Myeisha's POV
"Hi baby! Bakit ang cute mo? Siguro dahil nahawahan ka ng ka-cutean ko ano?" I giggled and paused.
"Alam mo, nung una kitang makita which is already a year ago, nung may nakabungguan ka sa mall, tanda mo pa ba? Ako kasi yun eh. Hindi ko makalimutan yung itsura mo that time. Nakangiti, maaliwalas yung mukha, walang problema. Ang sayang isipin nanagkaroon ako ng pagkakataon na masilayan yung mga yun noon. Hindi ko mkkalimutan yung araw na iyon. Nang makita kita ulit, ibang iba kana. Hindi ko alam kung anong nangyari pero kung ano man yun, iintindihin kita. Gustong gusto kasi talaga kita.' I smiled nang sabihin yun. "No, let me rephrase that.. iintindihin kita kasi mahalkita. Wag kang kikiligin ha! Masaya ako at sayo ko nagkagusto. Masaya ko dahil naging malapit tayo. Pasabi kay Tita Ivy, salamat ha! dahil kung hindi dahil dun sa pambubuking niya sa akin sayo, hinding hindi ako magkakaron ng lakas ng loob na mapalapit sayo."
Natatawa na ako sa pinagsasasabi ko dito.
"Ikaw kasi yung taong kulang nalang sabihin kong nag eexist ako. Ang sarap mong batuhin ng bato para malaman mo kung gano kasakit ang tingnan kalang sa malayo, yung kahit nasa iisang lugar ang ginagalawan natin, hindi mo ko napapansin." I smiled. Natatawa kasi ako ee.
Huminga muna ko ng malalim. Pinagiisipan ko pa kung anong idadagdag ko. Well, kung akala nyo kausap ko si Raven, naku! hindi. Haha, Nagrerecord ako ng video na sasabihin sa kanya, Isa kasi ito sa regalo ko e. Naeexcite na nga ko na makita ang itsura niya kapag naibigay ko na sa kanya ang regalo.
Hay. 1 week na lang pala at tatanda na naman siya.
"Raven Kersley Saito..Kung dumating man ang panahon na hindi pala tayo para sa isa't-isa, wag kang mag-alala dahil ipagpapalit kita!"
"Eto na talaga ang totoo.Kung dumating man talaga ang panahon na iyon.. isipin mo na minahal kita..Pero gusto ko gumawa tayo ng paraan dahil ayoko talaga sa iba. Ikaw lang at wala ng iba."
"Happy Birthday baby! Alam kong nagulat ka sa regalo ko pero ito lang ang masasabi ko":
**********
Tinapos ko na yung video bago nahiga sa kama. Nakakapagod ang araw na ito para sa akin kahit wala naman kaming klase kasi weekends naman ngayon. Hayy. Nakakapagod naman palang manahi. Hehe.
Nilibot ko ang tingin sa apartment ko. Oo, apartment lang. Mag-isa lang ako. Mahaba kasing ikwento kaya suspense muna ulit. ;)
Kinuha ko ang wallet ko at may dinukot na picture doon. Picture ni Raven nung bata pa siya. Oo, matagal ko na din siyang kilala. Hindi ko nga alam kung bakit di niya ko nakilala nung ibinuking ako ni Tita Ivy niya eh.
Napangiti na lang ako habang tinitingnan ung picture. Siguro 10 years old pa lang siya dito. Tandang tanda ko pa kung kailan ko siya kinuhanan ng stolen picture niya na ito eh. titig na titig siya sa bintana.
Unti-unting namimigat ang talukap ng mga mata ko.. hanggang saaaaaaa...
*******
(S/N: Whoaaaaa! Hanggang dito na lang muna. Pabitin muna ko. Madami akong pabitin, alam ko. Tulad ni Myeisha, unti-untinna din namimigat amg talukap ng mga mata ko.... zzzzzzzzzz)
BINABASA MO ANG
Please Say I Love You (Under Editing)
Fiksi RemajaAside from being seryoso, Raven Kersley Saito of Saito University didn't believe in love. On the other hand, Myeisha Garcia wants him to realize her existence. She wants him to know what love feels like. Chasing Raven, from her "sweetsy" (sweet & ch...