PS♥ILY 40

1.8K 85 6
                                    

Hiro's POV

Nalaman ko na kung anong nangyari kay Myeisha. Gusto ko siyang puntahan para malaman kung ok lang siya pero alam kong hindi niya ako gugustuhing makita. Nasabi na din sa akin nina Alex at Marc na nakita na sila ni Mye.. Hindi ko tuloy mapigilang itanong sa sarili ko kung pumasok ba ang pangalan ko sa isip niya nung makita ang dalawa.

Kung maibabalik ko lang ang panahon na masaya kaming dalawa, hindi ko na siya sana sinaktan. Bumalik ako dito dahil gusto ko siyang balikan, pero mukhang huli na pala ako.

Pag-aari na siya ni Raven Kersley Saito. Ang anak ng may-ari ng Saito University.

Hindi ko maiwasang mainggit lalo pa at napakaswerte niya kay Mye.

Iniwan ko ang mga opurtunidad sa akin sa California para bumalik dito.

Wag mo kong sasaktan ha.. naalala kong sabi niya sa akin noon. Pero nagawa ko pa din siyang saktan.

Gusto ko siyang bawiin. Gusto kong ako ang maging dahilan ng mga ngiti niya. Gusto ko ako lang. Ako ang magpoprotekta, mag-aalaga sa kanya. Pero paano?

Wala na akong karapatan.

Noon meron..

Pero ako ang siyang pumutol niyon.

Princess POV

Matagal tagal na din na wala akong POV. Nagpahinga muna ako saka ko muna guguluhin ulit ang isip ni Raven at Myeisha. Hindi pwedeng masaya silang dalawa tapos ako, nagmumukhang kawawa sa mga ginagawa ni Myeisha.

Andito ako ngayon sa boutique na pag-aari ng pamilya namin sa mall. Boring pumasok kaya dito na lang ako tatambay. Kahit hindi naman ako pumasok, may nag-aattendance sa akin! Hahaha. Kumuha ako nung estudyante na kailangan ng raket at yun ang pinagawa ko sa kanya. Magprepretend na present ako kahit hindi naman talaga.

Sarap ng buhay ko ano? Nasa akin na ang lahat.. :)

Excuse me..

Ye-----

Nalunok ko ang laway ko ng makita kung sino ang babae na nasa harapan ko ngayon.. Paano nangyari ito? Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Yung babae naman, busy sa pagtingin tingin nung mga damit namin dito.

Gulat na gulat pa din ang itsura ko nung tingnan niya ako. Kung tingnan niya ako, parang sinusuri niya kung kilala niya ba ako.

Ilang taon na din simula nung huli ko siyang makita. Hindi ako makapaniwala na nasanharapan ko siya ngayon..

Audrey..

Someone's POV (girl at the mall)

Parang ewan ang babae na nakatingin sa akin ngayon.

Wala namang dumi sa mukha ko eh?

Saka.. mukhang kilala niya si Audrey..

na kilàlang kilala ko.

Raven's POV

Dito ako sa school ngayon. Naghihintay sa paglabas ni Yeisha. Matigas talaga ang ulo niya dahil kahit anong pilit ko na wag na muna siyang pumasok, yung gusto niya pa din ang nasunod.

Pagkatapos ng nangyari nung foundation day na alam kong hindi na naituloy ang event dahil sa nangyari, bantay sarado ko na siya. Ewan ko pero ayokong mangyari ulit ang nangyari.

Alam kong kasalanan ko kung bakit ginaganito si Yesha.

Paano ko ba lalayuan ang babae na yun eh, komportableng komportable na ako sa kanya?

Please Say I Love You (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon