Myeisha's POV
Nagising ako dahil parang may nag vivibrate sa bulsa ko. Dinilat ko ang mga mata ko at nakita na madaling araw na pala..
Madaling araw na pala..
Madaling araw na pala..
Ma-----
Anoooo?!
Napabalikwas ako sa pagkakahiga. Nakita ko na naka-recline ang upuan. Tiningnan ko si Raven na mukhang nakatulog na din.
What happened?
Gumana na naman ang pagka-unique ng utak ko. Psh.
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at napangisi ng mabasa ko ang subject sa alarm na i-sinet ko ng 12AM
Raven's Birthday..
Ngayon na nga pala ang birthday niya. Mukhang nakatulog na din siya habang hinihintay akong magising. Ang balak ko lang naman ay magtulog tulugan dahil hindi niya ako pinagbuksan ng pinto eh!
Pasuplada effect dapat eh! Yan tuloy, nakatulog ako ng dire-diretso.
Psh.
Ang peaceful niyang matulog. Aang lantik ng pilikmata. Ang pula ng labi.
Hayys.
Bakit mukha siyang perfect?
Kinuha ko ang cellphone ko habang lumalapit sa tulog na si Raven. Magtatake ako ng picture naming dalawa which is 1st picture namin.
Ngumiti ako sa bawat shots ko. Nakakakilig na magkasama kami ngayong birthday niya. Natapos na ako sa pagpipicture hindi pa din siya nagigising.
Hinayaan ko na lang siya. Nilibot ko ang tingin ko sa labas at..
Bakit nasa tuktok kami ng burol?!
Lumabas muna ako kahit malamig. Ang ganda ng view. Umupo ako sa tabi ng puno. Ang tahimik ng lugar. Kitang kita pa ang mga ilaw mula sa ibaba. Ang lawak ng Pilipinas.
Ano kayang ginagawa namin dito? Ito ba yung sabi niya kahapon na pupuntahan daw namin?
Sorpresa ba ang tawag dito?
Dahil kung Oo, kikiligin talaga ako ng bongga!
Ini-scan ko ang mga picture na kinuha ko. Wala akong balak na bigyan si Raven ng kopya. Haha! Baka nga i-delete pa niya kapag nalaman nkya na nag-selfie ako na kasama siya habang tulog.
Nagulat ako ng biglang may tumunog.
Pagtunghay ko ayun,
may makatayong monster sa harap kooooo!
Pero siyempre, joke lang yun. Ang gwapong monster nito.
Himbing ng tulog mo ah? Tulo laway ka pa kanina. biro ko sa kanya.
Bakit hindi mo ko ginising? hihikab hikab pa niyang tanong sa akin.
Wala lang. May puso pa naman ako kaya hindi kita ginising. And I am just returning the favor. Hindi mo din ako ginising kanina nung andito na pala tayo. Tumingin ako sa kanya na tulala lang na nagmamasid. What are we doing here?
BINABASA MO ANG
Please Say I Love You (Under Editing)
Roman pour AdolescentsAside from being seryoso, Raven Kersley Saito of Saito University didn't believe in love. On the other hand, Myeisha Garcia wants him to realize her existence. She wants him to know what love feels like. Chasing Raven, from her "sweetsy" (sweet & ch...