Myeisha's POV
"Excuse me Miss? Nakita mo ba si Raven? Kanina ko pa kasi siya hinahanap pero mukhang hindi umattend ng klase nyo?" tanong ko sa babae na huling lumabas ng classroom nina Raven. Sa natatandaan ko, kakLase niya sa lahat ng subject ang babae.
Pagpasok ko pa lang, hinanap ko na kagad si Raven. Pero magtatanghalian na, hindi ko pa din siya nakikita. Pinuntahan ko ang mga lugar na madalas niyang puntahan, yng bench na inuupuan niya, yung kalsada na palagi niyang tinatakbo, yung library na kung minsan ginagawa niyang tulugan pero alinman dun ay hindi ko siya nakita.
"Naku, Myeisha.. Hindi mo ba alam? May sakit daw siya eh. Yun ang sinabing excuse ni Mam Ivy sa prof namin kanina.."
Paano nito nalaman ang name ko?
Ang Mam Ivy na tinutukoy nito ay ang prof ko din na nagbuking kay Raven ng pagsintang parurot ko.
"Anoo?!! Sige salamat."
May sakit pala ang lokong yun! Hindi ko mapigilang mag-alala habang sakay ng taxi papunta sa condo niya. Lord, wag Nyo po siyang pababayaan please?
*****
Dali dali akong bumaba at iniwan sa security ang ID ko bago tinakbo ang elevator at pinindot ang 10th fLr.
Agad kong inilabas ang susi sa bag ko. Kung paano ako nakakuha ng susi ng condo niya, secret na lang muna. :D Haha!
Pagbukas ko ng pinto....
Nagkalat ang mga pagkain sa mesa.
Dapat pala di nalang ako umalis!.
Gulong gulo ang living room. Agad na dumako ang tingin ko sa isang pintuan na alam kong kwarto niya. Tumakbo agad ako dun, "Baby.? Baby? Yuhuuuu! Andito na ako. "
Nang bumukas ang pinto, agad ko siyang nakitang nakabaluktot sa kama niya at nanginginig.
"Diyos ko! Ang taas ng lagnat mo!" sabi ko ng salatin ko ang noo niya.
Dahan dahan siyang nagmulat ng mga mata at bakas sa mukha niya ang gulat ng makita ako. "Wag mo nang i-try na magsalita, alam kong hindi mo kaya. Sandali lang, ipagluluto kita."
Umalis muna ko sandali sa tabi niya at nagpunta sa kusina. Agad akong naghanap ng pede kong iluto at mabuti na lang, may mga stocks pa siya. Agad ko yung inasikaso at habang hinihintay na matapos, binalikan ko muna siya at pinunasan ng maligamgam na tubig ang buong katawan para kahit papaano, mabawasan ang init na nararamdaman niya,
Nilinis ko din ang mga nagkalat na gamit sa unit niya. Ang daming pictures na nakatumba. Isa isa ko yung tiningnan at nakita kong iisang mukha lang ng babae ang nandun.
Baka naman mama niya to?
"Uhm..."
Sinilip ko si Raven sa kwarto niya ng marinig kong umungol. Dala dala ang niluto ko, ginising ko muna siya. "Baby, gising ka muna. Pakakainin kita." Dahan dahan ko naman siyang tinulungang isandal ang likod sa may headboard ng kama.
"Paano ka nakapasok?" tanong niya sa akin habang sinusubuan ko siya.
I smiled at biniro siya. "Tumagos ako sa dingding!"
"Nakakatawa."
May sakit na nga, sungit pa din.
Napangiti ako dahil kung makipag-usap siya, parang wala siyang sakit. "Wag ka na kasing madaming tanong. Pahinga kana. Babantayan kita."
Tinitigan niya lang ako. Parang hindi pa din siya makapaniwalang nasa harap niya ako.
"Hay nako! Humiga ka na nga!" natatawang sabi ko at inalalayan ulit siyang humiga. In fairness, hindi siya umaangal. Siguro dahil masama talaga ang pakiramdam niya.
Hindi muna ako umalis sa tabi niya. Nag soundtrip na lang ako habang hinihintay na antukin siya.
If we fall in love..
Maybe we'll sing this song as one.
If we fall in love,
we can write a better song than this.
If we fall in love,
we will have this melody in our heads..
Tiningnan ko si Raven..
Patag na ang paghinga niya..
Crush pa ba itong nararamdaman ko? O ibang level na?
Hinaplos ko ang buhok niya papunta sa pisngi niya..
"Matulog ka lang..."
"Paggising mo bukas, MAHAL PA DIN KITA."
Mga katagang bigla na lang lumabas sa bibig ko.
BINABASA MO ANG
Please Say I Love You (Under Editing)
Fiksi RemajaAside from being seryoso, Raven Kersley Saito of Saito University didn't believe in love. On the other hand, Myeisha Garcia wants him to realize her existence. She wants him to know what love feels like. Chasing Raven, from her "sweetsy" (sweet & ch...