PS❤ILY 3

3K 152 34
                                    

Myeisha's POV

La-la-la-la-la-...

Pakanta kanta pa ko habang nagLalakad sa corridor.

Paano ba naman ako hindi matutuwa ee, sosorpresahin ko Lang naman si Raven Seryoso.

Bwahaha! Na-iimagine ko na naman ang mukha niya kapag nakita ako.

DahiL wala sa daan ang atensyon ko,

Biglang...

Bogssssshhhh!

"Ahhhhhhhhhh!"

Napasigaw ako ng dire-diretsong lumanding ang pwet ko sa sementadong corridor.

Nakakawala ng poise! -.- Ang daming nakakita! Huhuhu! -.-

"Naku, Miss! Sorry."

Dali dali naman akong tinulungang tumayo nang nakabanggaan ko.

Tiningnan ko siya at kahit masakit ang pwet ko sa pagkakabagsak ay nakuha ko pa din siyang ngitian. "Ok lang. Alam kong di mo sinasadya. Wala din naman ang atensyon ko sa dinadaanan ko eH." sabi ko sa kanya. Of course kilala ko siya!

"Nasaktan ka ba? Dadalhin na lang kita sa cLinic kung may masakit sayo."

Napataas ang kilay ko. Wow! Ang gentleman ha?

Kung sabihin ko kayang masakit pwet ko, ano magiging reaksyon niya?

Napangiti na lang ako sa naisip ko.

"Naku, wala. ok lang talaga ako. Sige ha. May dadaanan pa kasi ako ee. Bye!" sabi ko sa kanya bago umalis at pinuntahan si Raven sa classroom nila.

Someone's POV

Sa totoo Lang, sinadya ko talagang banggain si Myeisha. Hindi niya ako kilala.. Well, sa tingin ko. Hindi naman kami nagkakausap ni Myeisha Garcia.

Pero siya at ang lalaking gusto niya, KILALANG KILALA KO.

Paanong hindi ko sila makikilala, eh ang isa sa kanila, ang dahilan ng pagkasira ng buhay ko?

At kapag nasira ko ang isa sa kanila, alam kong pati ang isa ay apektado. Sa ganoong paraan, makakaganti na ko.

Maigaganti ko na din SIYA.

Please Say I Love You (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon