PS♥ILY 57

2.1K 63 2
                                    

Dedicated to her for the cover.. :))) Heheszz. Thanks bby girl! :*

*****

Maggy's POV

Maaga akong gumising. School days na naman. Hays! Bakit ang bilis ng Monday ano? Bumangon na ako saka nag-ayos. Kinuha ko ang cellphone ko at napangiti ng makitang may text siya.

From: Trey <3

Goodmorning! :)

Yea. Yan lang ang nakalagay pero sobrang masaya na ako. Enough to brighten up my mood. Hindi ko alam kung anong meron kami kasi hindi pa naman namin napapag-usapan.. Well, hindi ko din naman ma-open na topic kasi babae kaya ako! Dapat guys ang nagtatanong so, I am patiently waiting pa din.

Hindi ko pa nababanggit kina Mye ang tungkol sa paglabas labas namin ni Trey at naguguilty ako. Wala kasi ako everytime na may mangyayari na masama sa kanya.

Feeling ko ang sama kong kaibigan. Pinagpapalit ko ang oras ko sa kanila para makasama si Trey. Iniisip ko na lang na maiintindihan nila ako dahil palagi din namang kasama ni Mye si Raven tapos si Bri at Nico.

Nang matapos ako, naglakad na ako para pumunta sa school. Walking distance lang naman ang tinutuluyan ko sa SaiU. Funny pero nakakasabay akong magshopping kay Bri pero hindi ako nagcocommute kapag pumapasok. Hahaha! Pantae lang. Tch.

Andito na ako sa loob ng makita kong dumating ang kotse ni Raven and as usual, may mga nagbulungan na naman. Nakita kong bumaba si Mye tapos nung makita ako, ngumiti agad siya sa akin. Maggy!

I waved at her. Ang cute nilang tingnan. Hindi ako makapaniwala na yung suggestion ko kay Mye na Chase him para mapansin siya ni Raven ay magkakaroon ng katuparan. They are together now. Mabuti na lang at nakatira sila sa iisang bubong ngayon ni Raven. I am really worried about her after what happened and wala ang kapatid niya dahil nasa States daw, nabanggit niya sa akin nung isang buwan.

I wonder kung anong itsura ng kapatid niya. Pero nabanggit niya sa akin na kakambal daw niya yun but they didn't look alike.

Naitanong ko sa sarili ko noon kung magkakaroon ako ng tulad ni Raven.. Yun bang hindi mo pinapansin noon ay siyang kababagsakan mo ngayon?

Sumagi sa isip ko si Trey. Sana he's the one. Because I don't want to experience a broken heart.

Ipinagpatuloy ko na ang paglalakad ko papunta sa room namin ng makita ko ai Smart na nakasandal sa puno at mukhang malalim ang iniisip. I didn't know kung anong sumapi sa akin kasi nilapitan ko siya. Hi.

Tumingala siya at tipid akong nginitian. Tiningnan ko ang watch ko at may 30min pa before mag start ang una naming klase. Tumabi ako ng upo sa kanya. Sobrang tahimik. What can you expect to a man of few words?

Ok ka lang? tanong ko sa kanya. Pareho kaming nakatingin sa mga nagpapractice sa field. Ang aga pa pero may training na kaagad. Tch.

Yea.. tapos nagbuntong hininga siya.

Anong iniisip mo?

He looked at me. Minsan ba naisip mo kung bakit mo ipinagkatiwala ang taong gusto mo sa kaibigan mo?

Natigagal ako sa sinabi niya. Hindi ko expect na magsasalita si Smart ng ganito. Kaibigan? Sino naman ang babaeng ipinagkatiwala niya sa kaibigan niya? Iilan lang naman ang kilala ko na kaibigan ni Smart ah? At isa lang ang may---

Shit! Don't tell me? Nanlalaki ang mga mata na napatingin ulit ako sa kanya. You? ---

I love her.

Please Say I Love You (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon