinundan ko na lang siya ng tingin. Hindi pa din ako makapaniwala na magkapatid sila. At bakit walang nakakaalam?

Wag mo nang masyadong pakaisipin yun. Magkapatid lang kami pero hanggang doon nalang yun.

Napatingin ako bigla kay Raven. Bakit parang galit ito? At bakit parang gusto kong pagaanin ang loob niya.? Ayoko talagang nakikita na malungkot si Raven eh.

Please Say I Love You (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon