Myeisha's POV
Nagulat ako ng parang hangin na dumaan sa harap an konsi Raven at niyakap ang kapatid ko.. Niyakap niya ito ng sobrang higpit.. "Audrey.."
Napapimit ako. Bakit kailangan ko pang masaksihan yun? Bakit kailangan, ngayon pa? Bakit kung kailan masaya kami, saka may eeksena?
At sa lahat ng bakit.. bakit kapatid ko pa?!
Tumutulo ang luha ko habang nakatingin sa kanya. Tiningnan ko ang kapatid ko at biglang bigla siya. Hindi niya din ba inaasahan na makikita niya ang lalaking minahal niya? Walang ngasalita sa kahit na sino man sa amin. Lahat nagulat sa nangyari. Lahat tulala. Nakatingin lang din sila sa dalawang tao na nakakasakit tingnan ng mga mata ko.
Inilayo ni Ate Ally sa kanya si Raven. "N-no! Hindi.. Nag---"
Raven cupped her face. "Buhay ka.."
Inalis ni Ate Ally ang kamay nito at umiling.. Namanhid ng katawan ko. Namanhid ang pusomko sa nakikita ko. Bakit nung andyan siya, naging invisible na ako? Bakit parang wala ako dito? Ramdam kong nakatingin din sila sa akin.
"Myeisha.." Rinig kong tawag sa akin ni Ate Ally. Tiningnan ko siya at kitang kita ko ang sakit sa mga mata niya habang nakatingin sa akin..
Napasinghap ako ng hablutin ni Raven ang braso ko. Napakagat labi ako sa sakit. "Bakit?! Bakit hindi mo sinabi sa akin?! Bakit mo ako niloko?!" Punong puno ng galit ang boses niya.
"W-wala.. Wala akong a-al...--"
"Damn you Myeisha! Wag mo na akong lokohin pa! Bakit sa lahat ng tao, ikaw pang pinagkakatiwalaan ko ang siyang manloloko sa akin?!" He hissed. Mas humigpit ang hawak niya sa braso niya.
Naiyak ako sa sinabi niya. Damn you? Minumura na niya ako ngayon? Tinawag na niya din ako sa pangalan ko. Asan na yung Yesha? Mabuti na lang at pinaalis muna nina Trey ang ibang customer dito at kami na lang ang naiwan.
Tinitigan ko siya. Galit na galit siya habang nakatingin sa akin. Wala na ang pagmamahal na madalas kong makita sa mga mata niya. "Sumagot ka!"
Napailing ako at pilit na kumakawala. "Wala.. W-ala.. talag-ga akong a-alam.." Iyak na ako ng iyak. Hinihigit naman ni Ate Ally si Raven palayo sa akin pero wala ding nangyari.
"I hate you.." sabi nito bago umalis.
Inalalayan ako ni Maggy at Bri dahil parang matutumba ako. He hates me? Wala naman akong alam for Pete's sake!
"Audrey.."
Napabaling ako sa nagsalita. Si Smart. Titig na titig siya kay Ate Ally.
"Mye.."
Sinamaan ko ng tingin ang kapatid ko. "Anong kailangan kong itawag sayo? Audrey na ba?!" I hissed. Wala na akong pakealam kung magtuloy tuloy ang luha ko.
Paano ako nagawang lokohin ng kapatid ko?!
"Mye.. Please.. Let me explain everything.." Naiiyak na sabi nito. She tried to reach my hands pero iniiwas ko ang sarili ko sa kanya.
Galit na galit ako.
"Do you know everything about this, Bri.?" Mahinang sabi ko. I stared at her intense.
Bigla siyang napayuko at parang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko sa galit! "Brittany!"
"Y..Y-yes.."
BINABASA MO ANG
Please Say I Love You (Under Editing)
JugendliteraturAside from being seryoso, Raven Kersley Saito of Saito University didn't believe in love. On the other hand, Myeisha Garcia wants him to realize her existence. She wants him to know what love feels like. Chasing Raven, from her "sweetsy" (sweet & ch...