Myeisha's POV
Napaangat ang tingin ko ng biglang bumukas ang pinto ng room namin. Ang tumatakbong si Maggy ang nakita ko. Nakayuko siyang umupo sa tabi ko.
"Hey Mags! Buti di ka nalate ah!" sabi ko. Nagtaka ko ng hindi siya nag angat mg tingin. Yumugyog din ang balikat niya.
"Hey! Ok ka lang ba?" sabi ko ulit.
Hindi pa din siya sumagot. Saka ko lang napansin na ang daming dumi ng uniform niya. Kinabahan na ako. Tinunghay ko siya. Nagulat ako kasi umiiyak pala siya kaya siya nakayuko.
"Anong nangyari?" tanong ko. Nakatingin sa uniform niya.
"Nadulas lang ako." Sagot niya sa akin.
"You're not good at lying Maggy! Tell me what happened!" This time, sumigaw na ako. Napatingin tuloy sa akin yung mga kaklase namin. Sigiro dahil hindi sila sanay na makita kong nagagalit. Being the Campus Sweetheart, they are very much aware that I am too nice for my own good.
"Sina Princess ka--"
"That bitch again?!"Napa-close fist na din ako.
Tumayo ako. Hindi ko na pinansin ang pagtawag at pagpigil sa akin ni Maggy. Dire-diretso na akong lumabas ng classroom namin.
"Hi, Myeisha!"
Hindi ko pinansin ang kung sino mang bumati sa akin. Seryosong seryoso ang mukha ko habang naglalakad. Hinahanap ng mga mata ko si Princess at ang mga alipores niya.
Princess Alonzo is also popular in this school. Hindi lang dahil sa maganda siya. Ang alam ko, malaki din ang investment ng pamilya nila sa school na pag-aari ng nga Saito. Sila din ang may-ari ng ilan sa mga hotel sa bansa. Pero wala akong pakealam kahit gaano pa sila kayaman. Kung gaano siya kaganda. Isa lang ang alam kong ginawa niya ngayon.
Pinahirapan na naman nila ang kaibigan ko.
Nagpunta akong garden, wala sila. Nagpunta ako sa cafeteria, wala pa din. tiningnan ko ang mga bakanteng classroom, wala pa din. Nakarating ako hanggang sa field at dun ko siya nakita. Dinig na dinig ko ang tawanan nila ng mga kaibigan niya. Nag-init ang ulo ko dahil parang alam ko na kung sino ang pinagtatawanan nila.
"Alonzooooooo!!!!!"
Raven's POV
"Hi Myeisha!"
Napabaling ang tingin ko sa lalaking nagsalita. Sa pagbaling ko, nakita kong hindi siya pinansin ni kulit. Seryosong seryoso ang mukha niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganun. Kahit ako, hindi niya napansin.
Ilang araw ko din siyang hindi nakita pagkatapos ko siyang paalisin sa condo ko. Sigawan ba ako? Syempre nainis ako. Pinaalis ko siya. Nung makaalis siya, saka ko nakita na nakaluto na pala siya at may dalawang pinggan na nakalagay sa mesa. Nakonsensya ko sa ginawa ko. Pinaalis ko siya ng hindi man lang kumakain.
BINABASA MO ANG
Please Say I Love You (Under Editing)
Novela JuvenilAside from being seryoso, Raven Kersley Saito of Saito University didn't believe in love. On the other hand, Myeisha Garcia wants him to realize her existence. She wants him to know what love feels like. Chasing Raven, from her "sweetsy" (sweet & ch...